Kabanata 9

57 5 0
                                        

Kabanata 9

"Ma'am," boses ng anak ng kasambahay.

Marahang nagtulak ng pinto. Pumasok na ito sa loob. Hindi niya kasi ito napnsin na nakailang ulit na silang tawagin.

"Ikaw pala iyan," nagulat pang sabi ni Jasmine.

Nasa kanyang likod na kasi si Jen. Dalagitang anak ng kanilang dakilang si Manang Lucing.
Masyadong naging mahaba ang pagbabalik-tanaw niya sa mga kahapong nagdaan. Mula sa hindi makalimutang gabi hanggang sa mga kasalukuyang sandali ng kanilang buhay.

"Lumabas na daw po kayo ni Shen. Nakahanda na ang lahat."

"Okay. Let's go out Shen."

Maaga pa ang gabi mag-umpisa na ang kasiyahan ng debut party para kay Shen. Napakaganda niya sa suot niyang gown na gawa pa ng kilalang modista. Royal Blue Long Gown with delicate sparkling beadings design. The cut is fully lined, to the bones in the bodice, chest and waist. Shen looks so glamorous for the night. May ngiti sa mukha ni Shen na waring alam naman niya ang pagdiriwang na para sa kanya. Ang tanging nabago kay Shen mula noong ito na therapy ay nag re response na ang kanyang mga paningin sa mga kausap. Kung dati rati ay nakatingin lang ito sa isang direksyion habang kinakausap na tila ba walang naririnig hindi na ganun, tumititig na ito sa kausap pero nanatiling hindi pa rin nagsasalita.

Ikinagagalak ni Jasmine ang konting nakikitang pagbabago ng kapatid dahil umaasa siyang malapit na itong bumalik sa dati. Naging masaya ang gabi para kay Shen at sa mga trabahador ng Hacienda Andrea. Maingat na nagbubukas ng regalo si Shen sa kanyang magiging souvenir na pictures. Mukhang masaya ito sa natanggap na mga regalo. Kumulay ang gabi para sa lahat ng mga trabahador ang makitang napangiti si Shen. Dito na ipinanganak, lumaki at nagdalaga. Malapit sa kanila ito dahil yon ang gusto ng kanilang Ma'am Andrea. Kaya lahat din sa Hacienda nalungkot sa sinapit nitong trauma. Malalim na ang gabi ng matapos ang kasiyahan. Mahimbing ng nakatulog si Shen samantalang abala pa sa pag-asikaso ng mga kailangang ligpitin si Jasmine.


May palitan ng putok ng baril na naririnig sa di kalayuan ng Andrea Mansion. Naalala ni Jasmine sila Ka Digna. Araw pa lang marami ng sasakyang Reo ang dumaan lulan nito ang mga Cafgu Army.

"Sana ay hindi nila naiisipan pumarito," bulong ni Jasmine sa sarili.

Mabilis siyang tumakbo sa may babaang bahagi ng Andrea Mansion upang maulinigang mabuti ang barilan. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang hula sa isip.

"Anong nangyari?" tanong niya kay Ka Dolfo.

Duguan itong umaahon sa madilim na ilalim ng punongkahoy paahon sa Andrea Mansion. Kanang kamay ito ni Ka Digna.

"Nasaan sila Ka Digna? Alertong tanong ni Jasmine habang inaalalayang makaakyat paahon si Ka Dolfo.

"Nasa baba pa sila," mabilis na sagot nito.

Kailangang mabigyan ng paunang lunas ang mga sugat nito kaya dali -daling dinala ni Jasmine sa basement ng mansion.

"Dumito ka muna habang ako ay magmasid masid sa labas."Bilin ng dalaga nang natapos niyang nalinis ang sugat nito at mabilis na itong lumabas.

Patungo na ang dalaga sa guard house para patayin ang iilan sa ilaw pababa. Napaatras ang dalaga sa mga tunog hakbang papalapit sa kanya. Dali-dali siyang kumubli sa malaking bato katabi ng matandang puno ng Acacia.


"Patayin ang ilaw." Kontroladong boses ng babae narinig ni Jasmine.

"Hindi maaring magkamali si Ka Digna ang boses na 'yon." hulang nasa isip ng dalaga.

Nagmadali si Jasmine na lumapit sa kawan ng mga rebeldeng nakatayo tila may hinahanap. Mabilis na pinatay ng dalaga ang iilang linya ng ilaw para walang makakakita sa kanyang hindi inaasahang panauhin.

"Magkita tayo bukas sa talampas," pabulong na salita ng dalaga.

"Nasa pangangalaga ko si Ka Dolfo kaya 'wag kayong mag-alala. Nabigyan ko na siya ng paunang lunas, hintayin niyo sa ibaba likurang bahagi ng mansion at sasamahan ko siya sa pagbaba."

Mabilis na kumilos si Jasmine sa pag-alalay ng sugatang si Ka Dolfo para maisama sa pag-alis ng grupo ni Ka Digna. Umalis na rin ang grupo sa pakiusap ng dalaga na sa talampas na lang sila magkita kinabukasan. Tutol sa kanyang ginawang pagtulong ang kanyang pinsang si Alfred pero wala itong magawa.

"Haah! Haah!

Sakay sakay kay Pegasus ang dalaga habang binabaybay ang gilirang daananang ng Hacienda Andrea patungong Talampas. Malakas ang hiyaw ni Pegasus sa kanyang pagkakagulat sa mababang lipad ng dalawang helicopter. Kasunod nito ang pagtalon ng mga Scout Ranger. Patungo sa Andrea Mansion ang batalyong mga sundalo. Pinabilis ni Jasmine ang pagpatakbo kay Pegasus para kaagad siyang makabalik sa Andrea Mansion. Kanyang unang inaalala ang maysakit niyang kapatid na si Shen. Sa maiksing daanan sa likod ng mansion dumaan paahon ang dalaga para maunahan niya ang kawang batalyon ng mga sundalo. Kaagad niyang hinanap sa loob ng mansion ang kapatid. Mabuti tulog pa ito at wala pang kaalam alam sa labas. Hinintay na lang ng dalaga na merong kakausap sa kanyang sundalo habang kalmado itong nakatayo sa tarangkahan.

Naalala niya ang pangyayari noon takot na takot siyang makakita ng mga sundalo. Pero hindi na sa pagkakataong ito nasanay na siya sa mga operasyon ng Cafgu na madalas rumoronda sa kanilang munting sitio. Sumagi din sa kanyang isip si Jake. Merong bahagi sa kanyang puso ang umaasam na makita ang binata. At may bahagi rin dito ang mag bumalot na poot. Sa kanyang isip sanay wala si Jake sa mga Scout Ranger na inaabangan niyang dumating sa kanilang tarangkahan.


"

Magandang umaga sa iyo! May nais lang po kaming itanong binibini."

Magalang na bati at paghinigi ng permisong magtanong ng isa sa mga Scout Ranger. Kinakalma lang ni Jasmine ang sarili dahil alam niyang magtatanong lang ang mga ito.

"Sige po, ano po yon."

Mabilis na sagot ng dalaga habang iniisa-isa ng kanyang paningin ang lahat ng sundalong nasa lukuran. Wala si Jake, tila hinahanap niya rin ang binata.

"Salamat naman wala siya."Ngunit may bahagi sa kanyang puso ang nadismaya.

"Wala ba kayong napansin kagabing kahina-hinalang tao kagabi?" nag-iimbestigang tanong nito.

"Wala naman," mabilis niyang sagot.

Habang iniikot pa rin niya isa-isa ang kanyang paningin sa mga papalapit pang mga sundalo. Na miss na nga niya siguro ang nag-iisa pa lang na lalaking kanyang minahal. Si Jake pa lang ang unang lalaking nagpatibok sa kanyang puso noon. Ayaw niyang dinidikitan siya o kaya mga nagpapalipad hanging manliligaw sa kanya noon. Kaya nagtataka din siya sa sarili bakit parang ang bilis nahulog ng kanyang loob noon kay Jake. Siguro nga dahil kababata at kilala niya ito. Mula noong hindi na sila nagkita pa ni Jake hindi na siya interesado sa panibagong relasyon. Nananatili muna siya sa estadong single.










Love and Combat ( Completed ) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon