Hakbang 31

17.3K 380 62
                                    

"Tatawagan ko sila Mommy."

Iyan ang una kong nasabi pagkahiwalay sa yakap kay Riordan. I immediately got my phone and dialed my parent's number. Nanginginig pa ako habang pinapakinggan na nagriring iyon. I am so nervous!

This decision is not that easy. I still need to hear my parent's side and opinion about this. I can decide for myself but this? I will surely need them!

Baka magpadalos-dalos ako at hindi maging maganda ang kakalabasan. Isa pa, nirerespeto ko ang magulang ko. I don't want them to get mad at me because of my recklessness.

Suportado nila ang relasyon namin pero hindi ko alam kung hanggang dito ba sa ganitong gustong mangyari ni Riordan, suportado pa rin ba nila?

I bet not.

"I already called them," ani Riordan sa akin.

Napatingin ako sakaniya habang nagriring pa ang phone. Oras kasi ng trabaho kaya baka hindi nasasagot nila Mommy. But I need to talk to them.

"What did they say?" I asked him.

Nagkibit balikat siya at pormadong umupo sa sofa. "Just call them."

Inirapan ko siya at sinubukan ulit tumawag pero hindi sinagot iyon ni Mommy. Pinapanuod lang ako ni Riordan at parang hindi kinakabahan sa sasabihin ng magulang ko!

Masyado itong feeling na papayag sila Mommy at Daddy! Kahit pa nakausap niya ang mga iyon, pakiramdam ko hindi sila papayag!

They are strict when it comes to boys. Pumayag lang kay Riordan dahil kilala nila at alam nilang gusto ko noon pa. Pero kung ibang lalaki ito, hindi nila ako pagbabawalan pero hindi rin susuportahan.

I know because they just want the best for me.

And clearly... he is the best for me.

Riordan's the best for me that's why they supported me.

Nakailang tawag ako bago nasagot ang tawag. Secretary pa nga ang nakausap ko at sinabing nasa meeting sila Mommy.

"Can you please tell her I need to talk to her? This is important. Kahit sandali lang," pamimilit ko.

"I'll tell her, Ma'am." Aniya at nag-excuse sandali para siguro sabihan sila Mommy.

At dahil sa pagpupumilit ko, ilang minuto lang, si Mommy na ang kausap ko.

"Hello, hija? What is it? I'm in a meeting. Iniwan ko sandali dahil gusto mo raw ako makausap," aniya sa kabilang linya.

Bahagya akong lumayo at pumasok sa may veranda. I sighed heavily. I am so nervous. I'm sure my Mom would be shock with my news, but I need to tell her this! Ayaw kong magtago ng sikreto.

"Mom..." Mahina kong sabi. 

"Yes, hija? Anong problema?" Aniya.

Isang buntong hininga pa ang ginawa ko bago sinabi ang sadya.

"Huwag ka pong mabibigla, My... Nandito po kasi si Riordan sa apartment..." Paliwanag ko.

"Uh-huh. And then?"

"Tapos, My... nagpapaalam kasi siya kung pwede siyang tumira rin dito..."

Hindi ko alam kung naintindihan ni Mommy 'yon dahil nauutal ako pero pagkatapos kong magsalita ay mariin kong pinikit ang mga mata ko! I'm already anticipating hear her shout or protest about what I said...

But it didn't come!

Tahimik ang kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan. Grabe ang tibok ng puso ko habang naghihintay ng sagot niya.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon