YOUTH 51

1 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 51
#JEALOUS DYLAN





*DAY BEFORE SCHOOL FESTIVAL*






                       DYLAN POV



"Serve your energy for tomorrow. It's just a friendly match but take it seriously. Dismissed" saad ni Coach Nakai

"Seseryosohin ko talaga ang match na iyon! Hanggang ngayon naaalala ko pa rin kung paano tayo lampasuhin ng mga iyon nung last match natin" anas ni Julian

"Mauna na ako sa inyo!" paalam ko at lumabas na nang gym




Mula pa kaninang umaga busy kami sa practice. Kapag may free time naman kami tumutulong ako sa pag-aayos sa room para sa booth na gagawin namin. Actually, this is a hell week at maniwala kayo o sa hindi halos hindi na kami nagkikita ni Zoey kapag umuuwi ako ng maaga siya naman yung late umuwi at kapag ako ang late umuwi siya ang uuwi ng maaga. Naaabutan na lang namin na tulog ang isa sa amin kapag umaga ako lagi ang nauunang umalis. Kapag lunch time naman magkaiba kami ng oras ng break kaya masasabi ko talagang halos hindi na kami nagkikita. Siya din kasi ang nag-oorganize sa mga match na gagawin ng iba't ibang sports dito katulong ang ibang member niya


Kaya ngayon 4:28 pm pa lang baka naman maabutan ko siya! Namimiss ko nang asarin ang isang iyon.

Dumaan muna ako sa may Sports Club pero si Amber lang ang naabutan ko doon.




"Hey, Amber! Nasaan si Zoey?" Tanong ko pagkapasok ko at mukhang gulong-gulo na ang isang ito ang dami na kasing nagkalat na papel dito

"Huh? Dylan? Ikaw pala" gulat niyang saad

"Hinahanap ko lang si Zoey" anas ko

"Nandito lang siya kanina sabi niya may pupuntahan lang siya" tumango lang ako at ngumiti

"Don't stress yourself, mauna na ako" lumabas na ako doon at naglakad-lakad na lang hanggang sa makasalubong ko si Zeke na may mga hawak ding papers

"Zeke, nakita mo ba si Zoey?" tanong ko na ikinahinto niya

"Nasa room siya kanina nung huli kong makita baka nandoon pa siya" sagot niya

"Thanks!" Ngumiti lang ako at tinap ang balikat niya



Pumunta na lang ako sa classroom namin at nakita ko sila doon na nag-aayos na lang ng mga ginamit nila. Inikot ko ang tingin ko pero hindi ko makita si Zoey




"Dylan? Tapos na kami dito may kailangan ka ba?" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Cali

"Hinahanap ko si Zoey ang sabi ni Zeke dito niya daw huling nakita. Nasaan siya?" tanong ko

"Hindi mo na siya naabutan. Umalis na siya dito mga limang minuto na ang nakakalipas" sabat ni Corrine

"Oo, kakaalis niya lang sabi niya may meeting pa sila kaya baka mamaya pa matapos iyon hintayin mo na lang siya" tumango na lang ako

"Thanks" hayyy! Hihintayin ko na lang siya parang may iba akong choice





Lumabas na lang ako ng room at pumunta sa may rooftop at doon na lang nagpahinga muna!

Nakakapagpahinga pa ba ang babaeng iyon? Baka pinapagod niya na naman ang sarili niya.... Kung ganoon wala tin kaming pinagkaiba. Makaidlip nga muna






DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon