Kabanata 21 Habulan

69 4 0
                                        

Kabanata 21

Dahil madulas ang kalsada pilit pang ibinabalanse ni Jasmine ang pagmamaneho ngunit huli na sumampa na siya sa gater. Natumba na nga ang kanyang sinasakyang motorsiklo. Nasaktan man balewala sa kanya. Hindi bale masunod lang ang kanyang plano. Kahit hindi pa gaanong marunong si Jasmine sa motorsiklo pilit niyang patakbuhin ito. Ilang araw lang din ang kanyang pagsasanay at deteminasyon mabilis siyang natuto kahit papano. Dahil na rin siguro marunong siyang mangabayo madali lang sa kanya ang balanse.

"Jasmine," nag-alalang boses ng lalaki.

Matapos siya tanggalan ng helmet. Sigurado na siya sa pagkakataong ito Si Jake na ang nagsasalita. Siya ang unang sumaklolo. Sadyain niya talaga sana ang simpleng matumba sa pagkakataong makadikit na siya sa hinahabol niyang motorsiklo. Ang hindi niya akalain na medyo naging malala ng konti kaysa inaasahan niyang planong mangyari.

Wang! Wang! Wang! Dumating naman kaagad ang ambulansya Narinig niya na ang malakas nitong bosena. Pinipilit ni Jasmine ang hindi tuluyan mawalan ng ulirat. Pero nandilim ang kanyang paningin. Naisakay na nga siya sa ambulansya upang madalsa sa ospital.

Unti-unti niyang idinilat ang mga mata. Nasa loob na nga siya ng emergency. Naroon si Jake nakatayo sa pinto. Ayaw niyang magpahalatang gising na siya. Lumapit ang doktor ang kanyang hinihigaang kama.

"May kasama ba ito?"

Merong kasama yan doc." mabilis na sagot ng nurse.

"Okay naman lahat ng X-ray niya wala siyang tinamong fructure sa buto. Tanging bruises lang siguro. Hintayin lang natin ang resulta ng kanyang CitiScan Radiology. Pero I'm sure na wala din naman sa head part dahil nga sa imbestigasyon naka intact ang helmet niyang suot. Kaya no worry po, in any time pwede na siyang iuwi. Hinatayin na lang siyang magising at sa OPD na lang ang kanyang follow check up. Mahinang paliwanag ng doktor kay Jake.

Nagpaalam na rin ang doktor at umalis. Dinig ni Jasmaine ang mga sinabi ng doktor. Ang hinihintay na lang niya ay pagkakataon para sa kanila ni Jake kaya kailangang magpanggap muna siyang tulog.

"Jasmine, natakot ako ng husto." Nakahawak na ito sa kamay ng asawa. Buong suyo niyang hinahaplos ang noo.

"Jake siguro kailangan mong mag-alala kung may pakialam ka pa sa akin."

May tonong panunumbat na salita ni Jasmaine. Nagulat si Jake dahil sa pag-aakalang tulog pa ang kanyang kinakausap.

"Hindi ako tulog kanina pa akong nakikinig. At plano ko ang lahat ng ito. Mas mabuti na rin siguro ang humantong ako dito sa ospital dahil nakita ko pala ang reaksyon mo. Kaysa doon sa original kong plano na matumba lang sa harap mo."

Minsan na kasi siyang gumawa ng paraan. Hinabol niya hanggang palabas ang isang naka motorsiklo pumasok din sa kanilang subdivision. Pinaharang niya pa ito sa guwardiya.
Pero laking kahihiyan niya ang nangyari dahil hindi naman pala si Jake. Napagtanto niyang hindi niya pwedeng habulin basta bsta na lang ang lahat ng dumaang katulad sa tindig at helmet ni Jake.

"Jake please I deserve an explaination."

Hindi na mapigil ni Jasmine ang umiyak. Kahit pinipilit niyang mag matigas.

"All these years, I mourned so much. Hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala mo pero ayan buhay ka pala. Bakit kailangang magtiis ako nang ilang taon?" Tuluyan ng humagulgol ng iyak si Jasmine.

Love and Combat ( Completed ) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon