Hakbang 44

21.8K 545 726
                                    

Bigla at tulala ako noong umalis siya. Halos hindi maproseso ng utak at puso ko ang mga salitang binitawan niya. My heart is beating so fast I feel like it's gonna explode any minute by now!

Natauhan lang ako noong may nagpatong ng tuwalya sa balikat ko. Akala ko nga noong una si Riordan iyon, pero nang makita ang ngisi ni Dervin at Condrad, bahagyang kumalma ang puso ko.

"You okay? Tulala ka." Ani ni Condrad.

"We saw Rio. He looked mad. Nag-away kayo?" Si Dervin.

Umiling ako at nilingon ang unti-unting dumidilim na langit. Inayos ko ang pagkakapatong ng tuwalya sa balikat ko at bumuntong hininga.

"He's kind of mad. I don't understand why." I softly said.

Nakita ko ang pagngisi ng dalawa dahil sa narinig galing sa akin. Inabot ni Condrad iyong hot chocolate na kinuha nila para sa akin at ginulo ang buhok ko pagkatapos.

Inirapan ko siya bago sumimsim ng mainit na tsokolate.

"I really think Dervin would get punched before this trip ends." Tawa ni Condrad.

Napailing ako sa sinabi niya. Inayos ko ang buhok na bahagyang nililipad ng hangin at nilapag iyong baso sa gilid namin.

"You think it's okay if we make him jealous? I don't want you guys to fight. And... it's kind of weird you know... Dervin being sweet to me..." Ani ko.

Natawa silang dalawa dahil sa sinabi ko.

"Hindi kasi marunong pumorma si Dervin!" Asar ni Condrad.

Kumunot ang noo ni Dervin at tinitigan siya ng masama.

"What, dude?! Really, huh? Sino kaya ang binasted dito?" Pambabalik na asar ni Dervin.

This time... si Condrad naman ang nagkunot ng noo.

"Fucker!" Aniya.

"Oh, my bad. Sorry, Drad. Hayaan mo, tutulungan kita." Ani Dervin.

Sinapak siya sa braso ni Condrad. Napailing na lang ako at natatawa habang pinapanuod silang dalawa.

After three years, ngayon ko na lang sila ulit nakasama at nakausap ng ganito.

Hindi nila ako iniwasan kailanman. Ako mismo ang umiwas. Dahil gaya nga ng sabi ko... kapag nakikita ko sila, naaalala ko siya at lahat ng pagkakamali ko. Sinisisi ko na araw-araw ang sarili ko at kapag nakikita ko sila, dumodoble ang pagsisisi na iyon.

Now, I don't know why I even did that. These guys are the ones who never left my side.

"Vin... is your girl fine with this?" Nag-aalala kong tanong.

Natahimik siya nang nilingon ako. Narinig ko ang halakhak ni Condrad sa gilid namin na nakikinig.

"He doesn't have a girl, Hash." Anito.

"Shut up!" Singhal ni Dervin sakaniya.

Nilingon niya ako at mukhang seryoso na ngayon. Hindi ako sanay na ganito si Dervin kaseryoso kaya naninibago ako.

"She won't get mad." He said huskily.

"You act as if she is your girl. She's not." Sabat ni Condrad.

"She will be! Shut up, you fucker!"

Humalakhak si Condrad dahil sa inis na pinakita ni Dervin.

Kahit kailan talaga, ang hilig nila mag-asaran.

Nagpalipas kami ng oras doon hanggang sa pinapasok na nila ako. Malapit na kasi kami sa isla at kailangan ko na rin magpalit ng damit. Naabutan ko si Zerline na nakahiga sa may kama at nakasimangot. She's now dressed up in a more comfy clothes. Si Curl naman, busy sa phone niya at naroon sa may sofa.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon