DAYS OF YOUTH 03
#BAD DAY*IN ROOM*
Pagpasok namin dito sa room ay napukaw na agad ang pansin ko sa pwesto ni Dylan and guess what I saw him sitting beside Blake. Paniguradong malalason niya lang ang utak ni Blake at baka maging dahilan pa ng pagbaba ng rank niya
Nabaling ang tingin niya sa akin pero inirapan ko lang siya at umupo sa upuan ko which is sa unahan niya lang ang layo hindi ba?
"Zoey, ipakilala mo naman kami" anas ni Corrine na nasa harapan ko lang
"Magpakilala kayo kung gusto niyo bakit ako pa?" Iritado kong ani at inayos na lang ang gamit ko
"Sige bahala ka, hindi ka tutulungan ni Cali sa poem na pinapaggawa sayo ni Mr. Lincoln sa literature natin" napatingin ako sa kanila ng may pagkainis
"Tinatakot mo ba ako Corrine?" Nagkibit balikat lang siya na ikinairap ko
"Cali! Tutulungan mo naman ako diba?" Nagpuppy eyes ako sa kanya pero umiwas lang siya ng tingin
"Grabe! I swear ngayon lang ako nagduda sa friendship natin" saad ko
"Ipakilala mo na lang kasi kami madali lang naman yung kapalit na hinihingi namin since ayaw mo naman ipaagaw si Blake hehehe" bulong ni Corrine
"Fine. Panalo na kayo!" Pagsuko ko bago huminga ng malalim at humarap sa lalaking asungot na iyon
"Dylan..."
"Zeke, ano nga palang ayaw mo sa babae? Yung harheaded, stupid, clumsy, talkative and ugly right?" Napanganga ako sa sinabi niyang iyon kaya hindi ko na nasundan ang sinasabi ko
"Paano ba yan? Kaharap ko yung taong iyon ngayon?" Seriously? Hindi niya ba talaga ako titigilan?
"Ano bang sinasabi mo Dylan? Tingin mo ba papatulan ko si Zoey? Classmates lang kami" naikuyom ko ang kamao ko sa narinig kong sinabi ni Blake masyado pang maaga para mabasted ako ng ganito
"You don't like her?" Tanong pa niya
"A-ah.. I like her personality yeah!" Nginitian ko lang si Blake nun
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin pero pwede ba huwag mo na lang intindihin ang little bro ko minsan.... Mali, kadalasan walang kwenta ang sinasabi niya" anas ko
"Sinong walang kwenta?" Tanong niya
"Ikaw! Sino pa ba?" Binelatan ko lang siya at inirapan
Pagharap ko ay nakatitig sa akin yung dalawa kong kaibigan kaya nagkibit balikat lang ako
"Di bale na lang hindi na ako hihingi ng tulong sa inyo mas hindi ko atang tagalan ang lalaking asungot na iyan" pagkatapos kong sabihin iyon ay itinuon ko na lang sa libro ko yung atensyon ko
Maya-maya lang ay dumating na rin ang teacher namin which is si Mr. Lincoln. Here we go again... Feeling ko kasi this past few days trip niya ako lagi na lang akong napapansin at tingnan mo pinapagawa niya ako ng english poem na sarili kong gawa. Parusa ko daw iyon sa pagbagsak ko sa long test last week at sabi pa niya sa loob ng pitong araw magrerecite ako ng poem na gawa ko before he start the lesson
It means pitong tula din ang gagawin ko at sabi niya pa huwag ko na daw subukang kumuha sa internet dahil alam niya daw ang pinagkaiba ng galing sa internet at ang sariling gawa. Ee di siya na ang magaling!!
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Teen FictionBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...