Kabanata 2 Simula ng Pag-ibig

140 11 0
                                    

Kabanata 2

Iba na ang may-ari sa lupang pinagminiminahan ng phosphate na tinutukoy ni Jasmine. Kilalang kilala nila ang mga taong nagmimina ng phosphate sa may likurang babang bahagi na kanilang burol. Malapit sa kalooban nila ng kanyang madrasta ang mga taong nakatira doon. Madalas din si Jasmine naglalaro doon noong siya ay bata pa nang padulas dulas mula sa kanilang burol padausdos hanggang doon sa baba ng may pinagmiminahang phosphate sakay siya sa laruang isang buong tuyong tangkay na dahon ng niyog "Padidit" kung tawagin.

"Marami ba sila," tanong kay Shen Sadyang nilambingan na ni Captain Jake ang pagtatanong sa bata para ito ay makasagot pa at hindi matakot. "Isa lang po," bibong sagot naman ng bata. Nakangiti na si Captain Jake nakumpirma siguro na mali ang kanilang natanggap na impormasyon na baka doon nagtago ang kanilang hinahanap.

"Bakit ka naman nakarating sa kabilang tuktok ng bundok na 'yon?"

"Eh kasi po sinundan ko ang ibong pipit lumipad papunta roon. Nais ko lang siyang mahuli at paglaruan.

"Sige sa susunod ha 'wag ka ng magpunta roon."

"Sanay si Shen sa buhay nila sa burol kahit na mayaman sila nakakagala ng malaya sa baba ng burol maging sa paanan ng bundok.

Iyon na ang muling pagkikita nila Jake at Jasmine mula noong sila'y elementarya. Mahigpit silang magkalaban noon ni Jake sa first honor award taon taon sa mababang paaralan ng Brgy. Kawayan. Napakatalino din ni Jake kung kaya nahihirapan si Jasmine sa pakikipag agawan sa kanya sa first honor place award. Ganun pa man magkaibigan sila kung magturingan. Matapang na mula pa noong kanilang kabataan si Jake . Kaya hindi nakapagtataka kung ito ay naging sundalo.

Inaasam asam na ni Jasmine ang tumawag si Jake sa kanya. Naghintay na siya ng ilang araw na lumipas. Pero hindi pa rin ito napatawag mula noong sila'y huling nagkita. Kinuha naman sana ang numero ng kanyang phone. Kakaiba na ang dating sa kanya ng binata. Kung noon sila ay bata pa, kaibigan lang ang tingin niya. Hindi niya makalimutan ang matamis nitong ngiti at tila ba may iba siyang kabang naramdaman para sa binata.

Maaga pang nagigising si Jasmine, sa pagtilaok pa lang ng manok bumababa na siya at binubuksan ang generator para sa water pump ng tubig. Ito ang kanyang gawain noong siya'y nakapirmi pang nakatira sa mansion. Binabalikan niya itong gawin gaya lang din ng dati. Kahit pa man may mga katulong sila nasanay siyang gumigising ng maaga at kaagad ginagawa ang kanyang obligasyong gawaing bahay. Mahirap ang tubig sa mansion nila kaya may sarili silang water pump na nag-aahon ng tubig mula sa paanan ng burol paakyat . Doon nanggaling ang tubig sa bukal na pwedeng gawing pang inumin at kanilang nagagamit sa iba pang pangangailangan. Pinangangalaagan ng kanyang pamilya ang kalinisan ng tubig, pinapagawan ng kanyang ama ng tangke ang bukal para magamit ng buong sambayanan.

Maya't maya niyang tinitingnan ang kanyang phone baka sakaling maalala at tawagan siya ni Jake. Ilang araw na din mula noong hindi sinasadyang nagkaroon ito ng operasyon sa kanilang burol at nagkita sila. Palagay naman ang loob niya sa lugar nila. Tahimik at napakagandang mag relax sa ilalim ng mga puno. May kalakihan ang mansion ng kanyang stepmother. Dito na siya tumira at lumaki mula noong mamatay ang kanyang ina. Anak sa labas ng isang politiko si Jasmine na itinatago sa lahat. Pangalawang babae ng kanyang amang gobernador. Ang kanyang stepmother ay pangatlong babae na pero ito ang una at totoong minahal ng kanyang amang gobernador. Mabait at mapagmahal ang kanyang stepmother kaya dito na siya pinatira ng kanyang ama para mapangalagaan. Hanggang sa siya'y lumaki hindi niya na rin nakakalimutan ang lugar na kanyang kinalakihan. Kahit napakasimpleng lugar ito pero masaya para sa dalaga dahil malapit sa kalikasan.

Ilang araw pa lang naman siyang naroon uli para magbakasyon. Isang magaling na writer si Jasmine. Noong makita ng kanyang amang gobernador ang kanyang interest at pagmamahal sa pagsusulat ipinagpatayo siya nito ng kanyang sariling Publication Company. Kaya siya ang Ceo ng J&S Publishing House. Doon na ginugugol ni Jasmine ang kanyang panahon para mapalago ng husto ang kompanya. Hindi naman ito nabigo napakaganda ang sales noon ng publishing, lalo pa't hindi pa naman nauuso noon ang reading books online. Maganda pa rin naman ang status ng kompanya hanggang sa kasalukuyan kaya nitong nakikipagsabayan sa pagpublish ng books kahit katapat na ang online reading.

Katatapos lang ni Jasmine na magkape. Tila napakaganda ng kanyang araw kaya naisipan niyang magsulat ng kwento. Marami na siyang naisusulat na hinahagaan naman ng kanyang mga readers.



Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon