I don't know if Riordan really likes my cooking or he's just pretending that it's delicious because I'm looking.
Papaano ay hindi niya na ako kinikibo pagkatapos niyang halikan iyong buong mukha ko! Ang galing rin ng lalaking ito, eh. Manghahalik tapos hindi mamamansin!
Suplado!
"Kung hindi masarap, huwag mong piliting ubusin." Sabi ko dahil wala talaga siyang kibo.
Isang subo na lang ay mauubos na niya iyong pasta nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Madilim ang mga mata pero makikita mo pa rin ang lambot sa titig niya.
Si Riordan lang ata ang nakakagawa ng ganoon. Iyong mukhang galit pero naglalambing.
"I told you it's delicious, Hashline." Aniya.
"Why aren't you saying anything, then?"
"Kumakain ako! Paano ako magsasalita?" Masungit niyang sabi.
I rolled my eyes. Aba! Napakasungit talaga! Siya na nga ang pinagluto! Pasalamat talaga siya at Riordan pangalan niya, kung hindi kanina ko pa ito binatukan!
Sometimes I really wonder why I like this snobbish guy! I mean... we are opposites. Approachable akong tao. Hindi ako snob. Pag nginitian ako, ngingitian ko rin. Si Riordan, suplado. Parang ang mahal ng mga ngiti niya. Parang ginto ang katapat ng mga tingin niya.
"Kahit kumakain ako, nakakapagsalita naman ako. Bakit ikaw, hindi?" Naiinis kong sabi.
My spoiled brat side is acting right now. Maria Hashline bratty side is on!
Hindi siya sumagot. Inirapan niya ako at inisang subo iyong natitira pang pasta sa pinggan niya. Mas lalo naman akong nainis.
Baka hindi niya talaga nagustuhan. Pwede naman sabihin sakin! Hindi 'yong hindi niya ako kinakausap dito! Pinaghirapan ko iyon, eh.
"Next time, I won't cook for you anymore. Para hindi ka natatahimik nang ganyan." Ani ko.
I know I'm overreacting but I really worked hard for that. Nag-effort ako para ipagluto siya kahit na wala naman talaga akong alam sa kusina.
I don't even cook in our house. Ni hindi ko pa naipagluluto ng pagkain sila Mommy and Daddy. Siya palang ang una. Tapos ganito.
Walang nagsasalita sa amin. Tahimik ang buong paligid. Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon habang nakayuko ako. I can feel his dark eyes piercing through me. Nakakailang kaya nag-iiwas ako ng tingin.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay kapag ganyan siya. Para pa rin akong natutunaw.
Kaya naman para akong tinuklaw ng ahas noong nakita ko ang paggalaw niya papalapit sa akin. Sa sobrang gulat ko ay napaatras pa nga ako!
There are times I can't contain his intensity. Para kasi akong nilulusaw kapag ganyan siya. Nanlalambot ako at nanginginig.
"Come here..." Aniya, pinapalapit ako sakaniya.
Inirapan ko siya at hindi gumalaw sa pwesto ko. Walang nagawa si Riordan kundi bumuntong hininga, at siya na mismo ang humatak sa akin papalapit sakaniya.
I landed on his firm chest. Nanlalaki pa ang mata ko at may kaba dahil sa pagkabigla. Agad ring umatake sa ilong ko iyong pabango niya. My favorite scent.
"Ayos lang naman kung hindi mo nagustuhan. It's just my first try, anyway. But you should atleast talk and tell me something. I hate being lost in the dark." Sabi ko.
Ramdam ko iyong labi niya sa tuktok ng ulo ko. Hinahalik halikan iyon.
"It's really delicious. I just kept my mouth shut because..." Aniya, parang nahihirapan tapusin iyong sasabihan niya.
BINABASA MO ANG
Still Dark, Love (Still Series #1)
RomanceHashline Alfaro grew up basking in the warm glow of her parents' love, always getting what she desires in the blink of an eye. But there was one thing that she couldn't seem to have, one thing that seemed too impossible to attain - Riordan Jabez Agu...