Nilagay ko ang mga diaper at gatas ni Alexis sa baby bag niya. Nag lagay din ako ng extra na damit. Hindi ko kasi alam kung gaano ako katagal na mag hahanap ng trabaho. Baka gabihin din ako, kaya para maka sigurado ay, nag lagay na din ako ng mga damit niya doon."Pakabait ka kay Tita joana baby ha.." sabi ko sa kanya. Para naman naintindihan niya iyun dahil tumawa siya.
Kailangan ko ng mag hanap ng trabaho para anak ko, lumalaki na ito at hindi biro ang mga galastusin. Ayokong mag hirap si Alexis kaya naman gagawin ko ang lahat para mabigyan siya ng magandang buhay.
Nang maayos ko na lahat ng mga kailangan niya, kinuha ko na din siya mula sa kanyang crib. Sinigurado ko na naka lock ang pintuan ng aming apartment bago ako umalis. Sumakay na lamang kami ng trycicle papunta sa tinutuloyan ni Joana.
Nang makarating na kami doon, ay agad akong kumatok. Wala pang limang minuto ng bumukas ito.
"Good morning baby!" masigla niyang sabi sabay kuha sa anak ko sakin. Naka tube lamang ito at short.
"Okay lang ba talaga na iwanan ko si Alexis sayo?" nag aalalang tanong ko.
"Keysa naman hindi ka maka hanap ng trabaho nu!" saad neto.
"Salamat talaga Joana ha, di ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka." sabi ko.
"Aysows, nag drama ang bruha. Tumigil ka nga! Umalis kana sige na, ako na bahala sa baby mo" saad niya sabay kinuha ang bag ni Alexis.
Nag pasalamat ulit ako at umalis na. Kailangan ko talagang makahanap ng trabaho para kay Alexis. Pinapanalangin ko na sana bago matapos ang araw na ito ay makahanap agad ako ng trabaho.
Una akong pumunta sa isang company na sinabi sakin ni Joana, nag hahanap daw sila ng mga bagong empleyado. Sana matanggap nila ako, hanggang 2nd year college lang kasi ako. Tumigil ako sa pag aaral ng ma buntis ako. Anu kaya ang mangyayari kung sinabi ko na sa tatay ni Alexis na buntis ako?
"Tatawagan ka na lang namin" napabalik ako sa realidad ng nag salita ang parang isang masungit sekretarya. Nag pasalamat na lamang ako at umalis duon.
Ilang kompanya pa ang mga pinuntahan ko, at kahit iba ibang kompanya man ito, pero parehas lang naman ang mga sinasabi nila. Na tatawagan na lang daw nila ako.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam. Ayokong mawalan ng pag-asa, pero sino ba naman ang tatanggap ng isang katulad ko? Di hamak na mas tatanggapin pa nila yung mga fresh graduates keysa sakin na hindi man lang nakatapos.
Nag lalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep ng bigla nahanip ng mata ko ang isang bar, mas lalo akong napatigil ng nabasa ko na nag hahanap sila ng waitress.
Hindi na ako nag dalawang isip pa, agad akong pumasok dun at tinanong if san ako pwedeng mag apply. Tinuro naman ng isang nag ttrabaho dun ang opisina ng boss nila.
Hindi naman ito tulad ng ibang bar, maganda ito, classy, at sobrang laki. Ngayon lang ata ako naka kita ng bar na ganito. Kahit wala pang tao, at kahit nililinis pa lang ito, pero nakita ko na kung gaano ito kaganda.
Ininterview naman ako ng boss nila, kahit nakakabahan, hindi ko iyun pinahalata. Tanong ito ng tanong kaya sagot lang ako ng sagot. Hanggang sa ma kompormi siya at sinabing,
"Pwede ka ng mag simula bukas ng gabi." agad naman akong napa ngiti. Nag pasalamat ako at agad na umalis dun.
Para sa'yo to anak. Gagawin lahat ni mama para sayo...
BINABASA MO ANG
Loved (COMPLETED)
RomanceBat pa siya bumalik? Bat kailangan ko pa siyang makita? Hindi ko na siya kailangan. Hindi ko na siya Mahal. (RED HEART SERIES) [UNEDITED]