Nang makarating ako sa apartment ko, ay agad akong naligo. Pakiramdam ko, Ang dumi dumi ko. Kahit Hindi namin ginawa ni Laurence Ang balak Niya, pakiramdam ko Ang dumi dumi Kong babae dahil sa mga sinabi Niya sakin.
Hindi ko nanaman mapigilan nag luha ko. Kailan ba ako titigil sa pag iyak? Wala na bang katapusan to?
Tinignan ko Ang damit na hinubad ko. Damit Ito ni Laurence. Nung umakyat siya, ay di na Ito bumaba kanina. Mabuti na Lang naiwan Niya Ang kanyang damit, Kaya iyun na Lang Ang ginamit ko. Mabuti din na mabait si aling Nena, na may tindahan sa baba ng apartment ko, dahil pinahiram Niya ako ng pera para ipambayad sa pamasahe ko sa taxi na sinakyan ko. Naiwan ko Kasi lahat ng gamit ko sa bar. Cellphone, wallet at bag ay nandun.
Pakiramdam ko Ang duming dumi Kong babae. Kahit ni minsan Hindi sumagi sa isip ko na ibenta Ang katawan ko para sa pera. Ni Hindi ko nga naisip na maki pag talik sa iba, Kasi Alam ko sa sarili ko na Hindi ko Kaya.
Hindi ko Kaya Kasi Hindi Naman nawala Ang pag mamahal ko Kay Laurence. Ni minsan Hindi ko inisip na humanap ng iba. Na ipag palit siya sa iba.
Dahil Alam ko sa sarili ko, na kahit ako Ang nang iwan, Kahit ako Ang nanakit, Alam ko na hindi ko siya mabubura sa puso ko.
Pero kanina...
Ibang iba Ang Laurence na naharap ko. Ibang iba sa Laurence na minahal ko noon.
Noon, para akong Santo Kung sambahin Niya ako. Malaki Ang respeto sakin ni Laurence. Kaya ko nga siya minahal nang sobra, kasi nirrespeto Niya ako. Hindi Niya ako pinapabayaan, palagi siyang naka suporta sakin.
Pero Ang sakit isipin na noon na Yun..
Noon.
Hindi ngayon.
Iba na ngayon. Nag bago na si Laurence. Ibang iba na siya sa Laurence na minahal ko. Sa Laurence na Mahal ako...
Napapikit na Lang. Siguro kailangan ko na Lang matulog. Kailangan Kong mag pahinga.
Gusto Kong mag pahinga...
Nagising ako dahil sa malakas na pag katok Mula saking pintuan. Tinignan ko Ang oras at nakitang mag hahating Gabi na.
"Sino Naman ang kakatok sakin sa ganitong oras?" Napatanong ako sa sarili ko.
Hindi Naman pwede si Joana. Dahil Alam ko 9:30 pa Lang nang gabi ay nag bbeauty rest na siya. Hindi din sila Cristy, Violet o Dino, dahil di naman nila Alam Kung saan ako nakatira.
"Baka si aling Nena? Baka sisingilin ako sa inutang ko kanina?" Tanong ko sa sarili ko.
Nagtungo na ako papunta sa pintuan nang aking pintuan. Binuksan ko iyun, at laking gulat ko kung sino Ang bumungad sakin.
"L-Laurence?" Sabi ko. Anung ginagawa niya dito? Mag aalas-tres na nang gabi. Anung kailangan Niya?
"Si.. Si Alexis. He won't stop crying. Sabi ni Yaya Minda baka daw hinahanap ka." Sabi niya.
"Anu?! Bakit ngayon ka Lang nag punta dito? Dapat kanina mo pa ako tinawagan." Pag ssermon ko sa kanya.
"I tried. You're not answering your phone." Sabi niya.
"Dahil naiwan sa bar Yung mga gamit ko. Halika na nga." Sabi ko sa kanya at agad na lumabas sa apartment ko. Kumuha Lang ako ng jacket. Naka shorts Lang Kasi ako at tshirt.
Teka... Paano Niya nalaman Ang number ko at Kung saan ako nakatira?
Oh. Kaibigan Niya si Casper. Boss ko si Casper.
Laurence has his ways.
Agad akong Pumasok sa sasakyan Niya. Pinag titinginan Naman kami ng mga tao samin. Oo, kahit alas tres na ng madaling araw may mga naka tambay pa din, may mga nag iinuman din.
"Bakit dito ka nakatira?" Sabi ni Laurence habang nag mamaneho. Tinignan ko Naman siya.
"Anu namang masama dito? Mabait mga tao dito. " Sabi ko na Lang.
Si Alexis..
Nag-aalala ako sa anak ko. Pag umiyak Kasi nun, ibig sabihin Hindi siya komportable, ode Kaya may masakit sa kanya.
"Ilang Gabi na umiiyak si Alexis?" Tanong ko sa kanya. Baka Gabi Gabi umiiyak si Alexis pero di Niya Lang sinasabi sakin.
"Ngayon Lang. Nung mga nakaraang araw, okay Naman Ang tulog Niya." Sabi niya. Tumango Naman ako.
"Wala naba siyang sakit? Diba dapat i-llaboratory siya? Anung resulta? Okay Lang ba? O may sakit Ang anak ko?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Okay na siya Hazel. May mga gamot na ibinigay Ang doctor." Sabi ni Laurence.
Jusko, salamat po.
Nang makarating kami sa bahay ni Laurence, ay agad akong bumaba sa kotse Niya. Pumasok kami sa loob at dinala Niya ako sa kwarto ni Alexis.
Nakita ko Naman Ang matandang kasambahay ni Laurence na pinapatahan si Alexis.
"A-Anak.." basag Ang boses Kong Sabi. Tinignan Niya Naman ako at nilahad Ang maliliit niyang kamay, na Parang sinabi Niya na kunin ko siya at kargahin. Agad ko Naman siya kinuha.
Ramdam ko Ang namumuong luha saking mga Mata. Miss na miss ko Alexis. Ilang araw Lang kaming di nagkita, pero pakiramdam ko ay ilang taon na.
"Shhh.. andito na si mama. " Sabi ko Kay Alexis. Nakita ko Naman na lumabas na Ang Yaya na kanina pinapatahan si Alexis. "Shhh.. andito na si Mama, anak." Sabi ko sa kanya.
Para Naman naintindihan Niya Ang mga sinabi ko, dahil tumingin Ito sakin. "Wag na umiyak ha? Wag na iiyak Ang baby ni Mama." Sabi ko sa kanya, huminto Naman siya sa pag iyak.
Tinignan ako ni Alexis, at nagulat ako Ng hawakan Niya Ang pisnge ko. Hindi ko na napigilan Ang umiyak. "Miss na miss ka ni Mama, anak." Sabi ko sa kanya habang hinahagkan siya sa kanyang matatabang pisnge. Tumawa Naman Ito, at napatawa na din ako. Gusto Niya Lang atang mag pa lambing sakin.
Pag kalipas Ng ilang minuto, pinatulog ko na siya. Tinitignan ko Naman si Alexis. Kita pa Rin Ang pamumula Ng kanyang pisnge at ilong, dahil sa kakaiyak kanina.
"You do know how to stop him from crying" napatingin ako Kay Laurence na kakapasok Lang sa kwarto ni Alexis.
Napangiti Naman ako, bago binalik Ang tingin ko Kay Alexis. "Pag umiiyak kasi siya ibig sabihin di siya komportable, ode Kaya may masakit sa kanya, pero kadalasan gusto Lang mag pa lambing." Natawa Naman ako sa sinabi ko. "Minsan pag ganitong oras, iiyak siya ng iiyak dahil gusto Niya tabi kaming matulog at ayaw Niya sa crib Niya." Kwento ko sa kanya. "Pero kadalasan talaga, gusto Niya Lang ng lambing Mula sakin. Gusto Lang talaga mag pa lambing.." Sabi ko.
"Kagaya ko?" Sabi ni Laurence.
"Oo, kagaya mo." Sabi ko. Narinig ko Naman Ang pag tawa Niya. Natigilan Naman ako.
Teka... Anung sinabi ko?
Ramdam ko Naman Ang pamumula ng pisnge ko.
Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
Loved (COMPLETED)
RomanceBat pa siya bumalik? Bat kailangan ko pa siyang makita? Hindi ko na siya kailangan. Hindi ko na siya Mahal. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]