YOUTH 54

4 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 54
#DYLAN'S REASONS

Nandito ako ngayon sa may hallway at pinagmamasdan lang mula sa pwesto ko si Zoey at ang lalaking kasama niya at mukhang nag-eenjoy ang dalawa sa ginagawa nila. Tsk.

"Bakit hinahayaan mong iba ang kasama ng girlfriend mo?" Napalingon ako doon sa nagsalita at nakita ko yung team captain ng Lorenzen High

"Nandito ka pa pala!" Ani ko

"Sayang ang pagkatalo namin kung aalis kami agad! Magmumukha lang kaming talunan kaya susulitin na namin ang pagpunta dito" napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagtingin doon

"Hindi magandang nag-uusap tayo! Hindi ko gusto ang bagay na iyon" I heard him chuckle

"Ms. Nagger looks happy with him" kailangan niya pa bang sabihin? Nakikita ko naman

"Nandito ka ba para galitin lang ako? Huwag mong sirain ang araw ko pwede ba?" iritado kong saad pero tumawa lang siya

"Alam mo ikaw lang ang nakakatalo sa akin! Simula ng dumating ka lagi na kaming natatalo kaya nacucurious ako sayo. You're really interesting man! You lived in US right? You made your name known there!" Nagulat ako doon sa sinabi niya

"Nagkakamali ka" tanggi ko

"Ganoon ba? So nagkamali pala ang source ko? Hahahahhahahaha! Anyway sa susunod tatalunin na talaga kita hintayin mo ang pagtatapat natin sa semi-finals kung makaabot kayo" tinap niya lang ang balikat ko bago umalis



Tsk. Mukhang hindi talaga kami magkakasundo ng isang iyon kahit na anong gawin ko! Naiirita lang ako sa presensya niya. Napatingin ulit ako kay Zoey na nag-eenjoy talaga sa ginagawa nila.


"Zoey..... Ayokong maging masaya ka kasama ang ibang lalaki.... Tsk. Nababaliw na ata ako" napailing na lang ako at aalis na sana pero nakita ko si Amber na sobrang sama ng tingin sa akin

"Bakit ganyan ka makatingin? Wala akong ginagawa sayo!" Ani ko

"Tsk. Siguro nga ikaw wala pero yung magaling mong girlfriend kanina pa ako inuutusan ng gagawin ko! Halos wala na akong pahinga simula pa kanina tapos siya? Nakikipagtawanan lang sa lalaki niya? Ang unfair!!" Bakit niya sinasabi sa akin iyan?

"G-gusto mo bang kumain?" wala sa sariling tanong ko

"Ililibre mo ako! Hindi ka pwedeng umangal!!!" napatango na lang ako at sinundan siya

Minsan nakakatakot din ang aura na inilalabas ni Amber lalo na kapag nagugutom siya ayun ata ang number one similarities nila ni Zoey ee. Nagpatuloy lang kami sa paglakad at kapag may nakikita kami na may makakainan ay hinahatak niya ako palapit doon at bigla na lang kukuha

Imbes na makapagpahinga ako ay mas lalo lang ata akong napagod sa kakaikot namin. Hindi pa ba siya nabubusog? Hayyy!!

Pagkatapos ng halos mag-iisang oras ay nakaramdam din ata siya ng pagod at inaya na akong magpahinga kaya pumunta lang kami sa may rooftop kung saan walang tao


"Grabeeee!!! Nabusog ako doon!! Solve na ang pagod ko" komento niya at sumalampak ng upo

"Siguro naman hindi kana hihirit!" Anas ko na ikinailing niya

"Busog na ako kaya maraming salamat sa libre Dylan" ngumiti pa siya at tumabi na lang ako sa kanya

"I'm sorry sa ginagawa ni Zoey! Pagpasensyahan mo na siya" ani ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon