DAYS OF YOUTH 28
#SAVING MY LITTLE BRO"ZOEYYY!!!" napalingon ako doon sa tumawag sa akin
"Julian? Theo? Bakit kayo sumisigaw? May nangyari ba?" Walang gana kong tanong
"Ikaw ba ang may gawa?" bulong ni Julian kaya nagtataka ko siyang nilingon
"May gawa nang ano?" Tanong ko pero sabay lang silang ngumuso sa may bulletin board ng Parkinson High
Pagtingin ko doon ay nakita kong marami ng tao ang nagtutumpukan doon!! Wooaahhh! May big news kaya diyan? Hindi ko naman malalaman kung hindi ko pupuntahan
"Teka lang Zoey, hintayin mo kami" anas ni Theo bago sila sumunod sa akin
Nakisingit lang kami doon sa mga nagsisiksikan. Ayaw pa nga pasingit pero uubra ba sila sa akin? Hahahhahahaha nakarating din kaya kami sa unahan sa mismong tapat ng bulletin board at pinipigilan kong tumawa ng makita ko ang picture ng babaeng iyon na may kasamang iba't ibang lalaki at grabe lang sa pagkaharot noh!!!
Hindi ko inaasahan na mailalagay agad ito dito!!! Ang bilis naman nilang kumilos hindi pa ako handang magreact ng bongga ee
"WHAT THE HELL IS THIS?" umalingaw-ngaw ang boses ng bruhang iyon kaya napatakip ako sa tenga ko
"Sino ang may gawa nito? Sino ang nagpost ng mga picture na ito dito? Mga sinungaling kayo" aniya at nakita kong pinagtatanggal niya yung mga picture doon
"Karma strikes back right?" ani ko na ikinalingon niya sa akin
"Ikaw!!! Ikaw ang may gawa nitong bruha ka!!" Susugurin niya sana ako pero pinigilan na siya ni Theo at Julian
"Huwag mong ilalapat ang marumi mong mga kamay kay Zoey!!" saad ni Julian na ikinagisi ko
"Mga ilang lalaki kaya ang nakakasama mo sa loob ng isang araw? Satisfied ka ba? Mukhang hindi kaya sobrang dumami sila!! Bilangin ko kaya?" Pang-aasar ko
"BWISIT KA!! GAWA-GAWA MO LANG ANG LAHAT NG ITO!!! BAKIT? KASI NAIINGGIT KA SA AMIN? HAHAHAHA-----"
*PAKKKKKKKKK*
"Para yan sa ginawa mo sa little bro ko!!!"
*PAKKKKKKKKK*
"Para naman 'yan sa pagbibintang at pambablackmail mo sa akin"
*PAKKKKKKKKK*
"Para naman 'yan sa malala mong kalandian, hindi ka pa ba nahimasmasan? Hayaan mo meron pang kasunod yan!!!" Inirapan ko lang siya pero masama lang ang tingin niya sa akin
"Dianne, pinapatawag ka sa Principal's Office at ikaw rin Zoey" tawag ni Blake sa amin kaya nagkatanguan lang kami
"Sabi ko sayo hindi pa ako tapos di ba?" Mapang-asar kong ani
"Zoey..."
"Okay lang ako Julian, hindi pa tapos ang surprise ko kaya maghintay lang kayo!!" Kinindatan ko lang sila bago naunang pumunta sa Principal's Office
Pagdating ko doon ay nakita ko ang seryosong mukha ng Principal at nang isa pang lalaki. Hindi ko sila pinansin at umupo lang sa tabi ni Blake na siya namang pagpasok ng bruhang iyon na halatang nagulat pa
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Teen FictionBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...