Hinihingal man pagpasok ng kotse, hindi nito napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kasama ang pakiramdam ko na hindi ko kayang pigilan ang pag-iyak ko!
Manong was shocked at my sudden entrance, but he didn't ask anymore question. Maybe he noticed that I'm crying that's why he kept quiet. Mas in favor din sa akin 'yon dahil hindi ako alam kung ano ang sasabihin ko kung bakit ako umiiyak ngayon.
I sighed heavily and wiped my tears away. Pagkapunas sa isang mata may tumulo agad na panibago sa kabila.
"Ayos ka lang ba, hija?" Nag-aalalang tanong ni Manong Fred, hindi na nakatiis.
Tumango lang ako at nag-iwas ng tingin. I sighed and looked outside. Kanina, noong lumabas akong tumatakbo at umiiyak, hindi ko napansin na maraming tao sa labas ng court. Kaya ngayon na nakikita na, halos wala na akong mukhang maharap.
They probably saw me crying! Embarrassing!
Kumalabog iyong pintuan ng kotse sa pagpasok ni Curl. She seems very worried. When our gazes met, her lips parted, as if she was surprised to see my bloodshot eyes. Even if I've already wiped away my tears, it's still obvious that I cried. My bloodshot eyes and red nose were enough proof.
She immediately enveloped me with a warm hug. Nalukot lalo iyong puso ko at tumulo na naman ang pesteng luha. I cried on the shoulders of the person I know who would never abandon me. Curl is my person. I really treasure our friendship.
I may not have a sister or brother, but I am so grateful that I have Curl.
Hindi man ibibigay sa'yo iyong gusto mo, bibigyan ka pa rin ng isang tao na pupunan iyon. I don't have a sibling but I have a friend. That's more than enough for me.
"Shh... stop crying, Hash. Naiiyak din ako sa'yo!" Natatawang sabi ni Curl at hinimas ang likod ko.
Natawa rin ako sa sinabi niya. Tahimik lang si Manong sa harapan at hindi nakikiusisa. Hindi pa umaandar ang sasakyan paalis dahil wala pa naman kaming sinasabi.
"Thank you..." I whispered when I calmed down.
Humiwalay sa yakap si Curl at nakangiting hinarap ako. I smiled weakly, too. Now, a bit shy because of what happened.
"Pagpasensyahan mo na lang si Kuya. He's just like that. Napapagalitan din naman niya ako ng ganoon kapag pasaway ako." Aniya.
Tumango ako. "It's alright. Nagulat lang ako dahil iyon ang unang beses... na may nagtaas ng boses sa akin,"
It's true. Never akong sinigawan nila Mommy and Daddy. I know I'm a bit spoiled. Perks of being an only child. My parents will give me everything I want. Kaya alam ko na naging spoiled brat nga ako kanina.
But he didn't have to do that. He didn't have to shout at me! Pupwede naman niyang sabihin sa akin. Dahil kahit spoiled brat ako, alam ko ang tama sa mali! I know I'm at fault, alright!
"Again, I'm sorry... Nabigla lang din si Kuya. He was about to run after you, pinigilan lang nila Kuya Ben dahil baka mag-away kayo lalo,"
Tumango ako. Tama lang na hindi niya ako hinabol. Meron na naman siyang Mireille, eh!
I don't need him here!
At naalala ko iyong babae. First time ko siyang makita kaya nagtataka ako na kilala siya nila Kuya Ben pati na rin ni Curl. Imposible 'yon dahil lagi naman kaming magkasama!
"You know that girl, Curl? How come I didn't know her?" I asked.
Umaandar na ang sasakyan namin ngayon dahil gusto ko nang umalis doon. Baka mamaya maabutan pa kami ni Riordan at pumasok sa sasakyan. Makita niya pa na umiiyak ako!
BINABASA MO ANG
Still Dark, Love (Still Series #1)
RomanceHashline Alfaro grew up basking in the warm glow of her parents' love, always getting what she desires in the blink of an eye. But there was one thing that she couldn't seem to have, one thing that seemed too impossible to attain - Riordan Jabez Agu...