DAYS OF YOUTH 05
#HE'S STILL KIND*KINABUKASAN*
Nagising ako ng may marinig akong ingay! Anong oras na ba? Maaga pa ata bakit may nag-iingay na?
Napaupo na lang ako at nag-unat-unat pa at paglingon ko doon sa may kanan ko ay nakita kong lumabas sa kung saan si Dylan. Inirapan niya lang ako bago inilapag sa may table yung pagkain
Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto! Kaso mukhang wala siyang balak na ayain ako. Simula yung nangyari kagabi hindi niya na ako kinausap
Napakasensitive niya! Siya nga yung nakakasakit diyan!
Tumayo na lang ako at hinanda yung susuotin ko bago pumasok sa CR alam niyo naman na siguro na naliligo ako agad paggising ko
After ng ilang minuto ay lumabas na rin ako na nakauniform na. Hindi ko pa rin siya pinapansin at nag-ayos na lang ng sarili
*KRINGGGGKRINNGGGG*
"Hello! Cali napatawag ka? Ang aga pa ah!" Sagot ko doon sa tawag
"Ah! Gusto ko lang tanungin kung nakagawa kana ba ng poem? Ngayon na iyon diba? Nakokonsensya kasi ako na hindi ako tumulong sayo kaso pag ako naman ang gumawa baka magalit si Mr. Lincoln" aish! Shoot! Oo nga pala yung poem nakalimutan kong gawin? Sabi ko pa naman kagabi iidlip lang ako pero nakatulog na ako ng mahimbing
"Cali, maraming salamat sa pagtawag buti ipinaalala mo sa akin yan. Hindi pa ako nakakagawa ee" ani ko
"Huh? Anong oras na ah! Anong gagawin mo?" Tanong niya
"Aish! Ako ng bahala kita na lang tayo sa school. Bye!" Inend ko na ang tawag nun at kumuha ng papel at ballpen
7:03 a.m pa lang naman maaga pa pero kakayanin ko bang gumawa ng poem? Nagpapagawa nga lang ako sa iba tapos..... Hayyyy!!!
Paano ba ako mag-uumpisa? Ano bang title ang gagawin ko? Pwede bang tagalog? Pero English literature ang itinuturo ni Mr. Lincoln. Tsk. Kung katulad lang siya ni Mr. Calvo na mahuhuli ko siguro hindi ko na kailangang gawin ito
Napatingin ako kay Dylan nun na busy sa pagkain pa rin hanggang ngayon hindi pa rin siya tapos diyan! Dinadasalan niya ba ang pagkain?
"Dylan..." Tawag ko sa kanya
"Bakit? Magpapatulong ka? Asa ka na lang!" Ang sungit naman nito
"Dylan... Galit ka pa rin ba? Please tulungan mo na ako" nginitian ko siya pero tinitigan niya lang ako na ikinataka ko
"Tulungan kita? Kawawa ka naman kaya tutulungan kita" tumayo siya nun at tumabi sa akin kaya lalong lumawak ang ngiti ko
"Ito ang papel at ballpen" abot ko pero tinitigan niya lang iyon bago kinuha yung cellphone niya at nagdial ng kung ano
"Hello? Zeke, kasama ko si Big Sis ngayon gusto niya daw magpatulong about sa poem na isusulat niya willing ka bang tu---" nababaliw na talaga ang lalaking ito
Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay inagaw ko na lang yung cellphone niya at ako na ang sumagot
"Blake. Nagbibiro lang ang little bro ko sorry sa istorbo. Bye!" Inend ko na ang tawag at pabatong ibinalik sa kanya yung cellphone niya
"Ang aga-aga iniinis mo na naman ako! Kung ayaw mo akong tulungan di huwag at saka huwag mo nga akong ipahiya sa harap ni Blake uupakan talaga kita" iritado kong saad at iniwasan na lang siya ng tingin
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Teen FictionBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...