Kabanata 6 Hacienda Andrea

67 6 0
                                    

Kabanata 6

Kay ganda tingnan ang kabuuan ng mansion. Sa kalsada pa lang tanaw na ang ayos pagka hilera ng mga puno dahil sa nagagandahang ilaw. Eleganteng mga decorasyon ang nasa paligid nito. Nasunod lahat ng bilin ng Gobernador. Gayak na gayak naman si Andrea at Shen. Paikot ikot pa si Shen sa harap ng salamin sa kanyang suot na pink dress. Cocktail kasi ito na tila mala prinsesa siya sa yari. Handa na ring lumabas si Andrea sa kanyang simpleng asymmetric cut out dress. Sa edad niya kitang kita pa rin dito ang kagandahang taglay noong siya'y bata pa. Kaya siya sana ang ibig pakasalan noon ni Gobernador.
Dumating na ang mga inaasahang bisita.

"Jake kailangan na ako doon sa mansion. Baka hanapin ako ni Tita Andrea." Nagpumilit na si Jasmine umalis, kanina pa siyang ayaw payagan ng binata.

Pero napapayag na din nang makita ang sunod-sunod na pag-akyat ng sasakyan ng mga bisita. Abalang abala lahat ng kasambahay sa kaarawan ng kanyang Tita Andrea at Shen. Nasa Grotto sila ni Jake nagkukwentuhan.

"Jake andyan na ang daddy."

Sunod ang mga convoy nitong sasakyan. Sabay umalis na at sumalubong sa kanyang ama si Jasmine. Patakbong siyang lumapit sa kahihintong sasakyan ng ama. Sabik rin siyang makita ito. Pati na rin si Shen parang nakikipag-unahan din sa kanya. "Daddy kaway kahit sasakyan pa lang ang nakikita".

Bumaba na din si Jake sa kalsada. Napagpasiyahan niya na bumalik na muna siya sa mga kasamahan sa kalsada. Abalang abala na rin naman si Jasmine sa pag-aasikaso sa mga bisita. May tampo siyang naramdaman sa dalaga. Dahil hindi man lang siya maipakilala sa amang gobernador. Pero inisip niya na lang na may ibang pagkakataon naman. Hihintayin niya na lang ang araw na yon.

Taon-taon isa sa mga napakahalagang araw ang kaarawan ng kanyang Tita Andrea kasabay ang kaarawan ni Shen na kanyang bunsong kapatid. Kung kaya umuuwi ang kanyang daddy sa Hacienda Andrea. Maaga pang dumating Gov. kesa noong mga nakaraan taon.

"Hi! Dad," bumati at nagmano ito sa amang si Gov. Gregor Arivanas.

"Kamusta ka anak," masayang bati sa kanya ng ama.

Matagal tagal nang huli silang nagkita. Niyakap naman at humalik sa pisngi ang ama sabay hinimas ang buhok ng anak.

"Buti naman mahaba-haba ang bakasyon mo hija, Jasmine."

Nangiti na lang si Jasmine sa sinabi ng ama. Hindi kasi siya gaanong nagtatagal noong mga nakaraang bakasyon. Naging abala na siya masyado mula noong nakapag-umpisa sa business na Publication. Mabait na tao ang gobernador, walang masasabi ang lahat na nagtatrabaho sa Hacienda. Lahat ng tao ay may tamang benepisyo at may loteng na sa kani kanilang hati bilang mga manggawa ng Hacienda. Kuntento na rin ang kanyang Tita Andrea na paminsan minsan lang inuuwian. Nasanla ng mga magulang ni Andrea sa bangko noon ang malaking bahagi ng Hacienda at ang pamilya ng gobernador ang tumubos nito. Si Andrea ang gusto ng mga magulang ng gobernador para sa anak. At si Tita Andrea niya ang totoong mahal ng kanyang daddy hindi ang bruhang napangsawa nito.

Masyado lang tuso mamaraan ang naging asawa nito kaya napikot ang kanyang daddy. Ang mommy naman ni Jasmine ay nabuntis din ng kanyang daddy sa pag-aakalang hihiwalayan ito ng kanyang bruhang asawa kapag ka nambabae siya. Noong mga panahong iyon ay hindi pa gobernador ang kanyang ama. Naging maingat na lang ito sa reputasyon kaya pinili ng pakasalan na lang ang bruhang asawa para iwas sa pagiging eskandalosa nito nang maupo sa pagka gobernador. Nag-iisa lang din ang naging anak nila dahil ayaw ng saktan ng kanyang dad ang kanyang Tita Andrea kung madadagdagan pa ang anak.

Sigurado si Jasmine na sila lang sa Hacienda ang may alam sa pagdaraos ng kaarawan ni Tita Andrea niya at Shen. Patakas lang itong umalis sa asawang ubod ng sungit. Kahit ganun pa man basta dumating ito masaya na ang araw ng pagdaraos.
Masaya ang gabi ng pagdaraos lahat ng mga mahihirap na trabahador ay imbatado. Mahal ng kanyang tita Andrea ang lahat ng nagtatrabaho sa Hacienda. Ginagawa niya ang mabuting pamamalakad at pagbibigay ng tamang benepisyo sa kanyang mga tao. Kaya maganda ang ani bawat taon mula sa mga punongkahoy na namumunga na nakapaikot sa burol. At lalo na sa pangunahing produktong kanilang itinatanim ang Tubo. Ang Hacienda Andrea ang pinakamalaking plantasyon ng Tubo sa buong lalawigan. Ito ang pinagkukuhanan ng tuli-tulinadang tubo para sa Sugar Cane Milling Central na kilala din sa buong bansa ng Pilipinas. At ang export quality na molasses galing sa Tubo na dinala pa sa bansang Borneo. Kaya ganun na lang ang pahahalaga ng kanyang Tita Andrea sa mga taong nagpapakapagod para sa mabuting ani nila taon taon.

"Yes, matutulog si daddy with us. Masayang masaya si Shen sa gabing pagkatapos ng salu salo.

"Lagi naman akong nandito anak kapag kaarawan niyong dalawang ng mommy mo," nakangiting sagot naman ni Gov. sa anak.

"Huh! tuwing birthday lang namin pgka ibang araw hindi." Nagtatampo at nakanguso pang nagsasalita si Shen.

"Okay, okay baby dadalasan ko na ang pagpunta dito." Pangako ni Gov. sa anak.

Mahilig din kumanta ang gobernador may angking magandang boses na minana rin ni Shen. Kaya madalas inaabangan ng mga tao sa Hacienda ang kanyang mga espesyal na kantang handog sa kanilang Maam Andrea. At ang magandang performance sa pag-awit ni Shen sa entablado. Dahil naka live band lalong naging magarbo ang tugtugan.

Lumalalim na ang gabi. Nagkanya kanya ng alisan ang mga bisita. Pati ang mga trabahador ng Hacienda nagsipag-uwian na. Natapos na ang araw ng pagdaraos. Maligayang maligaya naman ang mag-inang Andrea at Shen. Pati si Jasmine masayang masaya sa nakikita niyang ligaya ng kapatid at madrasta. Tanging ang convoy na lang ng kanilang amang Gobernador ang naiiwan.

Nang may mga kahina hinalang mga taong nasa paligid na nila. Mga bandidong tulisan na nakapasok sa mansion. Lingid sa kanilang kaalaman ay kanina pang karamihan ng tao andoon ang masasamang loob na yon. Nagpanggap silang kabilang sa mga trabahador na bisita.



Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon