DAYS OF YOUTH 53
#FRIENDLY MATCHTIME CHECK: 10:42 A.M
Ang dami na agad tao dito sa gym. Nandito na rin ang makakalaban namin na team which is ang Lorenzen High. Ang dami nga nilang fans na umattend dito at may mga banner pang kasama. Pandagdag appeal ba iyan? Napailing na lang ako at sumandal sa kinakaupuan ko
"Dylan Choi right?" Napatingin ako sa nagsalita dito sa harap ko
"Kung hindi ako nagkakamali ikaw yung Team Captain ng Lorenzen High? Anong kailangan mo?" walang gana kong tanong
"Ang tagal talaga nating humarap sa totoong match but I'm thankful na hindi ka napaalis dito dahil sisiguraduhin ko pa ang pagkatalo mo" napatawa ako sa kanya na ikinakunot ng noo niya
"Anong nakakatawa? Tingin mo ba hindi ko kayang gawin iyon? Sisiguraduhin kong sa friendly match na ito matatalo na kita" napatango lang ako
"Do what you want! That's your choice and besides hindi naman ako magpapatalo sayo kaya galingan mo" nginisian ko lang siya
"Travis, pinapatawag ka ni coach" tawag sa kanya ng kasamahan niya
"Tsk. Tatalunin kita" pahabol niya bago sumunod sa kasamahan niya
Dinamdam niya ba ang pagkatalo niya last match? Hindi naman big deal iyon pero ang sabi nila first time daw nila matalo ang grupo ng lalaking iyon.
May ilang minuto pa bago mag-umpisa ang match. Ang tagal naman gusto ko ng matapos ito bago pa ako tuluyang madistract. Hanggang ngayon kasi parang nag-eecho pa rin ang sinabi ni Grandma sa akin
"Zoey! Magche-cheer ka ba dito? Paano yung kasabayan naming maglaro? Ang track and field?"
"Huwag kang mag-alala doon Theo nandoon si Amber para magcheer at dadaan din ako doon mamaya"
"Dapat hindi ka magpatalo sa kanila"
"Ako pa ba? Dadalhin ko ang cheering squad dito para sa inyo hahahahahahahaha. Paano ba iyan galingan niyo! Talunin niyo ulit ang Lorenzen High huwag na kayong patambak. Sige mauna na ako may naghihintay pa sa akin. Nasa taas lang ako, okay?"
Tsk. Hindi man lang ako hinanap? O chineer man lang? Inuna niya pang intindihin ang lalaki niya? Hayyy! Grabe talaga ang babaeng ito.
Maya-maya lang ay nag-umpisa na rin ang laro. Kasama ako sa maglalaro ngayon. Ayoko pa nga sanang pumasok kaso pinilit ako ni Coach Nakai kaya wala na rin akong magawa kailangan daw makuha ang momentum.
Ang kabilang team ang unang nakaagaw ng bola. Inihagis ng may hawak iyon sa Team Captain nila na sakto namang nasa likuran ko lang kaya hinarang ko siya habang nagdidribble
"Pagkakataon nga naman. Nagharap na naman tayo" ngumisi pa siya pero umakma lang akong aagawin iyon pero inilipat niya lang sa kabila
"Tsk."
"May bagong lalaki na pala ang girlfriend mo ee" napahinto ako sa pagharang sa kanya ng sabihin niya iyon kaya mabilis siyang nakalagpas sa akin at nashoot ang bola sa ring. Shit!
"Magpapasalamat ba ako kay Ms. Nagger sa points na iyon?" rinig kong bulong niya pagkalapit sa akin bago tumakbo sa kabilang side ng court. Si Julian na pala ang may hawak ng bola
*****************************
*4th Quarter*
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Teen FictionBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...