YOUTH 27

2 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 27
#SECRET?





*NEXT DAY*



"Zoey!!! Sobra ka makatitig pinapatay mo na ba sa isip mo si Dianne" biglang sulpot ni Julian at Theo

"Kulang ang pagpatay sa ginawa niya" ani ko

"Nasaan na si Dylan? Hindi siya pumasok ah! Don't tell me na nakick-out agad siya?" tanong ni Theo

"Parang ganoon na nga!" Ani ko

"Mukhang nagtagumpay si Dianne sa binabalak niya ah! Anong gagawin mo?" Napangisi lang ako sa kanila

"I have my connections Julian!! Dahil iniligtas ako ng asungot na iyon babawi lang ako sa kanya this time! Atsaka hindi ko mapapatawad ang babaeng iyan, lintik lang ang walang ganti" anas ko

"Mukhang may nagawa kana ah! Nice Zoey!! The best ka talaga kahit kailan" nagfist bomb lang kaming tatlo at sabay na napangiti ng nakakaloko

"Last niya na iyan, manood kayo sa anticipated and legendary downfall ng bruhang iyan" napatango lang sila

"Babalik na ako sa room, baka mabulyawan pa ako ng next teacher namin at kayo goodluck sa practice niyo" tinap ko lang ang balikat nila bago bumalik sa room




Pagdating ko dito sa room ay mga nakatitig sila sa akin ng masama pero inirapan ko lang sila at umupo na lang sa upuan ko

Sanay na ako sa mga katulad nila! Tingnan lang natin kung sino dapat ang umastang galit sa atin kapag napatunayan kong walang kasalanan si Dylan sa lahat ng mga nangyari

Tatapusin ko ang kasiyahan ng bruhang iyon at sisiguraduhin ko na hindi na siya babalik pa sa  Parkinson High


"Zoey, saan ka ba galing kanina ka pa namin hinahanap ni Caliyah" tanong ni Corrine

"Nandyan lang naman ako sa tabi-tabi nagpapalipas ng oras. Bakit ba? May nangyari ba?" Tanong ko

"May pumuntang teacher dito at nag-announce na magkakaroon tayo ng 3-days-camp next week" 3 days camp? Bago yun ngayon ah!

"Hindi ba exciting iyon? 3 days walang klase" nakangiting saad ko pero binatukan lang ako ni Corrine

"Para saan iyon Corrine?" Tanong ko habang hawak ang ulo ko

"Sinong may sabing magpapakasaya lang tayo sa camping? Mukhang Hell Camp ang mangyayari doon ee" sagot ni Corrine

"Oo nga naman Zoey and besides narinig kong nag-uusap ang mga teachers sa faculty about this upcoming camp and for seniors lang daw iyon. Mukhang paparusahan nila tayong lahat dahil sa mga gulong nangyari ngayon" bulong ni Caliyah

"Tayo ba ang gumawa ng mga iyon? Sila lang mahilig manisi diyan! Nakakainis sila" ani ko at napairap

"Maiba ako kamusta na si Dylan? Tuluyan na ba talaga siyang nakick-out dito sa Parkinson High?" Tanong ni Cali na ikinangisi ko

"Hanggang nandito ang Big Sis niya ako ang bahala sa kanya kaya sigurado akong babalik siya" confident na saad ko

"May ginawa ka ba Zoey?" Nagkibit balikat lang ako na siya namang pagdating ng teacher namin



Nakinig na lang ako sa harapan pero dahil boring ako sa subject na ito ay nakatulog na lang ako



*****************************


DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon