Kanina ko pa tinitignan Ang doorbell sa harap ng bahay nila Laurence. Kaninang umaga pa kami naka dating dito sa Manila. Ngunit ngayong hapon Lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para pumunta dito.
Hindi ko pa din Kasi Alam Kung Kaya ko na ulit Makita si Laurence. Pero Kasi, miss na miss ko na si Alexis. Gustong gusto ko na Makita Ang anak ko.
Huminga ako ng malalim bago nag doorbell. Bakit gusto Kong hilingin na Sana, Wala si Laurence sa loob?
"Oh ija ikaw pala Yan. Bakit Hindi ka naka dalaw ng dalawang araw?" Tanong ni Yaya Minda sakin bago ako pinapasok.
"Pasensya na po, naging busy Lang." Pag sisinungaling ko.
"Aba't buti'y dumalaw ka." Nakangiting Sabi sakin mg matanda.
"Opo. Miss na miss ko na Kasi si Alexis. Kamusta po siya? Hindi naman na po ba siya umiyak ng sobra?" Tanong ko.
"Hindi Naman na ija. Pero tulog si Alexis ngayon. Baka gusto mong puntahan si Laurence sa opisina Niya? Hinahanap ka din Niya nung mga nag daang araw e." Sabi ni Yaya Minda na napag pagulat sakin.
"Hinahanap Niya ako?" Tanong ko.
"Oo. May pag uusapan daw kayong importante e." Sabi nang matanda. "O siya, Alam mo naman Kung san Ang opisina ni Laurence diba? Ako'y babalik na sa kusina, dahil meron pa akong niluluto" Sabi ni Yaya Minda. Nag pasalamat Naman ako bago pumunta sa opisina ni Laurence.
Anung pag uusapan namin?
Hindi ko pa din Alam Kung Kaya ko siyang harapin. Na gguilty ako sa lahat ng ginawa ko. Gusto Kong huminge ng tawad para sa lahat ng kasalanan ko.
Oo Tama, hihinge ako ng tawad. Yun Naman dapat diba? Yun Naman Ang tamang gawin, Ang huminge ng tawad dahil Alam mong nag kamali ka.
Kumatok ako pero Wala akong narinig na Boses. Dahan dahan ko namang binuksan iyun, at nakita Kong nakaupo si Laurence at may binabasa.
Hindi ko maiwasan Ang di siya titigan. Na mmiss ko na siya. Na mmiss ko na siyang yakapin, hagkan, haplosin ang pisnge niya, Ang ilong Niya.. na mmiss ko si Laurence. Na mmiss ko Ang dating kami.
"Come in." He said in a cold tone. Hindi ko Naman maiwasan ang Hindi mapaisip.
Galit ba siya sakin? May ginawa ba akong masama? Akala ko okay kami. Okay Naman kami sa mga nag daang araw ah?
"Sit." Sabi niya ng maka rating ako sa harapan niya. Naupo Naman ako sa upuan na nasa harap niya.
Nilagay Niya Ang papeles na binabasa Niya bago Niya ako tinignan. Hindi ko Alam pero nakakatakot Ang tingin Niya. Galit siya. Sigurado akong galit siya, pero Hindi ko Alam Kung bakit.
Bakit siya galit sakin?
Akala ko ba okay kami? Akala ko ba nagiging maayos na kami ulit? Okay na nga sakanya na pumupunta ako dito para bantayan si Alexis e. Pero bakit..bakit biglang ganito?
Biglang nawala ang emosyon sa kanyang mukha. "I've decided that when Alexis turned 5 we'll go Abroad." Sabi ni Laurence na nag pagulat sakin.
"Anu? Anung pinag sasabi mo?" I asked still confused.
"Aalis kami ni Alexis pag nag 5 years old na siya. Dun na kami titira sa America. I don't even know why I'm telling you this, but I think you have the right to know. Afterall ikaw ang nag buntis at nanganak sa kanya." Sabi ni Laurence. Wala akong emosyong nakikita sa kanya habang sinasabi Niya iyun.
"Kasi ako Ang Ina ni Alexis." Sagot ko sa kanya.
Anung sinasabi Niya? Ilalayo Niya Ang anak ko Mula sakin? Nasisiraan ba siya?
"Precisely, that's why I'm wasting my time talking to you right know." He said bago tumayo at kumuha ng alak. Tumayo na din ako at sinundan siya.
"Hindi Kita naiintindihan. Ilalayo mo Ang anak natin sakin?" Tanong ko sa kanya. Nakatalikod pa din siya sa sakin.
"Yeah" casual na Sabi niya.
"Bakit? Bakit mo gagawin Yun? Hindi ko Naman na pinag pipilitan na kunin si Alexis Mula sayo ah? Nakontento na nga ako sa dinadalaw ko na Lang siya dito. Bakit mo pa kailangan ilayo si Alexis sakin? " Tanong ko.
Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi Niya. Bakit Niya ilalayo Ang anak namin?
Humarap siya sakin. "Because I want to." He said bago umupo sa couch niya dito sa kanyang opisina.
"And why would you do that?!" Hindi ko na napigilang sumigaw.
Bakit Niya gagawin Yun? Ina ako ni Alexis. I have all the rights.
"Because I just want to." Sabi niya bago ulit uminom ng alak Niya. Pumunta ako sa harap niya. Wala pa din siyang emosyon.
"You can't do that to me Laurence. Ina ako ni Alexis!" Sabi ko.
"Ina?" Tanong Niya na Parang nag Sasabi ako ng isang kalokohan. Tumingin siya sakin ng masama. Nabigla ako ng tumayo Ito. "Paano mo nagagawang sabihin na Ina ka ni Alexis?! You were gone for two fucking days! Tapos ngayon, babalik ka at sasabihin mo na Ina ka ni Alexis? Naririnig mo ba Ang sarili mo Hazel?!" Sigaw Niya sakin.
"Pero wala Kang karapatan na ilayo sakin Ang anak ko! Wala kang karapatan na mag desisyon para sa kanya!" Giit ko dito.
"Wow. Now you're talking about decision making and rights to be with Alexis." Sabi ni Laurence at tinignan ako Mula ulo hanggang paa. " You're saying things as if Hindi mo ginawa noon." He said. "Nag desisyon ka din noon diba? Kinuha mo din Ang karapatan ko Kay Alexis noon diba? And now galit ka because I'm doing the exact same thing that you did before. Alam mo Hazel, okay Naman pag umalis na kami ni Alexis e. So you can fuck everyone you like!" Sabi niya sakin.
"Anu? What are you talking about?" Sabi ko na natigilan sa mga sinabi niya.
"Don't you fucking deny it! I saw you flirting with Bryzon 3 days ago! Dinala mo pa talaga siya sa VIP room para maka pag solo kayong dalawa, Anu? Tapos kinabukasan makikita kitang sumasama sa ka-trabaho mo papuntang Probinsya?! Tapos ngayon, babalik ka at sasabihin mong kinukuha ko sayo Ang karapatan mo bilang Ina Kay Alexis?! Hindi kaba nahihiya sa sarili mo?! After fucking those guys, babalik ka dito at sasabihin mong kinukuha ko Ang karapatan mong maging Ina Kay Alexis?! Naging Matino ka bang Ina, hazel?! Naging mabuti ka bang Ina Kay Alexis simula pa Lang?!" Hindi ko na napigilan Ang sarili ko at sinampal ko si Laurence. Halatang nagulat din siya sa ginawa ko.
"I-sumbat mo na sakin Ang lahat, pero wag Lang Ang pagiging Ina ko Kay Alexis!" Sigaw ko dito. Hindi ko na din napigilan Ang mga luha ko. "Wala kang alam sa pinag daanan ko! Wala kang alam sa hirap na nadanas ko para Lang may i-pakain kay Alexis! Wala kang alam sa pagod na nararamdaman ko." Naiiyak Kong Sabi.
"Hindi mo Alam Kung gaano ko tiniis Ang Hindi huminge ng tulong sayo sa mga panahon na hirap na hirap na ko. Hindi mo alam Kung ilang beses Kong hiniling na Sana, Sana kasama Kita habang pinag bubuntis ko si Alexis! Na Sana Hindi Kita iniwan para Lang matupad Ang mga pangarap mo! Na Sana naging madamot na Lang ako! Na Sana Hindi ko na Lang tinago Ang lahat! Na Sana Hindi ko na Lang tinago si Alexis Mula sayo!" Ramdam ko Ang mga luhang umaagos saking pinsnge, na kagaya din sa pag agos ng nararamdaman ko ngayon.
"Wala kang alam... Wala kang alam sa pinag daanan ko. Wala kang alam Kasi mas pinili kong hayaan Kang matupad Ang mga pangarap mo. Wala kang alam Kasi mas pinili kong mag dusa ng mag-isa keysa isama ka. Wala kang Alam Kasi gugustohin ko na Lang ako Ang masaktan, ako Ang mahirapan keysa ikaw." Tinitigan ko siya sa kanyang mga Mata " Wala kang alam sa sinakripisyo ko, para sayo at para Kay Alexis. Wala kang alam Laurence.. Wala kang alam." Sabi ko bago lumabas sa opisina Niya.
Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng humiga't matulog sa Kama ko.
Ang sakit sakit...
Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Bakit ngayon pa Laurence? Bakit ngayon ba na handa na akong mahalin ka ulit?
BINABASA MO ANG
Loved (COMPLETED)
RomanceBat pa siya bumalik? Bat kailangan ko pa siyang makita? Hindi ko na siya kailangan. Hindi ko na siya Mahal. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]