Kabanata 1 Muling Pagkikita

180 12 0
                                    

Kabanata 1

"Ohhh my gosh, what an amazing! they are just falling like UFO in the movie."

Hindi na nakagalaw si Jasmine sa kanyang kinatatayuan dahil sa kaba. Naghihilamos siya ng kanyang mukha alas siyete ng umaga sa may labas ng tarangkahan ng Andrea Mansion. Balak kasi niyang dumiretso ng lakad papunta sa Grotto ni Mama Mary at linisin ang paligid nito. Akalain ba naman niyang may helicopter na paikot ikot. Lagpas lang halos sa pinakamataas na puno ng niyog ang taas ng lipad ng helicopter. Biglang may mga tumalon na mga Scout Ranger mula sa itaas. Sumirko lang sila sa ere at nakatayong lumapag sa lupa. Namimilog ang mga mata ni Jasmine sa kanyang nakita.

"May mga ganung klaseng kilos pala ang mga sundalo," ani ni Jasmine sa sarili.

Kamangha mangha ang bilis at husay nila sa pagbagsak sa lupa dahil sabay na nilang naitukod kaagad ang kanilang mga paa at sabay pang naitututok sa kaharap ang kanilang dalang mahabang high powered gun. Alerto ang kanilang mga mata sa pagmatyag sa buong paligid. Sila yong mga alagad ng batas na sanay na sa kabundukan. Halos sabay sabay ang mga kilos. At sabay din ang mga tunog na humahakbang ng kanilang mga combat shoes. May ilang minuto ding natulala si Jasmaine dahil sa pagkakabigla. Pero bigla niyang naalala na doon papunta ang batalyong mga sundalo sa di kalayuang bahay bandang pababa ng burol mula sa kanilang mansion kung saan naroon ang bunso niyang kapatid na inutusan niyang bumili ng sanitary napkin. Naubusan lang kasi sila noon ng necessary supplies. Kailangan niyang sumunod doon para kunin ang kanyang bunsong kapatid baka ma trauma sa takot sa itsura pa lang ng mga sundalo.

"Teka po sir," pag-aagaw pansin ni Jasmine sa isang sundalo na lumingon din sa kanya.

Sobra siyang nag-alala sa kanyang bunsong kapatid na naroon sa loob ng bahay. Kahit siya'y sobrang kinakabahan kailangan niya maglakas loob.

"Andyan po kasi ang bunso kong kapatid pwede po bang kunin ko lang siya o kaya tawagin ko muna para lumabas siya pagka narinig niya boses ko."

Tumango ang Captain officer, sa totoo lang nilakasan niya lang ang kanyang loob, takot ang naramdaman niya sa oras na yon. Kailangan niyang mailayo ang kapatid sa bahay na yon bago pa may mangyayaring pag-aatake ang mga sundalo.

"Men hold your fire," utos nito sa kanyang batalyong kawal.

"Shen, gang labas ka riyan andito ako sa labas, gang labas ka na!" Nanginginig na boses ni Jasmaine habang tinatawag ang bunsong kapatid. Lumabas naman ang kanyang sampung taong gulang na bunsong kapatid na babae walang man lang katakot takot. Palibhasa bata pa hindi niya alam pa bakit kailangang may sundalo sa paligid. Nakaagaw pansin din ang mukha ng kanilang Captain sa mga mata ni Jasmine. Para kasi itong familiar sa kanyang tingin.

"Jake ," nag-aalangan nitong sambit sa pangalan ng Captain. Nakangiti na rin ito sa kanya. Tila may bumalik sa alaala. Nawala naman ang kabog ng dibdib ng dalaga.

"Jasmine, ikaw na pala yan," ganting sabi ni Captain Jake. Hindi pa man nasagot ng dalaga ang sinasabi ni Jake. Sumabat naman ang makulit na si Shen.

"Manang bakit may mga sundalo," tanong ng nakakabatang kapatid. Manang kasi ang tawag sa nakakatandang kapatid sa munting sitio na yon. Na kung sa purong tagalog pa ay ate. Nakakatawa nga kung tutuusin dahil ang Manang sa tagalog ay para doon sa matatandang may edad na o kaya sa kasambahay.

"Kapatid mo," tanong ng napakaguwapong Captain Jake Montalbe. Naalala na naging kaklase niya ito noong elementarya.

"Oo bunso kong kapatid ang batang yan," mabilis na sagot ni Jasmine. Nakadapa na ang mga posisyon ng kanyang batalyong kawal. Bumaling sa kanya uli si Captain Jake ng tingin matapos pinaikot ang tingin sa paligid.

"May napansin ba kayong kakaibang tao noong mga nakaraang araw dito sa lugar niyo," tanong na nag-iimbestiga.

"Wala naman ah." Mabilis itong isinagot ni Jasmine dahil wala naman talagang kakaiba sa lugar nila noong mga nagdaang araw.

"Maliban lang noong mga nakaraang araw na may iilang helicopter din na mababa ang lipad paikot ikot doon sa may gawing paanan ng burol kung saan may mga nagmimina ng phosphate," salaysay niya kay Captain Jake.

"Doon sa bundok na yon". Matabil na dilang sagot din ni Shen.

Hindi ito kalayuan sa bahay na kanilang pinalilibutan. Dali daling tinakpan ng dalaga ang bibig ng bunso. Bagama't lagi niya itong sinasabihan na bawal sumabat ang bata sa usapan ng mga matatanda ngunit sadyang madaldal na bata si Shen. May kalayuan na yong bundok na itinuturo ng bunso niyang kapatid.

"Bakit naman sa palagay mo may paikot ikot na helicopter sa gawi na yon," balik tanong uli ng Captain Jake.

"Ang kwento kasi itong si Mang Castor ay natatakot sa nagdaang helicopter kumaripas ito ng takbo at pumasok pa siya sa may kuweba habang may pasan siyang mga pambungkal ng lupa. Marami na kasi silang nalikhang yungib dyan sa may gawing likod na paanan ng burol dahil nga sa pinagmiminahan nila yan ng phosphate." At dahil siguro nakita siya ng helicopter na 'yon binalikan siya nito umikot ikot na iyon at hinihintay siyang lumabas. Nasundan pa yon ng sumunod na araw. Hanggang sa kayo naman ngayon ang nandito," mahabang salaysay ni Jasmine.

"Taga saan ba 'yan si Mang Castor. Nag-iimbestigang pa ring dugtong ni Captain Jake.

"Diyan siya nakatira sa bahay na 'yan na pinalilibutan ng mga kawal mo. Walang kabang kwento ni Jasmine.

Isa lang din naman kasing ordinaryong taong mahirap si Mang Castor na nagmimina ng phosphate para kumita. Ibinibilad nila ito sa araw at binabayaran naman ng may-ari ng lupa sa kanila bawat sako. Si Mang Castor na rin ang kanilang katiwala na nag-aalaga ng kanilang mga kabayo sa nasa kuwadra sa likurang baba ng burol malapit rin sa minahan. Naipaliwanag naman ni Jasmine ng maayos ang katotohanan tungkol kay Mang Castor. Nasa pagitan na ng lupa nila at lupa ng may- ari ng pinagmiminahan ng phosphate ang kanilang kuwadra ng kabayo. Dahil sa mabait at mapagkatiwalaan naman si Mang Castor sa kanya na pinagkakatiwala ng kanyang Tita Andrea ang pangangalaga sa mga kabayo. Patuloy lang sa pagmamasid sa paligid ang mga nakadapang batalyong na mga sundalong kasamahan ni Jake.



Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon