Kabanata 20 Detective Samson

63 4 0
                                    

Kabanata 20

"Good morning Ma'am," bati ng mga empleyado.

"Good morning din sa inyo," ganting bati niya sa mga ito na nasa hallway.

Diretsong naglakad si Jasmine papunta sa kanyang opisina. Hindi na niya gaanong napansin pa ang iba niyang empleyado na parang may gusto pang sasabihin. Dahil nagmadali na siyang makita ang mga papel na resulta ng lihim niyang pag pa imbestiga.

Maayos kung makitungo sa mga tauhan si Jasmine. Kahit ba siya ay amo ayaw na ayaw niya itong iparamdam sa kanyang mga empleyado. Masayahin siyang nakikitungo sa mga taong nagsisilbi ng maayos sa kanyang kumpanya.

"Yes detective nandito na ako sa opisina."

Huling nabanggit ni Jasmine bago ibinaba ang phone. Kausap nito ang detective gumawa ng imbestigasyon . Inanyayahan niya itong pumunta sa kanyang opisina. Hawak niya na ang mga sobre. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit lalo pang kumabog ang kanyang dibdib habang binubuksan ang sobre. Alam niyang mga larawan ang nasa loob. Bago niya ito binuksan tinitigan niya muna ito ng maigi at kinapa kung ano nga ang maaring laman.

Lalo siyang nagulat nang tumabad sa kanyang paningin ang larawan ni Jake. Siya yong lalaking nasa larawan. Siya ang lalaking ilang beses na inabutang nakaparada sa gilid ng kanilang pader na nakatanaw sa lawn area kung saan parating naglalaro si Byorn.

"Bakit kailangan niyang magtago sa loob ng helmet."

Katanungang hindi masagot ni Jasmine sa sarili. Ano kaya ang ibig sabihin ni Jake sa kanyang mga ikinikilos. Hindi niya maintindihan ang kanyang naramdaman. Sobrang saya at nagagalit. Sobrang saya dahil buhay ang kanyang asawa. Nagagalit dahil ayaw magpakita sa kanya.

"Sige tuloy kayo," utos ni Jasmine sa kumakatok ng pinto.

Itinago niya ang larawang hawak dahil ang akala niya si Carlo ang kumakatok. Ayaw niya itong makita ng binata. Hindi pa siya handang sabihin at pag-usapan kung sino nga nasa larawan. Ngunit ang detective a 'yong iniluwa sa bumukang pinto.

"Good morning," bating sabi niya kay detective Samson.

Ang detective pala ang dumating ang kanyang inaasahang bisita. Nais nitong alamin kung nakita na ba niya ang envelop.

"So nakita mo na pala ang mga larawan?"

Tinutukoy ng detective ang mga larawang nakapaloob sa sobre. Tumango si Jasmine na tila hindi pa rin masabi sa detective

"All these years hindi ko akalaing buhay pa siya detective," nag-uumpisang kwento ni Jasmaine. "Siya ang sundalo kung asawa na ibinalita sa aking namatay na sa labanan. Hinanap ko pa siya sa Mindanao. Nag-uumpisa ng bumagsak ang dalawang malaking butil ng luha sa kanyang mga mata.

"Ma'am ayusin niyo na ang dapat ayusin. May dahilan siguro siya kung bakit ayaw niyang magpakita ng mukha."

Ilang linya ng mga payo ang narinig ni Jasmine mula sa detective na maigi rin niyang pinakikinggan.

"Ma'am may ipapagawa pa po ba kayo sa akin."

Pinahid na niya ang luha at sinagot ang detective. Naiintindihan niyang may marami pa itong aasikasuhin. Iniabot niya ang huling kabayaran sa serbisyo nito.

"Tatawagan ko na lang po uli kayo detective."

Magdamag na hindi nakatulog sa kakaisip si Jasmine. Itinatanong sa sarili kung kailan pa ba kaya nag-umpisang nagmanman sakanynag buhay ang asawang si Jake. At kung ano na ang pumasok sa isip ng asawa dahil sa kasama niya lagi si Carlo. Pinag-iisipan niya na rin kung paano niya maaring tanggalan ng helmet ang asawang.

"Manang Soleng napansin mo pa ba nitong mga huling araw ang lalaking sinasabi ko sa iyo dyan sa labas?"

Maagang nagpunta sa kusina si Jasmaine. Nagluluto naman ng almusal si Manang Soleng.

"Noong nasa bakasyon kayo ni Byorn napapansin ko na siya pero itong mga huling araw hindi na."

Naging mapagmasid na rin ito sa labas dahil sa bilin ni Jasmine. Panay ang check din ni Manang Soleng sa CCTv.

"Tingnan mo sa ating CcTv," mungkahing sabi ng matanda.

"Ay oo nga, bakit nga ba hindi ko naalalang gawin."

Ito ang gagawin ni Jasmine pagkatapos nilang mag-almusal. I re- review niya ang Cctv footage.

"Mom," boses ni Byorn na bagong gising. Iniwanan niyang tulog pa sa kama ang anak. Nawalan na ng kaba para sa anak si Jasmine dahil alam niya ng hindi masamang tao ang umaaligid sa kanila. Masaya niya itong hinahagkan na tila ba nabunutan siya ng tinik. Alam niyang makakatulog na siya ng mahimbing. Magiging panatag na rin ang kanyang kalooban habang siya ay nasa opisina. Tanging nasa kanyang isip ang makagawa ng paraan paano niya mabisto si Jake sa kanyang ginagawa.



Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon