I couldn't get myself to sleep because I was too busy thinking about Riordan! Buong gabi akong nakatulala lang kakatanong sa sarili kung bakit ganito siya ngayon!
Before, he would just tell me sometimes to break up with my boyfriend lalo na iyong mga seloso at possessive na ayaw nakikipag-usap ako sa ibang lalaki, but he never meddled with my relationship this hard. Hindi kailanman niya naisip na i-text ang mga iyon at sabihin na boyfriend ko siya!
And that! Boyfriend! Hindi ako nakatulog kakaisip kung paano kaya maging boyfriend ang isang Riordan?
Clingy? Jealous? Mature? What is he like when he's in a relationship?
At sa kakaisip ng mga 'yan, hindi ko namalayan na madaling araw na pala at tatlong oras na lang ang itutulog ko! We have morning classes tomorrow, and I have to get up early!
Nakakainis ka talaga, Riordan!
Kaya naman sobrang antok pa ako noong ginising ako nila Manang para kumilos at mag-breakfast. Nakatulog pa nga ako ng ilang minutes sa bathroom at hindi siguro ako magigising kung hindi lang nalaglag iyong sabon.
I am so groggy and sleepy. Kitang kita iyong eyebags ko kaya tinakpan ko ng concealer. Hindi na ako masyadong nag-ayos dahil tinatamad at inaantok talaga ako. I want to sleep more!
Ginamit ko iyong oras ng byahe papunta sa school para matulog. I'm asleep the whole ride. Malapit lang ang school pero pinatos ko kahit kakaunting oras na iyon. I badly need more minutes of sleep to compensate. Baka mamaya at makatulog ako sa class namin!
"What happened to you?" Bungad ni Curl sa akin pagkarating sa school.
Nagkita kami rito sa may parking lot dahil dito kami naghihintayan dalawa bago sabay na pumasok sa classes. Inaantok ko siyang tinignan at sinuklay iyong buhok ko gamit ang kamay. Nagulo kasi dahil natulog ako sa car.
"Napuyat lang..." I reasoned out.
It's true, though. Napuyat talaga ako. Lecheng Riordan, hindi ako pinatahimik!
"Huh? Eh 'di ka nga tumawag kagabi sa akin. I thought you slept early,"
My eyes widened a fraction because of that. Shit! Oo nga pala! Sa sobrang preoccupied ko last night, hindi ko na siya natawagan. Sinabi ko pa naman na tatawag ako bago kami naghiwalay kahapon! It slipped on my mind!
Kung anu-ano na lang talaga nakakalimutan ko dahil sa lalaking iyon!
He completely messed me up... and my whole system!
"Ah... Ano k-kasi... maaga ako natulog tapos nagising ako ng madaling araw. Kaya 'yun, puyat." Palusot ko.
"Ganoon ba? I called you last night. Nagriring naman kaso hindi mo sinasagot."
I bit my lips hard! Shit! Wala na akong maisip na palusot.
Ang hirap kaya magsinungaling kay Curl!
"Naka-silent iyong phone ko, eh." Sabi ko at naglakad na papasok.
Para hindi na rin humaba pa ang mga tanong ni Curl dahil nauubusan talaga ako ng sasabihin! Especially now that I'm short of sleep. Medyo lutang at hindi gumagana nang maayos ang utak ko!
Luckily, hindi na nagtanong pa si Curl kahit nakikita ko na marami pa siyang gustong itanong sa akin. Dire-diretso kasi iyong lakad ko at hindi ko na siya pinagbigyan ng chance na chikahin pa ako. Besides, magti-time na. Medyo late nga ako ng dating dahil sa antok.
Maingay sa classroom pagpasok namin. Nag-uusap iyong mga lalaki sa likod at nagsisigawan iyong iba habang naglalaro sa phone nila. May mga nagbabasa rin ng libro at notes pero iilan lang. Iyong mga girls, kung hindi nagkukwentuhan, natutulog o may ka-text naman.
BINABASA MO ANG
Still Dark, Love (Still Series #1)
Storie d'amoreHashline Alfaro grew up basking in the warm glow of her parents' love, always getting what she desires in the blink of an eye. But there was one thing that she couldn't seem to have, one thing that seemed too impossible to attain - Riordan Jabez Agu...