I literally froze when he left. Bigla at manhid pa ang labi at buong katawan ko. Parang hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang labi niyang lumalapat sa balat ko.
I touched my lips and remembered how he kissed me there...
Now, I am sure. He's still inlove with me.
Napangisi ako habang inaalala ang mga halik niya. Hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Kung paano ako iniwan ni Riordan kanina, ganoon pa rin hanggang ngayon.
"Galaw ka na riyan, Hash. Nanigas ka na."
Agad akong napabalikwas ng tayo at inayos ang bathrobe na nahuhulog na sa balikat ko dahil sa paghalik kanina ni Riordan doon.
Agad nanlaki ang mata ko nang nakita si Zerline na nasa pintuan ng kitchen at nakangisi habang nakatingin sa akin.
"Kanina ka p-pa dyan?" Nauutal kong tanong.
Damn it! She saw us?!
Tumango siya at halatang nagpipigil ng tawa. Mas kumunot naman ang noo ko at pinanuod siyang maglakad papunta sa refrigerator para kumuha ng tubig.
"How long?" Mahina kong tanong, bahagyang nahihiya kung sakali ngang nakita niya kami.
Uminom muna siya ng malamig na tubig bago sinagot ang tanong na bumabagabag sa akin.
I mean... she saw me kissed Riordan before but that's when we are still together.
Now, we're friends, I guess?
I don't really know.
I don't kiss my friends that way, though...
"How long, Zerline?" I asked again.
"Long enough to see everything." She smirked.
Namula ang pisngi ko dahil sa narinig. Tumawa naman ang walanghiyang pinsan ko.
"Hindi ko sinasadya na makita kayo! Nauuhaw lang naman ako! Hindi ko naman alam na mas uhaw pala kayo!" Asar nya.
"What the hell?!" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Don't be shy, Hash. Ayos lang sa akin. I've seen my friends do more than that. I've done more than that. Nagtataka lang ako kasi... akala ko hindi ka madaling bumigay?"
Umalingawngaw ang tawa niya sa buong kusina habang kinakain naman ako ng hiya!
Sometimes, I really wanna stitch her mouth! Masyadong matalas!
"Shut up! Wala lang iyon!" Deny ko.
"Wala lang iyon, Hash? Sige nga hahalikan ko rin si Rio tapos sasabihin ko rin na wala lang iyon." Aniya.
Agad na tumalim ang mga mata ko nang tinignan siya. She laughed at my reaction.
"What is it again?" Mariin kong tanong.
Tinaas niya ang kamay niya bilang tanda ng pagsuko at humalakhak lang lalo.
Inirapan ko siya at inayos ang buhok kong medyo basa. Inayos ko rin ang bathrobe at tinakpan nang mabuti ang katawan. Si Zerline naman, kahit nakasuot ng bathrobe ay hindi naman nakatali iyon kaya kita pa rin ang suot niyang bikini.
"Ligo na ako. Iwan na kita rito tapos tatawagin ko si Kuya Ben. Maghalikan din kayo." Ani ko at tumawa.
Nanlaki ang mata niya at halos mabuga ang tubig na iniinom.
Iyan ang para sa'yo! Akala mo, ah?
Tumakbo ako papalayo roon at natawa noong narinig kong sinigaw niya ang pangalan ko. Humahagikhik pa ako noong pumasok sa kwarto ni Riordan para maligo. Hindi na kasi ako babalik sa pagswiswimming at parang hindi ko ata kaya! Pati nga ang pagharap sakaniya, hindi ko alam kung paano!
BINABASA MO ANG
Still Dark, Love (Still Series #1)
RomanceHashline Alfaro grew up basking in the warm glow of her parents' love, always getting what she desires in the blink of an eye. But there was one thing that she couldn't seem to have, one thing that seemed too impossible to attain - Riordan Jabez Agu...