Hindi ako makagalaw sa tinatayuan ko.
Jusko, asan na Ang anak?
"Hazel!" Napalingon ako sa likod ko at nakita si Joana na tumatakbo papunta sakin.
Tama! Kasama ni Joana si Alexis. Kasama Niya Lang kanina e. Sabi niya babantayan Niya.
"Joana, asan si Alexis? Lumabas na ba kayo para mag pahangin? Baliw ka talaga bakla, Hindi pwedeng ilabas si Alexis. Mag papa laboratory pa Ang anak ko." Sabi ko. Nakatingin Lang Ito sakin na nahihingal dahil sa pag takbo. "Oh asan na Ang anak ko? Nasa laboratory na ba? Pupuntahan ko La--"
"Kinuha ni Laurence si Alexis! Kanina pa Kita tinatawagan Kasi kanina pa kami nag aaway at nag sasagutan ni Laurence dito." Sabi ni Joana.
Parang biglang tumigil Ang mundo ko.
K-kinuha ni Laurence si Alexis?
Kinuha ni Laurence Ang anak ko..
Jusko... Bakit? Bakit Niya ginawa iyun? Anak ko si Alexis...
"Nag pa DNA si Laurence, Hazel. At dahil nga mayaman Ang papang mo, nalaman Niya agad Ang resulta at agad na kinuha si Alexis. Inawat ko siya, Sabi ko hintayin na muna namin na makarating ka, pero di naman ako inform na sing-tigas ng abs ni Laurence and ulo Niya. Ayaw Niya talaga makinig. Hindi nag paawat. I'm sorry hazel.." Sabi ni Joana.
Hindi ko na napigilang Hindi mapa iyak..
Kinuha si Alexis sakin.. Ang anak ko.. Hindi ko na Alam Ang gagawin ko. Parang nababaliw ako.
Hindi ko kayang mawala Ang anak ko. Hindi ko kayang mawalay ako sa kanya. Hindi ko kaya...
Si Alexis na Lang Ang meron ako, Hindi ko Alam Ang gagawin ko Kung pate siya mawawala.
"Mag pakatatag ka hazel, babawiin natin si Alexis" Sabi ni Joana bago ako niyakap. Napaiyak Naman ako lalo. Hindi ko Alam Ang gagawin ko Kung mawala ng tuloyan si Alexis sakin.
Hindi ko kaya...
Hindi ko kakayanin...Pagkalipas ng ilang sandali, kumalas ako sa pag yakap ni Joana. Humarap ako sa kanya. "Kailangan natin hanapin si Laurence. Kukunin ko Ang anak ko. Tulongan mo ko Joana, parang awa mo na. Hindi ko Alam Ang gagawin ko pag nawala si Alexis sakin." Sabi ko. Ramdam ko nanaman Ang namumuong luha saking mga Mata.
"Wag Kang mag-alala sis, nasundan ko sila kanina. Nalaman ko Kung saang subdivision. Hindi ko nga Lang Alam Kung saang bahay, dahil bumalik ako dito ng maisipan Kong baka nakabalik kana." Joana said.
"Salamat Joana. Maraming salamat.." Sabi ko.
Babawiin ko si Alexis.
Hintayin mo Lang si mama, Alexis. Kukunin Kita...
"Dito na Lang kuya." Sabi ni Joana. Tumigil Naman Ang taxing sinasaktan namin sa labas ng subdivision. Sabi ni Joana, dito daw nakatira si Laurence. Sinubukan namin Pumasok pero di kami pinapasok Ng guard. Sabi nila, di raw sila nagpapapasok ng walang ID. Kinumbisi naman sila ni Joana pero Hindi Naman sila nakikinig.
"Sis, balik na Lang Tayo bukas. Mag pahinga kana muna." Sabi ni Joana. Nakaupo Lang kami sa gilid. Hindi Naman na kami pinaalis ng mga guard, at Hindi din naman ako aalis. Yung anak ko nasa loob ng subdivision, Hindi ako aalis dito.
"Dito Lang ako. Okay Lang Kung Mauna kang umuwi. Alam Kong pagod ka din." Sabi ko Kay Joana.
"Ayoko ngang iwan ka dito! Oh siya hintayin pa natin ha." Sabi ni Joana bago umupo sa tabi ko. Nginitian ko na lamang Ito.
Kinakausap niya ang guard na baka pwede tawagan Ang bahay nila Laurence, at dahil Parang naaawa na yung guard sakin, tinawagan naman nila. Bigla akong nabuhayan.
Sa ganitong pagkakataon, gusto ko lang talagang makita si Alexis. Miss na miss ko na ang anak ko...
"Mam, pasensya na po. Ang sabi po samin, paalisin na daw kayo at wag na daw hu kayo babalik.." Sabi nang guard.
Parang Bigla naman ako binagsakan ng mundo.
Anung sinabi niya na wag ako babalik? Yung anak ko nasa loob! Yung anak ko nasa Kay Laurence! Anung karapatan nila na sabihin na umalis ako at wag na bumalik?
"Nakikinig ba kayo sakin? Yung anak ko kinuha sakin! Kanina ko pa sinasabi Yan, bakit ba Ang tigas ng ulo niyo ha?! Tawagan niyo nga ulit si Laurence at ako Ang kakausap!" Hindi ko na mapigilang Hindi magalit.
Napaka walanghiya ni Laurence. Anung karapatan niyang kunin si Alexis sakin? Anak ko si Alexis. Ina ako ni Alexis.
"Mam pasensya na hu. Nautusan Lang po.." Sabi nang guard at Pumasok na.
"Sis, balik na Lang Tayo bukas oh. Gabing Gabi na.." Sabi ni Joana. Napatingin Naman ako sa kanya. Hindi ko na napigilan Ang luha ko.
"Joana.. Ang anak ko.. Hindi ko kayang mawala siya.." Sabi ko habang umiiyak.
"Hindi siya mawawala sis, babalik Tayo bukas, susubukan natin ulit kausapin si Laurence. Pero sa ngayon,
Umuwi na muna Tayo at mag pahinga kana muna." Sabi ni Joana.Hindi ko na siya pinigilan. Hindi na ako kumontra pa. Siguro Tama nga si Joana, kailangan ko na munang mag pahinga.
Maaga akong nagising dahil balak ko talagang bantayan si Laurence. Hindi ako masyadong makatulog kagabi, dahil na din sa kakaisip ko sa anak ko.
Kamusta Kaya Ang lagay Ng anak ko? Masama pa Rin ba Ang pakiramdam niya? Okay Lang ba Ang tulog Niya dun? Napainom naba siya ng gatas? Nakatulog ba siya Ng maayos?
Miss na miss ko na Ang anak ko... Hindi ako mapakali. Isang araw Lang Ang nag daan na di ko na nakita si Alexis, ay Parang isang parusa. Ito naba Ang kabayaran sa pag tatago ko Kay Alexis Mula Kay Laurence?
Ngunit, bakit Ang sakit Naman ata ng ganti sakin? Ginawa ko Lang naman Yun para Kay Laurence...
BINABASA MO ANG
Loved (COMPLETED)
RomanceBat pa siya bumalik? Bat kailangan ko pa siyang makita? Hindi ko na siya kailangan. Hindi ko na siya Mahal. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]