YOUTH 16

8 2 2
                                    


DAYS OF YOUTH 16
#TROUBLE PART 2






"Zoey! Ang cute niyo naman dito! Super close ba kayong dalawa?" Hindi ako umimik nun at inayos na lang yung pagkain dito sa mesa habang sila tinitingnan yung photo album ko nung bata

"Aigo! Blake tingnan mo ang hitsura ni Zoey ang pangit niya umiyak!" Aba't talagang Corrine na ito kanina niya pa ako nilalait sa harap ni Blake

"Ang cute nga niya" napangiti ako nun at umiwas ng tingin sa kanila

"Ehem! Kakain na tayo" agaw pansin ni Dylan

"Ang cute niyo talaga tingnan na dalawa! Nakakainggit tuloy kayo. Gusto ko rin magkaroon ng boy bestfriend" lumapit na lang sila sa maliit na mesang ito

"Uwaahhh!!! Ikaw ba nagluto lahat ng ito Dylan? Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto" manghang saad ni Cali

"Ah! Oo!! Masarap iyan kaya tikman niyo" ang yabang



Uupo na sana ako doon sa may gitna ng bigla akong itulak ng asungot na ito at siya ang umupo doon. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinenyas niya lamg yung likuran ko kaya napatingin ako at nakita ko si Blake

Ayun naman pala!!! Buti naman may ginawa siyang maganda ngayon





"Maupo na kayo bago pa lumamig ang mga iyan" anas ni Dylan at nag-umpisa ng magsandok

"Mukhang masarap talaga!!" Komento ni Corrine at nagsandok na rin




Napatingin ako kay Blake na nakaupo na sa tabi ko. Mukhang nahihiya pa rin siya kaya kinuha ko yung plato niya at sinandukan siya ng kanin at ng ulam bago inilapag sa harap niya

Ngumiti lang siya sa akin at nagpasalamat bago kumain



                 CALI>>>>CORRINE
                __________________
               |         FOODS          | 
DYLAN  |_________________|
                 
                  ZOEY>>>BLAKE
     

(A/N: position nila sa may table kung sakaling hindi maintindihan ng iba)





"Nga pala, pumupunta ka ba lagi dito Dylan?" Tanong ni Corrine habang kumakain kami

"Oo, magkasabay kami lagi pumasok kaya technically lagi ko siyang sinusundo dito" anong klaseng excuse yan?

"Saan ka nakatira?" Tanong pa ni Cali

"Malapit lang dito kaso lilipat na din naman ako kaya hindi niyo na dapat malaman" buti naman nakapag-alibi siya

"Bakit sa photo album hanggang grade school lang ang picture niyo? Wala na kayong picture pagkatapos nun" nagkatinginan kami ni Dylan pero umiwas lang ako at binilisan ang pagkain

"Ayun ata yung time na nasa America kana nakatira, tama ba ako Dylan?" sabat ni Blake

"Yeah! Lumipat na kami sa America kaya wala na kaming picture and doon ko na nakilala si Zeke" tsk.

"Zoey! Totoo bang nagconfess ka kay Dylan?" What??




*COUGH.COUGH.COUGH*





"Tubig/Tubig" sabay na nag-abot ng tubig si Dylan at Blake pero yung kay Blake ang kinuha ko at ininom iyon

"Dahan-dahan lang sa pagkain Big Sis, wala namang aagaw sayo. Ipagluluto kita kung bitin ka pa!" Pasimple kong kinurot yung tagiliran niya na ikinadaing niya

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon