Hakbang 53

20.3K 381 415
                                    

That was all it takes to bring us down.

Nabayaran namin ang lahat ng pinagkakautangan ni Daddy sa tulong ng mga Tito ko at sa pagbebenta namin ng mga properties na kahit kailan, hindi ko naisip na ibebenta namin.

That properties are dear for us. Pamana ng Lolo at Lola kaya masakit para sa akin, lalo na kila Mommy at Daddy, na ibenta iyon.

But at times likes this, we really need to do that. We have no choice.

Ang tanging magagawa ko na lang ay magtrabaho para mabawi ang mga iyon. Which I doubt if I can do because that entails millions of money!

"Sabi ni Benjamin sa akin nag-invest ka raw sakanila?"

Iyan ang bungad sa akin ni Zerline pagkarating niya rito sa bahay. And she's right. I used my money to invest on companies.

Our friends consistently offered their help that I declined. Hindi dahil sa nahihiya ako o ano pa man. Kundi dahil sa ayoko na na magkaroon pa kami ng dagdag na utang. It's too much.

Sinabi nila na papautangin nila ako para lang mabayaran ang mga pinagkakautangan namin pero hindi ko iyon tinanggap. They even offered to give us money which we also declined. Kung laging mangungutang, hindi kami makakaahon kaya ayos na 'to.

I know my friends are worried and they just wanna help but I can't really take it. Sapat na ang suporta nila sa akin. Hindi ko gusto na pati sila ay maglalabas ng pera para sa sarili kong problema.

"Oo, bakit?"

"Wala lang. Nasabi niya lang. Pati kila Dervin nag-invest ka?" Aniya.

Tumango ako.

"Yes. I used my own money." Ani ko.

She nodded and examined me. Hindi nawala si Zerline sa tabi ko nitong mga nakaraang araw. She's always with me to cheer me up and to ask questions.

I'm relieved she's there. Kung wala siya baka nabaliw na ako sa tumpok tumpok na problema.

"That's good! Unti-unting mababalik ang pera sa'yo." Aniya.

Ang perang naipon ko sa pagmomodelo ay ginamit ko ngayon sa negosyo. Halos walang natira roon pero alam kong babalik din iyon sa akin. I have to risk it because we don't have plenty of options here.

We needed to cut our expenses. Si Daddy ay nag-invest din sa ibang kompanya na stable kagaya na lang kila Condrad. He borrowed money from my Tito.

Hindi pa man nababalik ang perang nawala sa amin, ayos na rin na kahit papaano nakakabangon kami.

"Ang perang makukuha ko roon ay gagamitin ko para palaguin ulit ang company ni Daddy." Ani ko.

She shifted on her seat.

"Isn't it better... if you... give that up?" Nag-aalinlangan niyang sabi.

Agad akong umiling. Hindi ko isusuko ang isang iyon kahit ano ang mangyari. Importante iyon kay Daddy at Mommy. Uubusin ko ang pera ko umayos lang ulit ang kompanyang pinaghirapan ng magulang ko.

"That's not an option for me, Zerline. It will never be. I'll do anything for our company." I said.

"Anything, Hashline?"

Tumango ako. "Anything."

Nasuko na namin ang ilang properties, hindi ako makakapayag na pati ang kompanya ay isusuko din namin.

Never in this lifetime. Never.

Tumayo si Zerline at kinuha ang bag na dala niya. Hula ko may race na naman siya base sa damit na suot niya. She's really addicted on that sport. It's dangerous.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon