Kabanata 19
Naiinip sa paghihintay ng araw si Jasmine kung maari lang sana na hilain ito para bumilis ang takbo ng maghapon. Dati rati mas gusto niya muna magtagal ang bakasyon sa Hacienda. Para bang may kakaiba siyang kutob at hindi maintindihan kung ano yong gusto niyang malaman. Hinintay niya ang araw ng tawag ng kinuha niyang private detective para malaman kung ano ang kanyang kailangang matuklasan sa pagpa imbestiga doon sa lalaking naka big bike motor.
"Miss Jane, pakitago na lang muna sa drawer ang envelope na yan ng safe."
Mahigpit na bilin nito sa sekretarya habang kausap niya ito sa phone.
"Yes ma'am."
Nagpaalam na si Miss Jane matapos ang sandaling na ang importanteng sasabihin sa amo. Dalawang linggo pa ang flight booking nila pabalik ng Manila.
"Mom, babalik na ba tayong Manila?" tanong ni Byorn. Nakarinig pala ito sa usapan.
"Dito muna tayo please!" dugtong pa ng bata.. Nagustuhan nito ang bakasyon sa Hacienda.
"Yes baby, dito muna tayo," sagot ni Jasmine sa anak.
"Mom, di ba you promise na magdadagat tayo," paalalang sabi ni Byorn.
"Ay! oo nga pala anak. Sorry nakalimutan ng mommy eh."
Mabilis na gumayak si Jasmine para sila ay makakapagdagat. Nakahanda na rin si Carlo nang ito ay silipin sa kanyang kuwarto.
"Tara na!" yaya nito sa binata.
"Tito Carlo, let's go," masayang bungad ni Byorn.
Nakangiti na lang si Carlo sa bata. Siya kasi ang kinukulit ni Byorn maaga pa lang sa pagpuntang dagat. Kaya pinaalala niya kay Jasmine ay ipingako sa bata.
"Okay baby, I'm ready. Para na nga talagang mag-ama ang turingan ng dalawa.
Magaling lumangoy si Carlo kaya lalong nag-enjoy si Byorn sa dagat. Hindi nito iniinda ang talim na sikat ng araw.
"Mom, halika ka na."
Hinahatak nito ang kaliwang kamay ng ina para lumusong sa tubig. Hindi mahilig sa pagbabad tubig alat si Jasmine kaya sandaling lumusong, umahon na rin. Sa cottage lang siya nagpaalipas ng maghapon. Samantalang si Byorn at Carlo ay namumula na sa tubig alat at sa mataas na sikat ng araw. Napagod sa sobrang pagbabad sa tubig dagat si Carlo at Byorn.
Pakiramdam ni Jasmine habang tumatagal ang kanilang bakasyon bumabalik sa alaala si Jake bawat lingon niya sa paligid. Ang masakit nitong pagkawala ang hindi niya pa rin gaanong lubos na matanggap. Nasa Grotto siya ni Mama Mary kung saan madalas nilang dalawang nililinis noon. Naaalala niya pa si Jake noong una niyang nakilala. Nasa tabi siya ng kalsada.
"Hoy bata bata! di ba sa inyo ang malawak na tubuhan na yan."
"Bakit naman kung sa amin yan?" masungit niyang sagot.
Takam kasi si Jake noon sa tubo palibhasa wala sa kanilang pinanggalingang lugar.
"Kasi gusto ko humingi eh!" mabilis nitong sagot.
"Tawagin mo muna ako sa pangalan ko," pilyang sabi ni Jasmine.
"Eh ano naman pangalan mo," makulit na tanong ni Jake.
"Alamin mo muna," utos nito.
Kaya napilitan si Jake magtanong doon sa guard house sakay sa kanyang bisekleta. Napapangiti si Jasmine noon sa una nilang pagkakilala. Hangga't sa pinayagan nga sila ng ronda ng tubuhan. Magpangos nga raw sila ng tubo kaso ang bilin sa kanila ay pumasok sa bandang loob ng tubuhan. Takot si Jake noon baka daw may mga daga. Pero mas masaklap pala kasi ahas ang kanilang nakita kaya hinimatay pa si Jake sa sobrang takot. Noong una pinagtawanan lang niya dahil gumapang din naman ang ahas papalayo natakot din sa kanila. Akala niya'y nagloloko lang si Jake Nataranta na din siya nang makitang namutla na ito sa takot.
"Mukhang matapang ka naman takot na takot ka pala sa ahas". Habang itinatayo ito ni Jasmine.
"Okay ka na ba, gagawi pa ba tayo roon? Umiling na si Jake.Kaya doon na sila umupo at pumutol ng tubo.
Seryosong pinagmamasdan ni Carlo si Jasmine sa cottage. Hindi siya nito napansin na umahon sa tubig karga si Byorn. Nakangiti pa ito habang nakatanaw sa mga naghahabulang alon. Alam na niyang si Jake ang laman ng isipan nito. Nakaramdam na siya ng inggit kay Jake dahil kahit ano ang kanyang gawin hindi makita ni Jasmine ang pag-ibig niyang hangad na kasing tapat at dalisay din naman sana sa pag-ibig ng dating asawa.
"Uuwi na ba tayo, lulubog na kasi ang araw?
"O! ikaw pala yan? Nabigla pa si Jasmine sa kanyang tanong.
"Sige uwi na tayo kung ayaw niyo na maligo.
"Eh di uuwi na nga tayo. Sang-ayon nito kay Carlo.
"Mom, dito na tayo titira? Biglang hiling ni Byorn. Nasiyahan nga siguro ito sa bakasyon. Nasa sasakyan na sila pauwi ng mansion. "Hind anak uuwi pa tayong Manila", Nangiti siya sa sinabi ng anak. Nakahalata siyang maka kalikasan din ang anak parang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/191180667-288-k264479.jpg)
BINABASA MO ANG
Love and Combat ( Completed )
ActionSa isang matamis na ngiti na may tila bang kakaibang kaba itong dulot kay Jasmine. Sa isang sundalo niya ito naramdaman. Ang sundalong matagal na rin silang hindi nagkita. Naging bahagi din ng kanyang kabataan si Jake ang namumunong sundalong biglan...