Chapter 22

617 18 0
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas, pero Hindi ko na ulit nakita si Laurence. Pag pumupunta ako sa bahay Niya, palagi siyang Wala. Sabi Naman ni Yaya Minda ay maagang umaalis so Laurence para mag trabaho. Minsan din triny kong hintayin siya para kausapin, pero Hindi ko din siya naantay.

Gusto Kong kausapin si Laurence. Na realize ko na Tama Naman Ang sinabi ni Dino sakin. Na lahat Naman ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan.

Anu Ang sasabihin ko Kay Laurence?

Hindi ko din Alam. Basta Ang Alam ko, gusto ko Lang siya makita't makausap.

Madami akong tanong, pero Hindi ko din Alam sa sarili ko Kung Kaya Kong itanong sa kanya yun nang harap harapan. Gusto ko din huminge ng pasensya dahil sa pag sampal ko sa kanya. At gusto ko din pakiusapan siya na wag Niya na ilayo si Alexis sakin.

Alam ko Naman na may kasalanan ko simula pa Lang, dahil mas pinili kong itago si Alexis sakanya. Kinuha ko Ang karapatan ni Laurence na maging isang ama sa anak namin. Kaya gusto ko din huminge ng patawad sakanya. After all, he deserve it. 

"Alam mo, tuwing nakikita kita Ang lalim lalim ng iniisip mo. Nakakahinga ka paba? Baka nalulunod kana sa mga iniisip mo." Napatingin Naman ako Kay Dino. Ngumiti na Lang ako sa kanya.

"Wala to." Sabi ko na Lang.

"Anung Wala? Lokohin mo na ang unggoy wag Lang ako" Sabi niya. Napatawa Naman ako.

"Unggoy talaga?" Natatawang tanong ko.

"Oo. Mukha Kang di naka Kain ng saging e." Sabi niya.

"Anu? Alam mo napaka random mo." Sabi ko sa kanya.

"Random random kapa diyan, pwede mo naman sabihing baliw." Sabi niya na napag patawa lalo sakin.

"Baliw ka nga" Saad ko dito. Tumawa din siya. Pagkalipas ng ilang sandali tumigil siya kakatawa, at tinignan Niya ako ng seryoso.

"Di pa rin ba kayo nag uusap?" Tanong Niya sakin. Nawala naman Ang ngiti sa mga labi ko, at saya sa na nararamdaman ko. Pinalitan Ito ng lungkot.

"Di ko pa rin siya nakikita e." Sabi ko na Lang bago iniwas Ang tingin.

"Magiging okay din Ang lahat. Tiwala Lang." Sabi niya sakin, napaangat naman ako ng tingin at nakita Kong nakangiti Ito sakin. Sinuklian ko din Naman Ang mga ngiti Niya. "Oh, wag Kang masyadong ngumiti. Baka di natin Alam nandito Lang Yung Laurence na Yun, at nakatingin pala sayo Mula sa malayo. Baka mag selos nanaman yun." Sabi niya sakin. Napatawa naaman ako.

"Alam mo, napaka drama mo ha. May scenario kapa talaga na naiisip." Sabi ko.

"Well, Hindi natin Alam. Baka Tama Naman talaga ako." He said.

"Ang daming Alam." Sabi ko na lang bago kinuha Ang orders ko. Hinatid ko na iyun sa mga customers.

"Hazel!" Napatingin Naman Kay Christy na papalapit sakin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Hinahanap ka ng manager natin." Sabi niya na ikinataka ko.

"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko Alam e. Basta pinapatawag ka Niya ngayon. Like ngayon na talaga." Sabi ni Cristy bago ako tinalikuran at bumalik na sa bar counter.

Nagtataka man, pinuntahan ko na Lang Ang manager namin. Kumatok ako sa opisina Niya.

"Pasok" Sabi niya.

Pumasok Naman ako. "Good evening sir, hinahanap niyo daw ako?" Tanong ko sa kanya.

Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon