Hakbang 42

19.1K 394 341
                                    

Flash ng camera at sigawan ng tao ang maririnig sa buong paligid. Halos maipit na ako sa gitna ng mga kasama ko dahil sa tulakan. I tried hiding my face but it was no use, they already got hundreds of pictures of me.

Panigurado, headline na naman ako sa balita mamaya!

At lagot ako sa manager ko! Pinaalalahanan pa naman ako na huwag munang lalabas!

Pero kasi... kailangan nila ng tulong ko.

Hindi na ako nag-abala pang yumuko at itago ang mukha ko. I looked around and saw different faces of people. Mga kuryoso kung anong ginagawa ko rito.

And amidst all these things happening now, my eyes still searched for him.

He's there... on my side... looking dark and irritated with all the attention we are getting right now. Katabi niya si Denver at katulong sa pagpipigil ng pwersa na pumunta sa amin. Mukha siyang galit at iritado sa lahat ng nangyayari.

Ayan, Hashline! Imbes na natulungan mo, nakaperwisyo ka pa!

Napangiti ako ng mapait. Gustong gusto kong tulungan siya para man lang sana makabawi sa lahat ng nagawa ko, pero bakit lagi na lang perwisyo ang nabibigay ko?

Now, he's probably mad at me because I am the main reason of this commotion!

"Hashline, why are you at the airport? Are you planning to leave the country to get away with the issues?" Anang isang reporter.

Maraming mic ang nakalahad sa akin na maingat na sinasangga ng mga guards. Wala akong sinagot ni isa sa mga tanong nila. Dire-diretso lang ang lakad at gusto ko nang makawala sa kaguluhang ito.

What are they thinking? Ako? Aaalis ng bansa?

You wish.

I will never leave this country just because of all those issues.

And...

I will never leave this country... especially that he's here.

Nang nakapasok sa kotse ay agad na pinaandar iyon ni Zerline. I let her drive again because we really need to drive fast. Ako ang nakaupo sa shot gun seat habang sa likod ang dalawang magkapatid. Si Denver ay nakasunod sa amin pati na rin ang mga body guards ko.

Now, I am thankful I have them. Siguro'y kung wala sila, hindi na kami nakaalis pa roon. Buti na lang at pinilit ako ni Mommy na maghire ng bodyguards. They are always around me. Hindi mo nga lang mapapansin dahil nagtatago lagi.

"Fuck! Ang sakit ng paa ko!" Ani Zerline habang nagmamaneho.

Nilingon ko siya at nakita ang mukha niyang iniinda nga ang sakit ng paa.

"What happened?" Nag-aalala kong tanong.

"Naapakan ako kanina. Nakatakong ata iyon kaya masakit ngayon." Aniya.

Nakagat ko iyong labi ko at naguilty.

See? Pati mga taong malalapit sa akin, nasasaktan na!

Nilingon ko saglit si Riordan at Curl na tahimik sa likod. They are probably shocked right now. 

I bet they don't know the issue. Kakalabas lang din kasi noon at hindi ko na nabanggit kay Curl. Hindi naman kasi importante at wala naman katotohanan ang lahat ng iyon.

Pawis na pawis si Curl kahit na naka aircon naman ang buong sasakyan. Nakita kong inabutan siya ni Riordan ng panyo at tubig kaya agad din akong nag-alala!

Shit! 

"You okay, Curly?" Ani ko.

Nilingon niya ako at nginitian, senyales na ayos lang siya. 

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon