DAYS OF YOUTH 31
#UPSET*UWIAN*
HAYYY!! Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko!! Nababaliw na talaga ako! Feeling ko hindi ko tuloy kayang harapin si Dylan sa lahat ng mga inasta ko kanina
Inuntog-untog ko na lang ang ulo ko sa mesa sa sobrang frustration. Uwian na pero nandito pa rin ako sa may Sports Club katatapos ko lang ng mga gagawin ko kahit nga mga assignment ko nasagutan ko ng wala sa oras dahil sa pagbabakasaling makalimutan lahat ng nangyari kanina
"Zoey? Ano pang ginagawa mo dito?" Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Blake kaya napaayos ako ng upo
"B-blake k-kanina ka pa ba diyan? May kailangan ka ba?" Tanong ko
"Wala naman, papunta na sana ako sa pool area kasi may practice kami pero nakita kong bukas pa rin ang pinto dito kaya akala ko kung sino na" awkward lang akong tumawa
"A-ano... Ah... Kasi katatapos ko lang sa ginagawa ko" inayos ko yung mga gamit ko at ipinasok iyon sa bag
"I see... Naghihintay si Dylan sayo sa labas hindi ba siya pumasok dito?" napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ng asungot na iyon
"H-hindi ko alam na may tao..."
"Umuwi kana! Bye" tumango lang ako at sinundan siya ng tingin habang palabas ng pinto
*SIGH*
Si Dylan? Naghihintay sa labas? Tsk. Dapat iniiwasan niya na ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Halata namang nagalit ko siya. Pero kasalanan niya naman iyon hindi siya marunong makiramdam masyado siyang selfish
Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay itinabi ko lang yung mga folder doon sa may drawer bago lumabas ng Sports Club at nagulat ako ng makita ko nga si Dylan na nakasandal sa gilid. Napaiwas lang ako ng tingin sa kanya at inilock yung pinto
"Akala ko balak mo nang tumira sa loob" bigla niyang saad
"S-sino bang may sabi na maghintay ka diyan? Hindi mo responsibilidad na samahan ako sa pag-uwi, hindi na ako bata kaya kong maglakad mag-isa" walang lingon-lingon na anas ko
"Zoey... Pwede bang huwag na tayong maging awkward sa isa't isa? Grabe hindi ko na matake kahit isang minuto pa na tumagal tayo ng ganoon" tiningnan ko siya at ginulo niya lang ang buhok ko kaya tinabig ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin
"Kasalanan ko ba iyon? Pagkatapos ng lahat ng si—Aisshhhh!!! Di bale na nga umuwi na tayo" nauna na akong maglakad sa kanya
Habang naglalakad kami ay hindi pa rin kami nag-iimikan. Hindi ko nga alam kung ilang beses akong napapahinga ng malalim at feeling ko napakabigat ng pakiramdam ko at hindi ko na alam ang gagawin ko!!
When a complicated love strikes you, it really makes you a damn big insane for some reason!!
Uwaaaahhhhhh!!! Gusto ko nang ayusin ito!! Bahala na nga!!! Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya tiningnan ko pa ang paligid namin pero kami lang ang nandito
"Bakit?" tanong niya
"Dylan.... Gusto kong linawin ang nararamdaman ko..." Napaiwas ako ng tingin at naikuyom ko lang ang kamao ko
"Zoey napag---"
"Alam ko!! Ang sabi ko gusto kong linawin ang lahat! Kung hanggang saan ang mararating ng complicated na nararamdaman ko sayo hindi ko kailangan ang pagpayag mo. Gusto ko lang sabihin sayo na gagawin ko kung ano ang gusto ko at wala kang ibang gagawin kundi tanggapin iyon!" Napailing siya sa sinabi ko kaya tumalikod na lang ako
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Teen FictionBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...