"You sure you don't wanna come with me?"
Iyan ang tanong ni Riordan sa akin na paulit-ulit kong tinanggihan. I can't come with him. I just can't leave my studies. And Curl, too.
He's leaving tomorrow. Nandito kami sa kwarto niya ngayon at tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.
Nagleave ako sa trabaho para magkaroon kami ng oras para sa aming dalawa. I still go to class coz I can't just ditch it. Hinahatid at sinusundo ako ni Riordan tapos ay saka kami kakain sa labas o hindi kaya ay sa apartment lang at manunuod ng movies. Sabay din kaming pumupunta kay Curl para bumisita.
Ang bilis dumaan ng araw. Mas bumibilis pa kapag ayaw mong dumating ito.
He extended his stay here. Hindi natuloy ang pag-alis siya sa loob ng dalawang araw. Tumagal pa siya ng apat na araw dito dahil aniya, ayaw niyang biglain ako sa pag-alis niya. Pumayag naman sila Tito Sage sa gusto niya kaya walang problema.
Now, he's leaving tomorrow. And I can't help but to feel sad.
Nga lang, hindi ko pinapakita sakaniya iyon at baka hindi na talaga umalis ito.
O hindi kaya ay isama na talaga ako!
"Ayos lang ako rito. Hihintayin kita. Mabilis lang naman siguro ang isa o dalawang buwan." Ani ko.
He nodded and kissed my forehead.
"I hate leaving you." He said.
Niyakap ko siya ng mahigpit at saka malalim na bumuntong hininga.
Kaya 'yan, Hashline! Kaya 'yan!
Isang maleta at isang backpack lang ang dala niya pauwi sa Pilipinas. Ako ang nag-ayos ng mga gamit niya dahil busy siya sa kung anu-anong natatanggap na tawag. Probably about their company.
Talagang kailangan na siya roon at kagaya nga ng sabi ko, nadelay ang pag-uwi niya kaya ngayon, tinatawagan na siya.
Naguguilty tuloy ako dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit hindi siya agad nakaalis.
"I'll send it to you later. I already did it." Rinig kong sabi niya sa kausap.
Sinarado ko iyong maleta niya at nilagay sa gilid ng kama. Matagal ko pang tinitigan iyon para magsink in sa akin na talagang aalis nga siya. Talagang magkakahiwalay nga kami.
I know it's not that serious. Dalawang buwan lang naman. Pero para kasi sa akin, matagal iyon.
I've never been too far from him. Laging nandiyan lang siya sa tabi ko o malapit sa akin. Kaya ngayong aalis siya, talagang naninibago at nalulungkot ako.
But I need to understand. This relationship thought me so many things. Isa na roon ang pagiging mature.
Kasi kung dati siguro ito, hindi ako papayag na umalis siya at iwan ako.
I was selfish of him before.
I think I still am now but not to the point that I will not let him do what he needs to do. At baka ang pagkakahiwalay namin na ito ang mas lalong magpatatag sa aming dalawa.
I hope so.
I really hope so.
Habang busy si Riordan sa pakikipag-usap sa telepono, pumunta muna ako sa kwarto para icheck iyong laptop ko.
Sabi kasi noong prof namin ay ngayon siya magsesend ng list of names ng magkakapartner para sa isang project na pinapagawa niya sa amin. By two ang pairing at ang tanging hinihiling ko na lang na sana makasundo ko ang maipapartner sa akin.
BINABASA MO ANG
Still Dark, Love (Still Series #1)
RomantizmHashline Alfaro grew up basking in the warm glow of her parents' love, always getting what she desires in the blink of an eye. But there was one thing that she couldn't seem to have, one thing that seemed too impossible to attain - Riordan Jabez Agu...