Maria Hashline Alfaro was never really my type. She's loud, outgoing, very friendly, and people will always... always... answer her whims.
I don't get it. She's just a little kid but she can make everyone bend their knees just to please her. Boys will cry for her attention. It's pathetic.
How can this little girl, who's very loud and brat, can make them bend?
"Kuya, kaibigan ko. Si Hashline." My sister told me.
I was busy calculating how can I make my opponent lose in this damn game when my sister called me just to introduce her friend.
Tinanguan ko lang sandali ang kaibigan niya nang ipakilala sa akin tapos ay binalik ang tingin sa laro.
Damn this game!
I got busy again with what I am doing. Gigil kong pinindot ang controller sa frustration sa larong hindi ko maipanalo. At nang matalo ulit, binaba ko iyon at sinukuan na.
"Hashline, what drink do you want? Juice? Water? Coffee?" Rinig kong sabi ng kapatid ko.
Kunot noo akong napatingin sa banda nila. Hindi sila gaanong kalapit sa akin ngunit hindi rin naman ganoon kalayo para hindi ko marinig ang pinag-uusapan.
Babalewalain ko na sana iyon at aakyat sa kwarto para maligo at magbihis. Sa mga ganitong pagkakataon, basketball ang nagiging libangan ko.
"Juice is fine. What flavors do you have?" Aniya gamit ang maarteng boses.
Natigil ako sa pagtayo at pinanuod sila. Nakatalikod sa akin iyong Hashline kaya hindi niya kita na nakatingin ako sakanila. Si Curl naman, ang nakakababata kong kapatid, masyadong abala sa pakikipag-usap sa kaniyang bisita.
"We have pineapple and mango juice." Sagot ng kapatid ko.
"Gusto ko sana ng apple juice. Mayroon ba d'yan?"
"Wala pero pwede naman akong magpagawa kila Manang."
Habang nag-uusap sila, nakatanggap ako ng texts sa mga kaibigan ko na papunta na sila sa court kung saan kami maglalaro. Tumayo na ako ng tuluyan para umakyat at magmadali na nang natigil ulit dahil sa narinig sakanila.
"Sige, iyon na lang. Pero pwede bang fresh apple juice? Hindi kasi ako umiinom ng powder lang." Maarteng sabi nito.
Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. I licked my lips as I listened to their conversation.
"Okay. Magpapagawa ako kay Manang. May iba ka pa bang gusto?"
Umiling sya. "Pwede palakasan ang aircon? Naiinitan kasi ako. Salamat!" Maligayang sabi nito, na parang hindi inutusan ang kapatid ko.
I looked at that girl's back coldly. Ang arte.
"Dito ka lang at sasabihan ko sila Manang na gumawa ng juice mo." Sabi ni Curl at tuluyan nang pumasok sa kusina.
Tinignan ko pa ng isang beses ang likod noong kaibigan niya bago nagkibit balikat at umakyat na.
Ang bata bata pa, ang arte na.
So the very first time we met, I got that impression of her. Brat. Loud. High Maintenance.
I don't like those kinds of girls...
Naroon na ang mga kaibigan ko sa court nang makarating ako. Agad kong tinaas ang kamay ko para salubungin ang highfive nila. Ako na lang pala ang hinihintay.
"Ang tagal mo ngayon, dude!" Ani Condrad sa akin, isa sa mga kaibigan ko.
Nilapag ko ang tubig na dala at iilang gamit sa bench.
BINABASA MO ANG
Still Dark, Love (Still Series #1)
RomanceHashline Alfaro grew up basking in the warm glow of her parents' love, always getting what she desires in the blink of an eye. But there was one thing that she couldn't seem to have, one thing that seemed too impossible to attain - Riordan Jabez Agu...