Hakbang 25

19.2K 423 41
                                    

Grabe ang kaba ko sa buong byahe namin. Hindi ito ang unang beses na pupunta ako ng ibang bansa pero ganito na lamang ako kakabado.

I've been to so many countries before. Laging out of the country ang hinihingi kong birthday gift o hindi kaya ay bakasyon kila Daddy kaya hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Maybe because I am scared of his reaction. I am scared he will get mad.

Iyon siguro.

So for the whole fourteen hours of travel time, I didn't sleep. Gusto kong matulog pero hindi pinapabayaan ng kumakabog kong puso na pumikit ang mga mata ko.

Katabi ko si Mommy na hawak lang ang kamay ko. Napansin niya na nanginginig ako kanina kaya tinanong niya ako.

"Hija, why are you trembling?" Aniya.

At dahil hindi ko masabi ang nasa isip ko, pinilit ko na lang ngumiti.

"Wala ito, Mommy. Excited lang." Palusot ko.

Naniwala naman si Mommy dahil hindi na niya ako tinanong pa.

Masakit ang batok ko at medyo namamanhid ang pwetan noong nakababa na kami ng eroplano. Kung kanina, grabe na ang kaba ko... ngayon, para akong masusuka!

Ang magarbong airport ay hindi nagpamangha sa akin. Halos wala akong ibang maisip kundi ang magiging reaksyon nila Riordan mamaya.

Pupunta muna kasi kami sa tutuluyan namin. May bahay dito ang isa sa mga Tita ko na kapatid ni Mommy. Doon kami mag-i-stay ngayon.

Wala kaming pinalagpas na minuto at agad pumunta roon. Pansin ang pagod kila Mommy at Daddy kaya medyo naguguilty ako. Sabog din sa message ang phone ko pagka-open na pagka-open ko nito. May pocket wifi kasi kaming dala para talaga sa ganito kaya may access agad ako sa internet.

Mahaba rin ang byahe papunta sa tutuluyan namin. Inabot kami ng dalawang oras at ginabi na bago nakarating.

Isang two storey house ang bumungad sa amin. Simple pero elegante. Maganda ang pagkakagawa at mukhang matibay ang bahay. Typical na bahay dito sa bansang ito.

Agad kaming sinalubong ni Tita Aleah, iyong kapatid ni Mommy. Mag-isa lang siya buhay at hindi pa nakakapag-asawa't anak. Kaya walang problema sakaniya kung dito muna kami maninirahan.

Isa pa, malapit sila ni Mommy at ganoon din kami. Nakakapag-usap kasi kami minsan kapag tumatawag siya sa bahay at nakita ko na rin siya noon dahil sinama namin siya nang magpunta kami ng Australia.

"Hi! Buti at maayos kayong nakarating." Aniya.

Sanay pa rin siya sa tagalog at hindi kinakalimutan ang sariling wika.

"Hi, Aleah! Thank you for letting us stay here! It was a big help." Bungad ni Mommy sakaniya.

"It was nothing. I would love to have you guys here. Alam niyo na, medyo malungkot kapag wala kang kasama."

Tumango si Mommy at nagyakap sila. Ganoon din si Daddy. Tapos ay nalipat sa akin ang atensyon niya kaya mabilis akong lumapit.

"Ang laki mo na, hija!" Medyo gulat niyang sabi.

Natawa ako at niyakap siya. "I missed you, Tita!"

"I missed you, too! Naku, at may dalaga ka na talaga Ate Caroline!"

"Eighteen palang po ako,"

"Dalaga na nga! May boyfriend ka na ba?" Aniya, natatawa.

Nilingon ko muna sila Mommy at Daddy na tumango sa akin bago mahinhin na tumango kay Tita. Automatic na umawang ang labi niya at pagkatapos ng ilang segundo, pumalakpak at tumawa.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon