Hakbang 35

19.3K 354 171
                                    

Sinag ng araw ang nagpaggising sa akin kinabukasan. Masakit pa ang mata at ang buong katawan kaya hindi muna ako gumalaw.

Nakabalot ang katawan ko sa puting kumot habang nakahiga sa dibdib ni Riordan at habang yakap-yakap niya ako. His legs are wrapped around me in a possessive position.

Kinusot ko iyong mata ko bago gumalaw na nagpagalaw rin sa katabi ko. I immediately looked at him and saw that he's already awake, too. Parang kanina pa gising at hinihintay lang rin akong gumising.

"Mornin' baby." He huskily said and smiled at me.

"Mornin'." I replied and smiled at him, too.

Hinalikan niya ang pisngi ko tapos ay siniksik ang mukha sa leeg ko. I chuckled and let him do that. Baka inaantok pa siya.

If I am right, puyat ito. Gising pa siya noong patulog na ako tapos ngayon, mas nauna pa siyang nagising sa akin.

Hinaplos ko ang buhok niya habang nasa leeg ko ang mukha niya. I felt his soft kisses on my neck which led me to remember what happened last night...

It was... unexpected.

I didn't plan that. He didn't plan it, too. But somehow, I knew this will happen.

Not too soon, though.

Ang bilis kong bumigay!

Last night... I poured all my love to him. I gave my everything. At wala akong pinagsisisihan sa lahat ng iyon.

Si Riordan lang ang lalaking minahal at mahal ko pa rin hanggang ngayon. He's the only man I am willing to give myself to.

No regrets.

No even a little.

And now... I know why it's called love making.

"Gutom na ako..." Malambing kong sabi.

Agad na napaangat ng tingin si Riordan sa akin. He looks hot even in the morning. Damn... this guy never fail to amaze me by his beauty.

"What do you wanna eat? I'll cook." Aniya.

He showered my shoulder blades with tender kisses. Bahagya akong nakikiliti kaya napapaiwas. Hinihigpitan naman niya ang kapit sa baywang ko para hindi makawala.

"Anything." Ani ko.

Kumukulo na kasi ang sikmura ko. Naalala ko na hindi nga pala kami nakakain kagabi dahil sa...

Agad na namula ang mukha ko dahil sa naisip!

Hashline! Umagang umaga!

"Alright. I'll cook, then. You wanna come with me?" Aniya.

Umiling ako at ngumuso. Nagpapacute.

"Ikaw na lang muna. Medyo... masakit kasi..." Nahihiya kong sabi.

Napayuko ako at mas namula ang mukha. Para na akong kamatis ngayon sa harap niya dahil sa kahihiyan!

Ayan! Ang tapang tapang ko kagabi, tapos nahihiya ako ngayon?

Damn it!

I heard his chuckles which made me blush even more!

"Alright. Stay here. My baby's hurt. I'm sorry, though." Aniya at hinaplos ang baywang ko.

I felt a tingling sensation through his touch. He kissed me on the lips and before anything could happen again, tinulak ko na siya agad para umalis!

"Magluto ka na nga roon!" Kunwaring naiirita kong sabi pero natatawa naman rin.

He laughed, too. Nang-aasar.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon