Chapter 7

672 20 0
                                    

Pag kalipas ng isang oras...

"Joana, lalabas lang ako sandali. Ikaw na muna mag bantay kay Alexis" sabi ko.

"O'sya sige." Saad naman niya.

Lumabas na ako sa kwarto kung saan inadmit si Alexis. Nagtataka nga ako dahil hindi man lang kami tinanong if okay lang ba samin na sa private room kami ilagay o sa ward. Kaya pupunta ako sa nurse station para mag tanong.

"Excuse me, pwede po bang mag tanong?" saad ko.

"Sige po." Sabi naman ng nurse, mukhang mabait naman. Bilib din ako sa ginagawa ng isang nurse. Hindi ito basta basta, buhay kasi ang nililigtas nila.

"Tatanong ko lang po sana, if sino ang nag palagay samin sa private room? Hindi hu kasi kami na sabihan o na tanong." Saad ko. Hindi ko din afford yung babayarin. Madami pang laboratory test si Alexis, kaya kailangan ko din mag tipid. At wala pa din kasi akong pera, kasi wala pa naman yung sweldo namin.

"Sabi po ng Billing dito, Laurence Lopez ang pangalan ng nag bayad." Sabi niya.

Gulat na tinginan ko siya, "Si L-Laurence?" tanong ko pa ulit.

Tumango na lamang siya bilang sagot.

Pero bakit niya ginawa yun? Ni-hindi pa kami nag kakausap ng matino . Bakit niya ako tinulungan?

Hinanap ko siya sa hospital, pero hindi ko siya makita. Pate sa parking lot, triny ko din na hanapin siya, pero nag bigo ako.

Gusto ko siyang tanungin. Ngunit wala naman akong contact number niya.

Bumalik na lang ako sa kwarto ni Alexis. Kagaya ng pag labas ko kanina, ay nakatulog pa din Ito. Laking pasasalamat ko na Hindi ganun kalala Ang lagay ni Alexis.

Hindi ko talaga mapapatawad Ang sarili ko Kung meron mang nangyaring masama sa anak ko. Si Alexis na Lang Ang meron ako, Hindi ko kayang pate siya ay mawala. Hindi ko kaya.. Hindi ko kakayanin..

"Hazel.." narining Kong tawag ni Joana. Nilingon ko Naman Ito. Halatang pagod din Ang mukha Niya. Nginitian ko Ito ng tipid. "Madaming Salamat ha. Kung Hindi dahil sayo, baka Kung Anu ng nangyaring masama Kay Alexis." Sabi ko sa kanya.

"Joana, para namang hindi ko ito inaanak Kung pababayaan ko Lang siya" Sabi ni Joana bago tumawa. Napangiti Naman ako.

"Baliw. Thank you talaga ng sobra." Sabi ko.

"May talaga na may sobra pa. Ang redundant sis" Sabi ni Joana na ikinatawa ko.

"Wow ha. Alam Yung redundant ha." Sabi ko.

Joana rolled her eyes bago ako inirapan. "Alam ko Yan. Di ko Lang Alam Ang spelling." Sabi niya. Natawa Naman ako. Baliw talaga to e. "Pero seryoso, Sino Yung kasama mo kanina? Ang pogi ha. Pero Parang.. parang may iba. " Sabi ni Joana.

Napahinga Naman ako Ng malalim. Alam ko Naman na dadating Yung araw na magtatanong si Joana tungkol sa tatay ni Alexis. Hindi ko Lang maganda Yung sarili ko na ganito ka-aga.

"Si Laurence Yun.." Sabi ko. Nakatingin Lang Ito sakin. Iniwas ko Naman Ang tingin ko Kay Joana at napatitig Kay Alexis na mahimbing natutulog. "Tatay ni Alexis." I said.

Parang may Kung Anu sa dibdib ko na nawalan ng tinik. It feel so good to finally share or talk about my feelings, about my past, about my life.

Naramdaman ko Naman Ang pag hawak ni Joana sa kamay ko, kaya napatingin ako sakanya. "Wag Kang mag-alala sis, andito Lang ako. Di ko kayo iiwan at pababayaan ni Alexis." Sabi ni Joana. Nginitian ko lamang Ito.

Kahit siguro buong araw patatagin ni Joana Ang loob ko, di ko pa din maiwasan Ang Hindi kabahan. I mean, Nakita ni Laurence si Alexis. Hindi Yun mag dadalawang isip na anak Niya Yun. Mula sa buhok, ilong, labi, at balat ay Kay Laurence nagmana si Alexis.

Pero meron din Naman sa loob ko na nagtitiwa na Hindi kukunin ni Laurence si Alexis sakin. Kung sakaling malaman ni Laurence and totoo, Hindi ko Naman pag dadamot so Alexis sakanya. Hindi ko Naman maitatago Ang katotohanan na anak Niya si Alexis.

Kinaumagan maaga akong nagising, kahit Hindi ako masyadong makatulog dahil na din sa pag babantay Kay Alexis, ay kinailangan Kong gumising ng umaga para pumunta sa Bar.

Ayoko din sanang pumunta dun, pero sinabi Naman ni Joana na siya na Muna mag babantay Kay Alexis. At para na din daw maka pag paalam ako Ng maayos, mag lleave Muna ako. Ayoko kasing iwan si Alexis sa hospital, kahit Kay Joana pa. Gusto ko nasa tabi ako ng anak ko. Alam Kong kailangan ako Ng anak ko, at di ko kayang isipin na magigising ang anak ko na Wala ako sa tabi niya.

Nang makarating akonsa bar, ay agad akong Pumasok at hinanap Ang manager namin. Nang sinabi sakin na nasa office Ito, agad Naman akong mag tungo dun. Pinapasok Niya ako, at kinausap ko Naman siya.

Mabuti na Lang talaga na mabait Ang manager namin, dahil pinayagan Niya ako mag leave. Sabi niya din na bumalik na Lang ako pag okay na Yung anak ko. Nag pasalamat Naman agad ako.

Hindi ko Kasi inaakala na makakabalik pa ako dito. Iniisip ko Kasi na baka tanggalin ako sa trabaho ko, Kasi kaka-umpisa ko pa Lang naman pero Ito ako, humihinge Ng leave.

Nang matapos Ang pakiki pag usap ko sa manager, agad akong umalis sa bar. Hinanap ko din sila Violet, Cristy at Dino pero Wala Naman Ang mga Ito. Anu ba Ang inaakala ko? Eh mamayang Gabi pa Naman sila pupunta dito. Gusto ko Sana mag paalam sa kanila, naging mag kakaibigan din Naman Kasi kami. Kaya ramdam ko na kailangan Kong sabihin sakanila na mag lleave ako. Siguro iitext ko na lamang sila.

Hinanap ko Ang cellphone ko sa bag ko, pero di ko iyun Makita. Nag taka Naman ako. Pero na realize ko na naiwan ko pala iyun sa hospital. Babalik na Lang ako dun at dun ko na Lang sila ittext.

Sumakay na ako Ng jeep. Hindi ko pa din mapigilang Hindi maisip si Laurence.

Bakit Niya kami tinulongan?

Alam kaya Niya? Na anak Niya si Alexis?

Diba meron tayong tinatawag na lukso ng dugo? Baka Yun Yung naramdaman ni Laurence.

Pero Kasi...

Hindi pa kami nag uusap.

Wait.

Umaasa akong mag uusap kami? Para saan pa? Eh diba galit siya sakin? Pero bakit umaasa pa din ako? Okay Lang ba tong nararamdaman ko?

Malamang Hindi! Ikaw Yung nang-iwan diba? Bakit ka aasa na babalikan ka ni Laurence? Anu Naman Kung may anak kayo?  Matagal na kayong Wala. Kaya wag kana umaasa. Sabi ng isip ko.

Hays.

Mali ba tong nararamdaman ko?

Kasi Kung Mali, Hindi ko mapigilan mag kasala, Kasi umaasa talaga ako na mag kaka-ayos kami ni Laurence. Ummasa talaga ako...

Naglalakad na ako ngayon papunta sa kwarto ni Alexis. Masaya ako dahil makakasama ko si Alexis, at di ko na kailangang iwan siya. Napangiti Naman ako sa iniisip ko.

Hindi na aalis si Mama, Alexis...

Binuksan ko Ang pintuan, at Ang ngiti na meron ako kanina ay agad nawala.

Asan Ang anak ko?

Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon