Kabanata 7 Talampas

62 6 2
                                    

Kabanata 7

Matuling lumipas ang maraming taon. Nasa Andrea mansion uli silang magkapatid.

"This is your special day Shen. Your very extravagant birthday party ever gang, please cheer up and smile," malungkot na sabi ni Jasmine.

Debut Party ni Shen napakalungkot pa ring maalala ang nangyari noon sa kanilang buhay. Kasabay din sana ang birthday ni Tita Andrea na anim na taon na ring namayapa. Noong gabi sa kasiyahan ng kanyang kaarawan anim na taon ang nakaraan nangyari ang naging trahedya sa kanilang buhay.

Sa Andrea Mansion gusto ni Jasmine idaos ang debut party ni Shen sa pagbaba baka sakaling bumalik sa dati ang kapatid pagka makita niya ang paligid. Maraming paraan ng ginawa ang dalaga para lang gumaling si Shen. Ngunit nanatili itong hindi na nagsalita na animo'y nagmistulang pipi. Alam niyang naiintindihan naman siya pero ayaw lang talagang magsalita.

Naaalala niya ang Tita Andrea at kanyang Daddy: "Jasmine hanapin mo ang iyong kapatid.

Duguan at nag-aagaw buhay na sambit ng kanyang madrasta. Ilang segundo lang ay binawian na rin ito ng buhay. Napahagulgol na malakas si Jasmine sa pag-iyak niyakap ang babaeng para na niyang ina at nagpalaki sa kanya. Hindi malaman kung ano ang kanya pang magagawa. Yumakap siya sa madrasta ng mahigpit.

"Tita, dont leave us please hold on. Dadalhin kita sa ospital." Pero wala na wala ng buhay ang kanyang Tita Andrea. Matinding hinagpis ang kanyang nadarama. Nang bigla niya ring naalala ang bunsong kapatid.

"Shen, nasaan ka hindi niya pa mahanap ang kapatid hatak hatak ng mga bandido ang kanyang amang gobernador na ginawang hostage. "Da..d!"...malakas na pagkakasigaw sana ni Jasmine ngunit galing sa isang gilid na sulok biglang may tumakip sa kanyang bibig para hindi na siya makalikha ng ingay pa. Sa kanyang paglingon nakita niya na ang kanyang kasintahan na si Jake.

Pssst! Tanging senyas ni Jake sa kanya upang tumahimik.

"Jake, iligtas mo ang Daddy ko," nangangatog na sambit ni Jasmine.

"Jasmine, ang iyong kapatid.

Marahil may sasabihin pa sana ang gobernador. Pero tinakpan ng bandido ang bibig nito. Nakapalibot na ang mga kasamahang sundalo para sa responde sa kanila. Pati ang mg escorts na na private guards nito. Pareho parehos silang walang nagawa. Hindi makagawa ng hakbang dahil hawak ang gobernador sa leeg. Panay ang atras ng bandido hanggat sa nawalan ito ng balanse dahil sa hakbang na nakatalikod. Nang matumba sila pati na ang gobernador. Agad nagpaputok ang mga sundalo. Nabaril nila ang bandido ngunit sa kasamaang palad . Tinamaan din ang gobernador.

"Hanapin mo si Shen, at sikapin mong makapagtago kayo sa ligtas na lugar." Utos sa kanya ni Jake.

"Sige na Jasmine kumilos ka na gumapang ka at alalayan ko ang pagapang mo.

"Gumapang nga si Jasmine papalayo, sumigaw ang isang bandido kaya lumingon pa si Jasmine. Kanyang nakita ang pgkabaril ng kanyang Daddy. Malinaw sa kanyang nakita si Jake ang nakatama sa Daddy niya.

"Daddy!"

Umiyak na sumusubsob si Jasmine sa kanyang pagkakadapa. Naaalala niyang hanapin si Shen, kailangan nang magtago silang magkapatid. Wala na siyang magawa para sa Daddy niya. Kailangan niyang magtago kasama si Shen. At sa kanyang pagapang patungo sa kuwarto ng kapatid nakita na rin niya ang kapatid na unti unting humahandusay at may tama na rin sa braso. Alam niyang daplis lang ang tama ni Shen. Pero dahil sa takot nito sa dugo hinihimatay na kaagad ito. Sinikap ni Jasmine na hindi mataranta. Kailangan niya ang kanyang mga natitirang katatagan para sa bunsong kapatid. Lalong pang kailangan ni Shen ang higit na magpakatapang siya para pare pareho silang makaligtas sa tiyak na kamatayan. Binuhat niya ng mabilis ang walang malay na kapatid patungong hagdan pababa. Patuloy ang alingawngaw ng putukan sa paligid.  Naalala ni Jasmine may underground basement ang mansion kailangan niyang madala muna si Shen doon at talian ang braso nito para kahit papano bumagal ang pag-agos ng dugo. Napahagulgol na naman siyang naalala ang kanyang Daddy at Tita Andrea. Paano na sila ni Jake?

"Bakit Jake, bakit mo nagawa sa daddy ko,"  paos na siya sa kaiiyak.

Ipinapangako niya sa sarili na magbayad ang bandido at lalo na si Jake. May kalahating oras ng nagtago sila Jasmine sa underground basement. Naisipan nitong sumilip at makiramdam sa labas. Tahimik na at wala na rin ang mg bandido. May mga dumating pang karagdagang sundalo pa sa mansion. Daling daling bumalik sa loob si Jasmine at binuhat ang nahihilo pa ring kapatid nito. May sekretong daan ito papuntang kuwadra dapat niyang dalhin si Shen sa klinika ng bayan. Ayaw niya ng humingi pa ng tulong kay Jake. Pinag-iisipan niya kung dapat pa ba siyang magtiwala dito. Ayon sa kanya kasing nakita tinamaan ni Jake ang kanyang daddy sanhi ng pagkamatay din nito. Napakasakit sa kanya ang masaksihan ang pangyayaring iyon dahil si Jake pa ang nakabaril sa kanyang ama. Kaya mas nanaisin niyang kalimutan ang kanyang pag-ibig sa binta at wag na itong makita pa sa kanyang buong buhay.

"Daplis lang iha ang tama ni Shen," paliwanag na rin ng doctor.

Pero inererekomenda nitong patingnan sa psychiatrist si Shen para sa trauma nito. Mula din ng mga sandaling iyon hindi na nagsasalita si Shen. Para na itong walang pakialam sa nangyayari sa paligid. At ang isang pinaghihinalaan niya na dahilan sa nangyari sa kapatid ay ang pagkabaril ni Jake sa kanilang ama. Lubhang nalulungkot naman siya sa sinapit ng kapatid. Kailangan niya itong alagaang mabuti hanggat sa maibalik sa dati si Shen. Dadalhin niya sa kahit saan mang dalubhasa ito para lang gumaling. Sa pinsang si Alfred ang pag-asikaso sa burol ng kanyang Tita Andrea. Siguro maintindihan ng kanyang Tita namayapa ang kanyang desisyong lumayo kasama si Shen. Alam niya na ang bangkay ng kanyang Daddy ay kukunin din ng bruhang asawa. Hindi niya dapat alalahanin pa. Si Shen higit na nangailangan sa kanya.

"Sa Manila ka na magpagaling." Bulong niya sa kapatid habang natutulog.

Gustong-gusto ni Shen ang buhay sa mansion pero dahil sa kalagayan nito mapipilitan siyang iluwas ng Manila ang kapatid para maihanap ng magaling ng doktor.







Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon