Hakbang 14

24.1K 518 189
                                    

Totoo pala talaga na sa isang iglap, pwedeng magbago ang takbo ng buhay mo. Hindi mo naman inaasahan pero bigla na lang. May it be good or bad. It will just happen to you. Coz it's meant to happen.

And there is nothing you can do about it. It's simply a matter of going with the flow. Kasi kapag hindi, iiwan ka ng mundo.

Masasayang ang buhay mo.

Hindi na kami nagtagal ni Riordan sa park dahil nag-aya na akong umalis. I don't think I can stay any longer when my cheeks are burning, and my whole body is shaking! 

We went back to school and after that, I didn't see him again the whole day. Ginawa kong busy ang sarili sa pag-aaral noong araw na 'yon dahil kung hindi, uulit ulitin ko lang sa utak ang mga nangyari at wala akong matinong magagawa!

That day ended well. Or should I say... My days ended well.

Laging wala si Curl kapag lunch. Kasama niya si Speed. Hindi naman ako nakakaramdam ng tampo sakaniya dahil ako pa nga ang nagtutulak na sumama siya. Papaano gusto pa na isama ako sa date nila! Ano? Third wheel ako? Hell, no!

And I also want her to experience that as a normal teenager. Life has been difficult for her, and she has matured at a young age. She deserves to be that carefree and happy. Naibibigay 'yon ni Speed sakaniya kaya natutuwa ako. I've never seen her that happy before. Ngayon lang.

So, for the past few days, wala akong Curl na kasamang maglunch...

Pero may Riordan.

I don't know when this started. Bigla na lang nangyari. Biglang ganito na kami. Minsan, ako ang naghihintay sakaniya sa parking kapag nala-late siya dahil may class. Madalas, ako ang hinihintay niya.

We would eat our lunch outside the school. Kung noong una ay car ko ang ginagamit, ngayon sakaniya na.

"Saan tayo ngayon?" sabi ko pagkapasok sa sasakyan niya.

Nagsuot agad ako ng seatbelt at sinandal 'yong ulo ko sa backrest ng upuan. Ang sakit ng batok ko kakabasa kanina. We had a long quiz that's why I have to study and read.

I massaged my nape habang pumapasok naman si Riordan sa driver seat. Nang nakita akong ganoon ang itsura, agad niyang sinarado ang pinto at nilakasan 'yong aircon.

"You okay?" He asked.

"Yup. Medyo nangawit lang kaka-review kanina,"

He nodded and started maneuvering his car. Hindi ko alam kung saan kami kakain ngayon pero pinabayaan ko na lang siya, at magaling naman siyang pumili ng restaurant na pwedeng kainan.

This is one of the things that changed between us. We never talked like this before. Ngayon, para kaming magkaibigan kung mag-usap. Nagugulat nga ako sa sarili ko at nakakayanan ko ang situation namin. Of course, my heart would always beat loudly for him, but it's bearable now.

Unlike before na pakiramdam ko mahihimatay ako, at nanlalamig ang buong katawan kapag nariyan siya.

Well, I still felt that in certain situations...

Nilingon ko siya na swabeng nakaupo habang nagda-drive. Nakapatong 'yong isang braso niya sa may bintana at seryosong nakatingin sa dinadaanan. I pouted and smiled. Ang gwapo ng view ko!

He probably noticed that I'm staring at me that's why he looked at my direction. Agad akong nag-iwas ng tingin at kunwaring may hinahalungkat sa bag. Nakita ko ang hair tie kaya 'yon ang pinagdiskitahan. Dahil medyo naiinitan naman talaga, I decided to tie my hair.

I combed it first before I tied it in a messy bun. Tinapat ko sa akin ang salamin at nag-ayos ng buhok. I also put powder on my face, and a little amount of lip tint just to put some color into my lips. Para naman hindi halatang stress ako sa school kanina.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon