(Hazel's POV)
Nilagyan ko ng Diaper si Alexis at sinuot ng short. Pagkatapos naman nun, ay agad kong pinasuot sa kanya ang maliit na Polo na binili ko nung nakaraang araw sa tinda na malapit samin.
"Ayan. Ang gwapo gwapo naman ng Baby boy ko." saad ko. Ngumiti naman ito na parang naiintindihan ang mga sinabi ko.
Nilagay ko na muna siya sa kanyang maliit na Crib at binigyan ng kanyang malalaro. Nang masigurado ko na okay na ito, agad kong tinahak ang maliit na Cr sa apartment na tinitirhan namin ng anak ko.
Linggo ngayon, kaya mag sisimba kami. Kaming dalawa na lang na mag kasama ng aking anak, sapagkat namatay ang aking ina pagkalipas ng limang buwan pag katapos kong pinanganak si Alexis. Yung tatay ko naman ay patay na nung 9 years old pa lang ako. Kahit mahirap para sakin, kinakaya ko para sa aking anak. Minsan pag nag ttrabaho ako bilang isang labandera, iniiwan ko si Alexis sa bestfriend ko na ai Joana. Bakla siya, at kampati ang loob ko sa kanya. Siya na lang kasi yung taong mapag kakatiwalaan ko.
Yung tatay ni Alexis? Hindi ko Alam. Hindi ko na sinubukang hanapin siya ulit. Pero alam ko naman na nandito lang sa Pilipinas yun. Pero ayoko na lamang guluhin siya. Sigurado naman ako na natupad na niya ang mga pangarap niya, no, pangarap namin.
Napahinga naman ako ng malalim habang inaalala ang tatay ni Alexis. Kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan. Hindi ako pwede ma stuck dun, kasi walang maidudulot na maganda sakin at sa anak ko.
=========
"Hoy loka! Na miss ko kayo! Lalo na tong chikiting na'to" sabi ni Joana.
Andito kami ngayon sa iaang Fast foos chain. Pag katapos kasi naming mag simba, tinawagan ako ni Joana at sinabing maki pag kita ako sa kanya.
"Hindi ka daw niya na miss" sabi ko sabay tawa.
"Che! So sino na miss niyo? Yung ex mo? Hmmp!" saad niya sabay irap. Hindi ko na lamang siyang sinagot pa at umorder na lang.
Pagkatapoa kong mag order ay agad akong bumalik sa pwesto namin. "Bakla, wala na bang may mag papalaba sa inyo?" tanong ko.
Kailangan ko kasi ngayon ng pera, para makabili ng gatas ni Alexis. Meron naman akong konting pera, pero konti na lamang to.
"Jusko dai, wala na. Mag hanap ka na lang kasi ng trabaho. Tutal naka tapak ka naman ng kolehiyo. 2nd year nga lang. Pero atleast nakatapak nu!" saad niya.
"May tatanggap ba sakin?" nag aalalang tanong ko.
"Malamang! Hay naku, maganda ka nga pero bobo naman! Jusko! Mag play kana ng trabaho para sa inaanak ko!" sabi niya at nilaro ulit si Alexis.
Napatingin naman ako sa Anak, kailangan ko na nga siguro mag hanap ng trabaho. Kailangan kong makaipon para sa anak ko..
BINABASA MO ANG
Loved (COMPLETED)
RomanceBat pa siya bumalik? Bat kailangan ko pa siyang makita? Hindi ko na siya kailangan. Hindi ko na siya Mahal. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]