YOUTH 47

3 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 47
#UNEXPECTED CONFESSION







                 ZOEY ASTRID POV







"Hindi ikaw ang kailangan ko" itinulak niya si Corrine kaya susugod na sana siya pero pinigilan ko na at hinarap ang babaeng iyon

"Anong ginagawa mo dito? Gusto mo bang malaman ang lagay ko? O ang ginagawa namin ng boyfriend mo?" Anas ko

"Ang lakas talaga ng loob mo! Leave Dylan alone! Paalisin mo siya dito" napangisi lang ako sa kanya

"Bakit hindi ikaw ang gumawa? Boyfriend mo siya diba? Makikinig siya sayo! Kaya pwede umalis kana" sarcastic kong saad

"Hindi ka pa rin nagbabago walang hiya ka!!" sasampalin niya na sana ako pero may humawak sa kamay niya at nakita ko si Dylan

"Bitawan mo ako"

"Umalis kana Amber! Mahiya ka sa mga taong nandito"

"Sila ang dapat mahiya! Sumama ka sa akin! Hindi ako aalis hanggang hindi ka sumasama" pumagitna siya sa amin na ikinagulat ko kasi seryosong-seryoso ang mukha niya

"Walang dahilan para sumama ako sayo!" T-teka bakit iyan ang sinasabi niya sa girlfriend niya?

"What? Ako ang girlfriend mo! You're unbelievable Dylan!!"

"Umalis kana! Ayoko ng gulo kaya umalis kana"

"Bwisit ka talagang babae ka! Anong ginawa mo sa kanya? Ginayuma mo na ba siya para sabihin niya sa akin ito? Bwisit ka!! Lumapit ka dito" pilit siyang sumusugod sa akin pero pinipigilan siya ni Dylan

"Bitawan mo ako tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyan!!!"

"Sabi ko tama na! Umuwi kana!"

"Bitawan mo ako!" hinatak ako paatras ni Corrine ng muntik niya na akong maabot

"ANO BA? SABI KO TUMIGIL KANA!!" Itinulak niya si Amber na ikinatumba nun

"You.... You pushed me? You pushed me because of that woman? Alam mo bang ako ang girlfriend mo! Ako"

"Ayoko na!!"

"A-anong sabi mo? Anong sinasabi mo Dylan?" Nakita kong naikuyom ni Dylan ang kamao niya

"Sabi ko ayoko na! Ayoko na sayo! Ayoko na magsinungaling sa sarili ko! Ayoko na" aniya

"Anong ibig mong sabihin? Nakikipaghiwalay kana agad sa akin?"

"Oo! Hindi ikaw ang gusto ko simula pa lang! Si Zoey ang gusto ko! Si Zoey lang ang nagustuhan ko simula pa lang!! Naiintindihan mo ba ako? Kaya umalis kana dito! Huwag na huwag mo nang sasaktan ulit si Zoey!!" H-huh?

"Nagsisinungaling ka lang! Gusto mo lang akong paalisin!"

"Hindi ako nagsisinungaling! Umalis kana tapos na tayo kaya wala kanang babalikan dito" t-tama ba ako ng narinig? Imposible nagdadahilan lang siya! Imposibleng magustuhan ako ng walang pusong katulad niya

"Nakakainis ka!! Nakakainis kayo" umiiyak na tumakbo si Amber paalis

"Fuck! What did you just say? Parang kailan lang ipinagtatabuyan mo si Zoey tapos ngayon sasabihin mong gusto mo siya? Pinaglalaruan mo ba ang kaibigan namin?" Anas ni Corrine

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon