DAYS OF YOUTH 22
#HIDING"For the last piece of book" saad ko bago inilagay sa bookshelf yung huling libro
Napaupo agad ako sa floor at napasandal na lang sa bookshelf. Hindi ko alam na ang hirap pala mag-ayos ng mga libro na iyan at halos inabot kami dito ng mahigit na dalawang oras sa pag-aayos lang
Hindi ko nakikita ang sarili ko na ginagawa ito
"Uminom ka muna! Maraming salamat sa tulong mo" kinuha ko lang yung juice na binigay niya at ininom agad iyon habang siya umupo sa may floor at nakasandal sa kabilang shelf
"Big Sis! May araw bang hindi ka gagawa ng gulo? Alam mo gusto ko ring magpahinga kahit minsan" reklamo ko pero inirapan niya lang ako
"Huwag kang mag-alala hindi na ako hihingi ng tulong sayo!! Tsk" sana nga mangyari yun
"Yung about sa Sports Club Room incident, wala kanang dapat na ipag-alala nasolve na namin yung case" ani ko bago tumayo at nag-unat-unat pa
"Hindi ako uuwi kaya umuwi kana lang, isara mo ng maigi ang pinto at huwag kanang lalabas at matulog ka rin ng maaga, magpahinga ka. Alis na ako" hindi siya umimik kaya umalis na lang ako
Habang naglalakad ako sa may hallway ay nakasalubong ko si Zeke na mukhang pauwi pa lang din
Hayyy!!! Right timing ang dating niya!
"Zeke!!"
"Oh? Akala ko umuwi kana! Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong niya
"Nasa library si Zoey ngayon pwede bang ikaw na ang maghatid sa kanya pauwi? May kailangan lang akong gawing importante" sagot ko sa kanya
"H-huh?"
"Ikaw na ang bahala sa kanya! Una na ako" tinap ko lang ang balikat niya bago tumakbo palayo
"Hoy! Dylan!!" Napangiti na lang ako at hindi na siya nilingon
Big Sis! May utang kana naman sa akin kaya galingan mo sa pang-aakit kay Zeke!!
ZOEY ASTRID POV
Ang lalaking iyon wala na talagang kasing baliw!! Saan naman siya matutulog? At bakit hindi siya uuwi? Well, mas maganda na ang wala siya sa bahay
Magagawa ko lahat ng gusto ko at sana lang maisipan niya ng lumipat bago pa kami mabuking ng iba
"Zoey!"
"Anak ka ng kabayo! Hayy!! Blake kanina ka pa ba nandyan?" napahawak ako sa bandang puso ko sa sobrang gulat
"Hindi naman! Tapos kana ba dito?" Tanong niya kaya napatango na lang ako
"Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" Tanong ko bago tumayo at hinarap siya ng maayos
"Sinabihan ako ni Dylan na ihatid ka sa inyo since anong oras na rin naman at madilim na sa daan para maglakad ka mag-isa kaya sasamahan na kita" a-ako? Sasamahan ni Blake? OMG totoo ba ito? Hindi ba ito panaginip?
"A-ah hindi na kailangan baka nakakaistorbo pa ako sayo" tanggi ko kahit deep inside ay gustong gusto ko siyang kasama
"Zoey! Ipinatigil ang practice hindi ba? At wala rin namang masyadong ginagawang activities ngayon kaya okay lang na samahan ka! Let's go?" Napangiti na lang ako at tumango sa kanya
Kinuha ko na lang yung bag ko at isinukbit iyon bago kami lumabas ng library.
Habang naglalakad kami ay parehas kaming hindi umiimik at nakasunod lang ako sa likod niya. Hindi ko napansin ang oras at napagod talaga ako sa pag-aayos ng mga libro na iyon
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Teen FictionBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...