Chapter 15

643 21 0
                                    

"U-Uwi na ako.." Sabi ko Kay Laurence.

Nakakahiya! Anu ba Yung sinasabi ko? Bakit Naman ako um-oo?! Nakakahiya talaga!

"You're blushing." Sabi niya.

Napatayo Naman ako. "I'm not. Aalis na ako. Tulog Naman na si Alexis. " Sabi ko. Akmang lalabas na ako Ng kwarto ni Alexis nang pigilan Niya ako.

"Don't." He said. Gulat na tinignan ko siya. Bakit may kakaiba sa mga mat Niya? Bakit nawala Ang kaninang galit na galit na Laurence? Bakit pakiramdam ko... Bakit pakiramdam ko bumalik Ang dating Laurence? "Baka magising ulit si Alexis, at hanapin ka." He said.

Oh.

Yan pala.

Anu paba Ang ineexpect ko? Na magiging okay kami? At mag kakabalikan? Hindi Naman ata mangyayari Yun.

"Saan ako matutulog?" Tanong ko. Pinalibot ko Ang tingin ko sa kabuohang kwarto ni Alexis. Wala Namang Kama dito. Pero meron isang maliit na sofa.

"Pwede ako dito sa sofa." Ako

"Pwede ka sa guest room" si Laurence

Nag katinginan Naman kami. Sabay pa kami nag salita talaga.

"Dito na Lang ako. Para Naman ma bantayan ko si Alexis." Sabi ko at ngumiti. Tinignan Niya Lang naman ako.

"Okay." Yun Lang Ang sinabi Niya bago lumabas ng kwarto ni Alexis.

Nakahinga Naman ako ng maluwag nang maka alis na siya. Hindi Naman sa ayokong kausap o kasama si Laurence, pero Kasi nakakahiya Yung sinabi ko kanina.

Nag papalambing si Alexis kagaya ni Laurence?

Seriously, Hazel? Naiinis Kong Sabi sa sarili ko.

Bakit ba Kasi kahit may anak na ako, bakit Kung maka asta ako, Ang virgin ko pa din?

Humiga na Lang ako sa sofa na katabi ng crib ni Alexis. Mahimbing na Ito natutulog. Hindi ko Naman maiwasan Ang Hindi obserbahan Ang kabuohang kwarto Niya.

Nabibigay ni Laurence lahat ng kailangan at gusto ni Alexis. Kayang ibigay ni Laurence sa anak namin ang Hindi ko maibigay. Kahit Naman Kasi ilang labada Ang labhan ko, ode kaya mag over time pa ako sa bar, Hindi ko pa din ma hihigitan ang pwedeng ibigay ni Laurence Kay Alexis.

Napangiti ako ng malungkot. Tama nga si Laurence, Wala akong kwentang Ina.

Ramdam ko Naman Ang pananakit sa'king puso at Ang pamumuo ng luha saking mga Mata. Pumikit na lang ako at pinilit Ang sariling makatulog.

"Wag kana umiyak Hazel. Tama na." Sabi ko sa sarili ko.


Nagising ako dahil sa mahinang pag haplos ng kamay saking pisnge. Napadilat ako, at nagulat nang Makita si Laurence iyun. "Wake up." He said.

Napa-upo Naman agad ako. Pero Sana di ko ginawa Yun dahil ramdam ko Ang sakit ng ulo ko. "Ouch" Sabi ko habang mahinang minamasahe Ang ulo ko. 

Anung oras naba? Napatingin ako sa orasan, 8:30 na. Pero mga 5:30 ako nakatulog kanina. Kaya siguro sumakit bigla Ang ulo ko.

"What? Okay ka Lang ba?" Tanong ni Laurence. Nagulat Naman ako, kinamusta Niya ako? Ito Ang unang beses na tinanong Niya ako ng ganyan. At nakikita Kong nag-aalala siya sakin.

Gusto Kong umasa. Gusto Kong maniwala na magiging okay kami ni Laurence, at mag kakabalikan. Gusto Kong umasa, Kasi Alam ko sa sarili ko Mahal ko pa siya e.

Pero meron din parte sakin, na ayokong umasa. Ako Ang nang-iwan diba? Tingin ko ba, babalik Lang ng ganun si Laurence sakin pag katapos ko siyang iwanan at itago si Alexis sa kanya?

"May masakit ba sayo?" Tanong Niya ulit. Tinignan ko siya sa mga Mata Niya, he is worried.

Bakit pakiramdam ko, bumabalik na Yung dating Laurence? Yung Laurence na minahal ko? Yung Laurence na Mahal ako?

Possible Kaya yun? Na pag katapos ng lahat ng sakit, possible kayang mahalin ulit ako ni Laurence? Possible kayang mapatawad Niya ako?

Possible Kaya lahat ng Yun?

"Okay Lang ako." Sabi ko sabay iwas Ng tingin.

Kahit gustong gusto Kong umasa, Hindi ko gagawin. Kahit gustong gusto Kong maniwala, Hindi ko gagawin. Ayoko ng masaktan.

I'm just the woman he loved before. Yun na Yun. Wala ng iba.

"You sure? You look pale." He asked again.

"Okay Lang ako, Laurence. Wag mo Kong alalahanin. Asan na si Alexis? Kumain naba siya?"  I asked him.

He looked at me once more. Yung tipong ino-obserbahan, bago Niya iniwas Ang tingin. "He's outside. Pinapakain na siya ni Yaya Minda." Sabi niya. Tumango Naman ako.

"Sige, pupuntahan ko na muna siya bago umalis." Sabi ko at tumayo Naman. Hindi Naman na siya nag salita Kaya lumabas na Lang ako ng kwarto ni Alexis.

Nakita ko Naman sila Alexis at Yaya Minda sa kusina. Karga karga ni Yaya Minda ang anak ko. "Good morning po." Bati ko sa matanda.

Napatingin Naman siya sakin bago ngumiti. "Gising kana pala ija. Oh kumain kana muna." Aya Niya sakin.

"Okay Lang po ako. Ako na Lang po mag papa Kain Kay Alexis." Sabi ko.

"Oh siya sige. Pero kumain kana din muna ija." Sabi niya. Nginitian ko na Lang siya bago kinuha si Alexis sakanya at kinarga.

"Okay Lang po ako." Sabi ko. Nakakahiya Kasi. Dito na nga ako natulog, dito pa ako kakain.

"You should eat first. Wag mong tanggihan ang Grasya." Narinig Kong Sabi ni Laurence. Nakita ko din siya na papasok na sa kusina. Umupo Ito sa harap ko. Hinawakan Niya Naman Ang kamay ni Alexis. "Hey little buddy, good morning." Bati Niya Kay Alexis. Tumawa Naman Ang anak ko, na Parang naiintindihan Ang sinasabi ni Laurence.

"Sa apartment na Lang ako kakain." Sabi ko bago sinubuan si Alexis.

"Didn't you hear what I said? Wag mong tanggihan ang Grasya." He said bago kumain. Hindi ko Naman Alam Kung sasagot pa ako o Hindi. Pero napag desisyonan Kong, kumain na Lang din at sabayan sila.

Hindi ko Naman maiwasang isipin na Sana, Kung normal Lang Ang sitwasyon at Hindi komplikado, baka isipin Ng lahat na makaka Kita samin, ay Isa kaming masaya't magandang pamilya.

Sabay sabay kumakain. Habang karga karga Ng Ina Ang anak. Habang kinukulit Ng ama Ang anak.

Ito Ang isang bagay na hinihiling ko sa Diyos. Pero Hindi ko Alam Kung matutupad paba Yun o Hindi.

Pag katapos ng lahat, sa tingin ko ba mag kakaroon pa kami ng chance ni Laurence?

Pag katapos ko siyang saktan, sa tingin ko ba babalikan pa ako ulit ni Laurence?

Pag katapos ko siyang iwan, sa tingin ko ba mapapatawad pa ako ni Laurence?

Para ko Lang hiniling na buksan Niya Ang sugat na iniwan ko sa kanya, dahil naka balik na ako. Dahil nandito na ulit ako.

Mahal ko si Laurence, pero Hindi ko na kayang saktan siya ulit.

Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon