Kabanata 5 Kubo

79 8 2
                                    

Kabanata 5

"Mang Castor good morning po! magiliw na bati ni Jasmine sa katiwala. Ilalabas ko lang sa kuwadra si Pegasus."

"Sige po maam."

Pumasok na sa kuwadra si Jasmine at sinakyan si Pegasus palabas.

"Hah!"

Sunod-sunod na ang palo ni Jasmine sa puwitan ni Pegasus. Doon niya gustong makarating sa talampas. Makapag unwind siyang mag-isa at titingnan niya kung may maisusulat siya para sa susunod na mga yugto ng kanyang sinusulat na romance book. Sanay na siyang dumaan si gilid ng tubuhan papuntang talampas kaya doon niya pinadaan si Pegasus.

"Huh! putok ng baril, hindi naman gaanong malakas."

Inisip niya baka malayo yon kaya mahina na sa kanyang pandinig. Kararating lang niya na sa tuktok ng talampas Pinakiramdaman niyang mabuti ang kasunod pang putok kung meron man habang itinali niya si Pegasus sa malaking puno ng Banaba. Wala na itong kasunod kaya ipinanatag na ng dalaga ang sarili baka kung saan nga lang malayo ito nanggaling. Mag-aala siyete pa lang ng umaga kaya masarap pang magbilad sa araw. Ipinatong niya sa malapad na bato ang kanyang dalang laptop. Napakagandang patungan ang tila parang mesang buhay na bato sa ilalim ng puno ng Banaba. Dito siya madalas umupo pagka siya nagagawi sa talampas. Tahimik na siyang nagta type sa kanyang laptop habang nag iisip ng maidudugtong sa kanyang kwentong sinusulat.
Hindi niya na namalayan ang oras. Tanghali na pala lumayo na sa kanya ang lilim ng punong Banaba kaya napilitan itong tumayo para lumipat ng pwesto. Lumipat siya sa mismong malapit sa katawan ng Punong Banaba para mas malilim. Napansin niyang panay ang angil ni Pegasus hindi ito mapalagay sa kinatatayuan. Nilingon niya ang paligid wala namang tao itinuon uli ni Jasmine ang isip sa kanyang isinusulat. Ayaw niyang huminto hangga't marami siyang naiisip na idudugtong pa sa kanyang sinusulat. Nang may naramdaman siyang kamay na humawak sa kanyang balikat.

Huh! Ohh shit! you scared me to death."

Sabay sapo ni Jasmine sa kanyang dibdib. Halos mahulog  kasi ang kanyang puso sa gulat.

"Oh my! Jake will you  please don't that again," inis na salita ni Jasmine.

"Sorry, Jasmine hindi ko akalain ganun katindi ang pagkakagulat mo."

May dala itong tatlong rosas na pula. Kahit nainis siya nagawa niya  pa ring pakitunguhan ng maayos si Jake.

"Naku kung hindi ka lang talaga guwapo eh!"

Dinaan na lang ni Jasmine sa biro ang kanyang pagkakainis.

"Sorry na,"  malambing na boses ng binata.

"Okay na."  Sabay kuha ni Jasmine sa mga rosas na nasa kamay ng binata. Hindi niya mahintay na ibigay sa kanya.

"Siguro naman ay para sa akin yan. May tanim ka bang rosas dahil lagi kang may dalang ganito sa akin?" nagbibirong sabi ng dalaga.

"Tanim ng may tanim 'yan pinitas ko lang," nagbibirong sagot ni Jake.

"Ay hala siya!" kanino g tanim naman."

Pinabili ko pa sa bayan yan kaninang umaga pa," bawing sabi ng binata.

"Umayos ka." natatawang sagot ni Jasmine.

Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon