Hakbang 38

16.2K 385 281
                                    

Sabi nila kapag masaya ka, babawiin agad iyan. Na kapag masaya ka, lungkot naman ang ipapalit n'yan. Pero ngayon, hindi ko alam kung may bagay pa ba na makakapagpalungkot sa akin. The happiness I've been feeling is too much to be ruined by anything.

All those sleepless nights was worth it. All those exhausting days was nothing compared to the joy and pride I've been feeling right now. Finally, I am making myself proud!

Lahat ng paghihirap ko sa mga nagdaang buwan dahil sa mga school works ay parang wala na lang ngayon noong nakita ko ang pangalan ko sa mga nakapasa! Indeed, my hard work paid off!

And this is not only my success. This is my parents success, too! Hindi lang ako ang naghihirap dahil ang mga magulang ko, naghihirap sa trabaho para pag-aralin ako sa paaralang ito. Kaya naman ang tagumpay ko, paniguradong mas tagumpay nila!

"Congrats again, Hash! You did great!" Ani Harold sa akin.

Ngumiti ako sakaniya.

"Congratulations, too! You did great as well." Sabi ko.

Pasado rin si Harold. Kahit naman kasi mayabang 'yan, matalino rin naman. Minsan, siya pa nga ang tumutulong sa akin. And I admit, he was a great partner when we did our project. Maayos at masipag naman. Hindi ako nagkaproblema at talagang nagtulungan kami. Wag nga lang siyang totopakin dahil talagang nakakairita ang ugali. Pati na rin ang miminsang pangingialam niya sa laptop ko at pagiging iritado kapag si Riordan ang binabanggit ko.

Well, he can't do something about that. That's my boyfriend we are talking about. That's a whole different story, if you ask me.

"Lunch? My treat." Ani Harold sa akin.

Umiling ako. I have different plans today.

"Sorry. May gagawin pa kasi ako." Sagot ko.

"Oh! Is that so? Next time, then?" 

Ngumiti ako.

"We'll see."

I can't promise him anything. Baka nakauwi na noon si Riordan at ayoko namang magselos siya. Isa pa, tama rin sigurong gawin ko ito para hindi umasa si Harold. 

Hindi siya nagsalita at tipid lang akong nginitian. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nagpasayang umalis na. Tatawagan ko pa sila Mommy at Daddy. Pati na rin si Riordan!

Nagpaalam lang ako kay Harold saka dumiretso na palabas ng school. Bago pa nga ako tuluyang makaalis, nakita kong dinumog siya ng mga kaibigan niya. Napangiti na lang ako. Atleast may kasama siya.

Coz unlike me, he has friends here to celebrate with. Wala akong kaibigan dito hindi katulad niya na isang damakmak.

It's okay, though. My friends and family are enough for me. I don't want to push myself anymore. If they don't want me, then fine. I have long accepted that. 

Coz if a person really wants you in their life, you don't need to push yourself to them.

Masarap kapag ang isang samahan, nabuo kasi hindi pinipilit.

Isa pa, ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong hindi pa nga ako lubusang kilala, marami ng panghuhusgang nagawa.

I don't deserve that kind of people in my life. I have a very supportive parents, genuine friends, and a very loving boyfriend. I guess that's enough and I should be thankful for that.

And speaking of my boyfriend, oo nga pala at hindi pa kami nagkakapag-usap!

Sinubukan kong tumawag ulit habang papauwi ako sa apartment. Nga lang, wala pa ring sumasagot. Hanggang sa nakauwi na nga ako, wala pa rin.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon