Hakbang 24

18.4K 377 27
                                    

"I'll call you every now and then. I'll... try to come here if I can."

Nandito na kami ngayon sa airport. Ngayon ang flight niya papuntang ibang bansa. Nauna na roon sila Tita Shia, Curl, at Tito Sage. Susunod lang ngayon si Riordan dahil inayos niya pa ang kompanya nila bago siya umalis.

"Ayos lang kahit hindi ka umuwi. I understand. They need you there." Nakangiti kong sabi.

Kita ko ang pagkakakunot ng noo niya.

"You're happy that I'm leaving?" Aniya.

Mas lalo akong napangiti.

"Of course not!"

"Then why are you smiling?" Suplado niyang sabi.

Natawa ako at niyakap siya.

"I am not clingy, Riordan. Isa pa, mas gugustuhin kong umalis ka dahil para naman ito sa pamilya mo."

Inangat ko ang tingin sakaniya. Nakasimangot pa rin siya at parang naiinis.

My clingy boyfriend.

Paano naman kasi ako malulungkot, eh, bukas aalis na rin ako?

Kung siguro, hindi ako sasama, roon ako malulungkot at maiiyak. Sino ba naman ang gusto ng long distance relationship, 'di ba?

Isa pa, hindi naman dahil sa aming dalawa ang pagsunod ko roon. Hindi ako gaanon kababaw. Mas malalim na dahilan ang pag-aalala ko kay Curl at kay Tita Shia na rin.

Curl's been there for me ever since... It's my time to be with her now while she's going through the biggest battle of her life.

Dahil kung para sa amin lang din naman ni Riordan, kaya ko naman magtiis ng ilang taon. Uuwi naman siya. May videocall naman.

Pero hindi, kasi para rin ito sa kaibigan kong kahit kailan, hindi ako iniwan.

This is for my sister. My bestfriend. My support system.

"I don't really wanna go but I have to. Boys will think you are now free coz I'm leaving," Aniya.

"Don't worry. I'll always say I have a boyfriend."

Unti-unti, natunaw na rin ang kaniyang inis. Alam kong ayaw ni Riordan na umalis dahil maiiwan ako pero gusto rin naman niyang umalis para sa pamilya niya.

He's torn and I don't want him to choose.

Hindi niya kasi alam na susunod ako. Hindi ko sinabi. Balak ko, supresahin na lang siya roon. Walang may alam bukod sa akin at sa pamilya ko. Wala akong ibang sinabihan.

Alam ko kasing... hindi papayag si Riordan.

He wants to be with me but not when I'll sacrifice my studies. Alam kong pipigilan niya ako. Alam kong magagalit siya.

Pero nakapagdesisyon na ako.

Sasama sa akin sila Mommy at Daddy pero isang buwan lang sila roon. Hindi pwedeng magtagal dahil walang magaasikaso ng kompanya. They will just check on me and on Curl and Tita Shia. Ani Mommy, babalik na lang sila kapag maluwag na ang sched nila.

"No other girls there, okay?" Banta ko.

"That's easy." Aniya.

"Siguraduhin mo lang, ah!"

"No other boys for you, too."

"Pano sila Kuya Ben?" Biro ko.

"They're exempted."

"Okay, that's easy, too!"

Ilang taon na siya lang, ngayon pa ba ako maghahanap ng iba?

Impossible.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon