YOUTH 29

3 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 29
#SAVING DYLAN 101



Pagpasok ko dito sa loob ng classroom ay napatahimik silang lahat pero pumunta lang ako sa unahan at tiningnan silang lahat

"Siguro naman narinig niyo na ang totoo mula mismo sa bruhang Dianne na iyon? Hindi ko gusto ang inasta niyong lahat. Maybe hindi ako kasing talino niyo o kasing sipag niyo pero hindi ako pinalaking sinungaling. Yung mga sinabi niyo nung araw na iyon below the belt na alam niyo ba iyon? Hindi ko kayo pipiliting humingi ng tawad ang gusto kong gawin niyo tigilan niyo na ang little bro ko sa mga parinig niyo! Sinasabi ko ito bilang Vice-President ng classroom na ito. Reflect on what you did. Ayun lang ang sasabihin ko" pagkatapos kong sabihin iyon ay pumunta na lang ako sa upuan ko at doon napahinga ng malalim

"Wow! Ang cool mo magsalita sa lagay na iyon Zoey! May pinaplano ka pala tapos hindi mo man lang kami inabisuhan" reklamo ni Corrine

"Matagal ko ng hindi gusto ang ugali ng bruhang iyon kaya una pa lang nagplano na talaga ako ng dapat kong gawin" anas ko

"Nakakagulat pa rin lahat ng action na ginawa mo! Kaibigan ka talaga namin" napangiti na lang ako sa sinabi ni Cali



Napalingon ako dito sa nasa likuran ko pero nakatitig lang siya sa akin kaya napaiwas lang ako ng tingin. Tsk. Hindi ko makakalimutan ang nakita ko kagabi sa cellphone niya


"Huwag mong isipin na may motibo ako sa ginawa ko. Gusto ko lang bumawi sa pagligtas mo rin sa akin kaya quits na tayo. Wala na akong utang na loob sayo" anas ko at tumingin na lang sa unahan ko mahirap na baka kung ano pa ang masabi ko



*****************************


*RECESS*



"Siguro naman ngayon Zoey may balak kanang sabihin kung paano mo ginawa ang plano mo?" Biglang tanong ni Corrine habang kumakain kami

"Hindi na ba makapaghintay ang curiousity mo Corrine?" Tanong ko saka kinain yung pasta na binili ko ang sarap talaga

"Bata ka ba kumain? Maging aware ka nga sa katawan mo" nagulat ako ng biglang punasan ni Dylan ang bibig ko

"A-ano bang ginagawa mo little bro? Hahahahhaha kaya kong gawin yan" inagaw ko na lang sa kanya iyong tissue at pinunasan ang bibig ko

"You surely took care of her Dylan" komento ni Corrine na may kasama pang pagngisi

"Yeah! Because she's a childish brat! Malingat lang ako saglit kung ano-ano nang kalokohan ang ginagawa niya" a-ano daw? Ako? Childish Brat?

"M-may point ka sa sinasabi mo Dylan, laging gulo nga ang dala ni Zoey" pati ba naman si Cali sumasali pa sa kabaliwan ng isang ito?



Napatingin ako sa kanila ng bigla na lang silang humagalpak ng tawa kaya napairap na lang ako at pabagsak na ibinaba yung tinidor na hawak ko at sinamaan sila ng tingin


"Mga kaibigan ko ba kayo? Bakit kayo naniniwala sa asungot na ito? Wala naman siyang ibang alam kundi pansin ang negative sides ko kaya anh sarap niyang itapon sa Mercury para masunog na ee" protesta ko

"If you do that isasama kita Big Sis! Ikaw ang clown ko remember?" Clown? Hindi ko na talaga matake ang sinasabi niya sa akin ang sarap niya ng durugin ng pinong-pino

"Dapat pala hindi na kita tinulungan bwisit ka!!! Sana tahimik ang buhay ko dito!! Bwisit kang asungot ka" pinaghahampas ko siya pero pinigilan niya lang ako

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon