Chapter 4

691 23 0
                                    

Ang kaninang nanlalaki na mata ko, ay mas lalong nanlaki. Pero mas nangibabaw ang kaba at takot na nararamdaman ko nung makita ko ang kanyang mga mata. Ang mga mata na kahit kailanman ay di ko nakalimutan. Sobrang miss na miss ko siya. Gustong gusto ko siyang yakapin. Ghad. I miss him so much.

Pero kung anu yung ikinatuwa ko kanina ay siya ring pag biyak ng aking puso ng mag salita ito, "Buhay kapa pala" sarkastiko niyang sabi.

Biglang namuo ang mga luha sa aking mga mata, pero hindi ko na hinintay pa na tuloyan itong matulo sa harapan niya. Agad akong umalis at pumasok sa kwarto, kung saan andun ang mga gamit namin.

Napaupo ako at tuloyan ng umiyak. Bakit ganun siya sakin? Galit ba siya dahil sa iniwan ko siya? Galit pa rin ba siya?

(Flashback)

Tinignan ko ang papel na hawak ko. Andito yung schedule ko. Hmmm.. Ang classroom ko ay, sa S building. Asan ba yung S building?

Hays, ang hirap talaga pag bago ka sa isang paaralan. Hindi mo alam kung san ka pupunta.

Napatingin naman ako sa mga tao na nasa paligid ko. Halata sa kanila na sobrang yaman nila. Ang mga bag nila, ang mga cellphone, ang mga sapatos. Halata na pang mayaman.

Hindi ko naman mapigilan na ikompara ang sarili ko sa kanila. Isang hamak na scholar lang ako ng universidad na ito. Sobrang malayo sa mga ordinaryong studyente dito.

Nag lakad na lamang ako papunta sa CR para umiihi. Alas 8:00 pa lang ng umaga. Medyo maaga pa para sa una kong klase na 9:30 am, may oras pa ako mamaya para hanapin yung S building.

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng cubicle. Agad akong pumunta sa harap ng salamin para tignan kung okay paba ang mukha ko, baka kasi di na fresh e. Nakita ko na medyo magulo ang buhok ko kaya naman kinuha ko ang suklay saking bag, at sinimulan ng suklayan ang buhok ko.

Ganun ang ginagawa ko ng biglang may pumasok na apat na babae. Ang gaganda nila, napaka puti. Halatang anak mayaman.

"Oh my. Another scholar" sabi ng babae na naka dresa na pink.

"Bakit ba pumapayag ang school natin to have scholar like her, nakaka disgrace naman sa pangalan ng University" sabi nung isang maliit na babae.

Bigla naman akong nahiya. Ganun ba nila tratuhin ang mga scholar dito? Yan ba ang tingin nila samin?

"Nakakasira naman ng araw yung Face mo" sabi ng isa pa nila kasama at sabay silang tumawa.

Pate itsura pala dinadamay na pala dito? Anu bang mali sa itsura ko? The last time I check, okay pa naman to.

"Hoy, what are you girls doing?" napatingin naman ako sa bagong pasok na babae. Katulad nila, at maganda din siya. Makinis ang balat. At higit sa lahat, ay anak mayaman. "Binubully niyo ba siya?!" matapang na tanong nung babae.

"Of course not Lau! We were just.. Hmmm.. Using the bathroom. Okay. Bye!" sabi nung isa at agad na silang umalis.

Para naman bigla akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko kasi talaga alam kung papaano ako aalis kung andito pa din yung apat na mga babae na yun. Masyadong mataas ang tingin nila sa sarili nila.

"Hey, are you okay?" sabi nung babae na nag ligtas sakin. I nod, kaya naman lumapit ito sakin, "Wag na wag mong hahayaan na ibully ka nila, okay? Dapat maging matapang ka para di ka dihado." sabi niya. Napangiti naman ako.

Bakit ang bait naman neto? Sobrang iba sa mga babae kanina. "Salamat.." nahihiyang sabi ko.

"Anyway, anu name mo?" sabi niya na naka ngiti.

"Hazel.. Hazel Montenegro" pag papakilala ko.

"Oh what a nice name! Im Lauren, Lauren Lopez" sabi niya at nilahad ang kamay niya, at ang pag tanggap ko sa kamay niya ang naging dahilan kung bakit ko nakilala si Laurence.

Si Laurence ay ang kuya ni Lauren. Lauren and I became bestfriends. Pero kami ni Laurence ay naging mag kasintahan.

We were so happy before. But then something came up.. Na kinailangan kong mag sakripisyo..

Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon