Hakbang 6

24.2K 600 69
                                    

We stayed like that for a minute or two. Diretso akong nakatayo habang nakayakap sakaniya. Samantalang nasa balikat ko 'yong ulo niya. Wala na akong pakialam kung mabasa man ng luha niya iyong damit ko. In other circumstances, I'll protest coz I don't want my clothes getting damp by sweat or anything else. But right now, I just want him to let it all out.

It breaks my heart seeing him like this. Sabi nila, masakit makita na umiiyak 'yong taong matapang sa paningin mo. Indeed, it's true. Sumisikip ang dibdib ko habang naririnig ko ang mahinang iyak niya.

When he pulled out of the hug, tinitigan ko agad siya. Mariin niyang pinunasan iyong luha niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Kitang kita ko ang pamumula ng ilong at mata niya.

"You okay?" I asked softly.

Tumango lang siya, hindi pa rin ako tinitignan.

I stood there quietly watching him. I'm afraid to speak because what if I say something stupid? I'm also still surprised by the hug because it's the first time I've ever received one from him! Hindi kami ganoon. Kung hindi mag-aaway kapag nagkikita, hindi naman kami nagpapansinan. So, his hug was really a big blow to me.

"Sorry for hugging you," he said after a long stretch of silence.

I shook my head repeatedly. That was okay. That was beyond okay. I'm willing to be his shoulder to cry on.

"No need to apologize. It's okay," I said, stretching my lips for a small smile.

Tinitigan niya ako ng medyo matagal kaya nailang ako. Hindi rin siya nagsalita. Magkaharap lang kami at para akong batang pinapagalitan sa harap niya. I pouted when I realized that.

He's tall. Nanliliit ako kapag magkaharap kami.

I averted my gaze and slightly pinched my hand. I guess that's my habit whenever I feel nervous. Lalo na kapag sa harapan ni Riordan.

Hindi kami nagtagal sa labas. Noong umayos na ang disposisyon niya, sabay kaming pumasok sa kwarto ni Curl. Dumating din si Kuya Ben na sobrang nag-aalala.

We're all listening to the doctor. Sinabi niya 'yong mga bawal at dapat iwasan para hindi ma-trigger ang sakit ni Curl. Nalilito man, nakinig pa rin ako. Para alam ko kung kailan siya pagbabawalan kapag magkasama kaming dalawa.

"As much as possible, dapat maiwasan na mabilad siya sa direktang sikat ng araw. It will harm her like what happened today. She also needs to take her medicines regularly."

Tumango tango sila Tito habang si Tita naman halos hindi makausap. Nandoon lang siya sa tabi ni Curl, umiiyak habang hawak ang kamay ng natutulog na anak.

Sila Riordan, Tito Sage, ako, at Kuya Ben ang mariing nakikinig sa mga paalala ng doctor.

Lupus...

'Yan daw ang sakit ng bestfriend ko. I don't have any idea about that disease. Hindi sumagi sa isip ko ang mga ganyang sakit kaya wala akong idea ngayon. Pero base sa mga sinabi ng family doctor nila, nalaman kong seryoso at mahirap ang pagkakaroon ng ganoong sakit.

"Thank you, Doc..." Sabi ni Tito Sage nang natapos ang usapan.

Tumango ang doctor at nagpaalam na. Iche-check na lang daw mamaya ulit si Curl, at tatawag na lang kami kapag nagising na siya.

I looked at Tita Shia. Hinahalikan niya ang kamay ni Curl. Nilapitan sila ni Tito Sage at niyakap si Tita. She wouldn't stop crying kaya nilayo muna siya at pinaupo roon sa sofa. Baka kasi magising si Curl.

Nilingon ko si Riordan. He's standing beside the door, katabi si Kuya Ben. He's silent and serious as he stares at his sister, who's lying in a hospital bed. There's no traces of tears on his face anymore.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon