Chapter 6

651 21 0
                                    

Hindi ko na mabilang kung ialng bseses ako nanalangin sa Diyos habang palabas sa Bar. Jusko, wag niyo pong pababayaan yung Anak ko. Siya na lang yung nag bibigay lakas sakin, hindi ko alam ang gagawin ko kung pate siya mawala sakin.

Ngunit hindi ata kampi yung tadhana sakin, sapagkat bawat jeep na dumadaan ay puno. At kahit taxi na pinaoara ko, ay puno din. Ngayon ko lang naalala, Friday pala ngayon kaya mahirap maka sakay o makakita ng taxi na bakante. Ngunit hindi parin ako nawawalan ng pag-asa, dapat hindi ako mawalan ng pag-asa, dahil para ito sa anak ko.

Naghihintay pa rin ako ng masasakyan ng may biglang humawak sa braso ko, tinignan ko kung sino ito at laking gulat ko na si Laurence.

"B-Bakit?" nauutal na tanong ko. Ngunit hindi niya ako sinagot. Laking gulat ko na lang na kinaladkad niya ako. "Hoy, anung ginagawa mo? Bitawan mo ko." Sabi ko. Pero parang hidni naman siya nakikinig dahil patuloy niya lang akong kinaladlad.

Hindi ko alam pero parang may namuo na kaba sakin. Bakit ako kinakabahan?

"Bitawin mo sabi ako e!" sigaw ko sa kanya at pilit na kumakawala sa hawak niya. Ngunit hindi talaga siya natitinag. Nang may nakita akong isang tao, agad akong sumigaw na, "Tulong! Tulongan mo ko" sabi ko.

Wala na akong pakealm, ang gusto ko lang ay makapunta sa anak ko. Kailangan ako ng anak ko ngayon.

Tumingin naman sakin yung lalake na nakita ko, akala ko tutulongan niya ako, ngunit nung nakita niya kung sino yung may hawak sakin at kumakaladkad sakin, ay agad itong umiwas.

Anu yun? Bakit hindi niya ako tinulongan?

Tumigil na lamang siya kakahawak at kakaladkad sakin nang makarating na kami sa parking lot. Tinignan niya ako at sinabing, "Pasok" sinabi niya iyon gamit ng napaka lamig na tono.

"Kailangan kong umalis, wala akong oras para sa ganito" sabi ko at agad na tumalikod. Aalis na sana ako ng biglang mag salita ulit ito,

"Ihahatid kita" he said, again, with coldness in his voice.

Gulat na tinignan ko ito, ihahatid niya ako? Bakit? Anung rason niya para ihatid niya ako? Diba galit siya sakin? Pero bakit niya ako ihahatid?

Napatigil ang pag iisip ko ng maalala ko si Alexis.

Makikita siya ni Laurence.

Anung gagawin ko?

Makikita ni Laurence si Alexis, at alam ko na magtataka si Laurnece.

Pero wala na akong pakealam. Para kay Alexis, gagawin ko ang lahat. Kahit may possibilidad na makikita siya ni Laurence. Wala na akong pakealam. Nasa Hospital ang nag iisang anak ko. Gagawin ko ang lahat para sakanya.

Pumaosk na ako sa sasakyan ni Laurence. Habang papunta sa Hospital, ay patuloy ko din na pag papanalangin na maging maligtas ang anak ko. Diyos ko, parang awa mo na, wag niyo pong pababayaan ang anak ko.

Parang sobrang sa 30 minutos ang pag hihintay ko bago kami makrating sa hospital. Takot na takot ako sa possibleng mangyari sa anak ko. Kaya ng makarating na kami sa hospital, ay agad akong lumabas ng sasakyan ni Laurence at nag tatakbo pumunta sa Emergency Room.

Pag karating ko dun, ay agad kong nakita si Joana na nakaupo sa tabi ng kama ni Alexis. Agad akong pumanta sa anak ko at niyakap ito.

"Jusko, anung nangyari sa anak ko.." sabi ko habang niyayakap ito. Pinipigilan ko ang luha ko, ngunit ang mga luha ay mga traydor talaga, sapagkat kusa silang tumulo mula saking mga mata.

"Papunta na yung Doctor Hazel, wag kang mag-alala, magiging okay din si Alexis" sabi sakin ni Joana.

Tumango na lamang ako, ngunit hindi pa ring mawala sakin ang kaba sa possibleng mangyari sa anak ko. Napatigil ang pag iisip ko ng mag salita si Joana, "Bibili na muna ako ng maiinumin, may gusto ka ba?" tanong niya sakin.

"Okay lang ako Joana. Sige na bumili kana.." sabi ko.

Tumayo naman ito at sinabing babalik din agad. Tumango na lamang ako sa sinabi niya.

Tingnan ko ang anak ko, natutulog ito pero ramdam ko pa rin ang init niya. Hindi ko nanaman mapigilan na umiyak.

"Sorry anak, wala si Mama kanina." Sabi ko habang umiiyak.

"Anak?" nagulat ako ng may narinig ako sa bandang likuran ko.

Si Laurence.

Nakita ko ang pag tataka sa kanyang mukha. Ngunit mas nagulat ito ng makita niya ang anak ko.

Bigla akong kinabahan. Unang tingin mo palang kay Alexis, masasabi mo talaga na hindi nag mana sakin, sapagkat lahat ng features sa kanyang mukha, ay galling kay Laurence.

"Sin—" hindi na natuloy ni Laurence ang kanyang tanong, nung biglang dumaitng ang Doctor.

"Ikaw ba yung nanay?" tanong ng doctor sakin.

Walang pag dadalawang isip na sinabi kong, "Oo Doc, kamusta ang anak ko?" tanong ko.

Inexplain ng Doctor ang lagay ni Alexis. Sinabi niya din na kailanga naming ma-admit, para mas ma obserbahan pa ito.

Laking pasasalamat ko na hindi naman ganun ka lala ang lagay ng anak ko.

Salamat sa Diyos.. 

Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon