Hakbang 30

20.3K 399 116
                                    

Akala ko, ang responsibilidad ng pagiging mag-isa sa bahay ay madali. Wala kang ibang iintindihin kundi sarili mo. Wala kang ibang aasikasuhin kundi mga gamit mo.

But... I was wrong.

It was harder than I thought.

Living alone is a big responsibility. People seem to dream about having their own place without them knowing how hard it is.

Ikaw ang may responsibilidad sa lahat. Sa paghuhugas ng pinggan, sa paglilinis ng kwarto at ng buong apartment, sa pagluluto ng pagkain, sa paglalaba, at marami pang iba.

Although, may laundry shop sa baba ng apartment kaya hindi masyadong mahirap sa akin ang parteng iyan.

First few weeks living here, I am really struggling. Lagi ay tumatawag ako kila Mommy at Daddy o kaya kay Tita Aleah para magtanong kung paano gawin ang ibang bagay.

Coz my parents spoiled me a lot when I was young, I didn't feel the need to learn these kind of things. I didn't care about household chores or learning how to cook.

Ngayon palang.

Palagi ay nag-aalala si Mommy sa kung ano ang kinakain ko, kung ayos lang ba ako, kung safe ba rito. And I always assure her that I'm fine even though I am struggling.

I am now living alone for almost a month. It is freeing and liberating but it is also hard.

Sa paninirahan mag-isa, hindi lang ang bahay mo ang aalagaan mo, kundi pati na rin ang sarili mo.

It is hard to do both at the same time. But you have to. You need to take care of yourself as much as how you take care of your house. Dahil sino ang mag-aalaga sa'yo kapag nagkasakit ka?

Wala. Hindi ka aalagaan ng bahay mo kaya ikaw dapat ang mag-alaga sa sarili mo.

I learned so many things because of this. I learned to appreciate every little things that comes my way. I learned to value my life even more.

Although... I am not really sure if this is living alone.

Hindi ko masabing namumuhay ako mag-isa dahil laging nandito iyong mga lalaki! Pati si Riordan!

Ginawa nilang tambayan itong apartment ko at palagi'y nandito sila. Mas madalas pa nga sila dito kaysa sa akin!

Nagumpisa na kasi ako sa pagtatrabaho sa coffee shop na malapit sa magiging school ko. Hindi naman hectic ang schedule at nakakapag-adjust naman ako. Hindi rin masyadong mabigat ang trabaho pwera na lang kung maraming customer sa araw na iyon.

Minsan, paggising ko, nagugulat na lang ako at nandyan na sila sa sala. Binigyan ko kasi sila Dervin ng susi nitong apartment na pinagsisisihan ko na ngayon!

Sana pala ay hindi at hinayaan ko na lang silang magdoorbell nang magdoorbell!

Minsan naman, kapag uuwi na ako galing trabaho, maabutan ko silang kumakain sa kitchen o hindi kaya ay nanunuod ng t.v sa sala!

Napapatapik na lang ako sa noo dahil parang nagkaroon ako ng instant na mga anak na puro pasaway!

Naglalaan rin ako ng oras para makapunta pa rin sa hospital at madalaw si Curl. Hindi nga lang kasing tagal noon pero sinisiguro kong nakakadalaw ako araw-araw sakaniya.

"Hashline, ihatid mo na lang ito roon sa dulong table tapos ay mag-out ka na. Pasensya na over time ka, marami kasing customer ngayon."

Tumango ako kay Brea, iyong cashier dito sa coffee shop, at tinanggap iyong inaabot niya sa akin. Dapat ay kanina pa ako nag-out, nga lang at hindi ko sila maiwan dahil marami ngang tao ngayon.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon