Kabanata 22 Paraan ng Pag-ibig

75 4 0
                                    

Kabanata 22

"Buntis ako sa anak natin noong matanggap ko ang balitang nasawi ka nga sa labanan. Kahit ayokong maniwala o kahit anong gawin ko 'yon na ang katotohanang kailangan kong tanggapin. Nahirapan ako sa pagbubuntis pagkatapos ng balita na yon. Hinanap pa kita roon noong may intelligence report na buhay ka nga raw. Pero wala akong alam paano ko gagawin ang paghahanap. Gusto ko mang suyurin ang lugar ngunit malaki na ang tiyan ko kay Byorn. Iniingatan kong mabuti ang baby sa sinapupunan dahil siya na lang ang alaala mo sa akin. Anak mo si Byorn babe." Nag- umpisa na namang umiyak si Jasmine.


"Sorry babe kung hindi ko kaagad nagawang magpakita sa iyo o sa inyo ng anak natin."

Yumakap ng mahigpit si Jake sa asawa sa sobrang pananabik sumabay ang mga luhang umagos sa kanyang mga pisngi. Kahit siya ay isang matapang na sundalo nahulog pa rin ang dalawang malalaking butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Buong akala ko na may bago ka ng pamilya pagkatapos ng mahabang panahong nawala ako. Hindi ko lubos maisip na hindi mo ako ipinagpalit gayong sa pagkakaalam mo ay patay na ako. Masayang masaya ako noong araw na nakalabas ako sa Therapy Institute na pinasukan sa akin. Pinili kong wag ipaalam sayo ang pagaling ko dahil alam kung hindi mo na inaasahang buhay pa ako. Hinintay ko na lang ang araw na makakauwi na ako at ipaliwanag sa iyo ang nangyari. Sa pagkakaalam ko mabibigla ka at ipagpasalamat mo ng malaki na nakabalik na ako sa piling mo. Pero ako ang nalungkot noong nakita kong masaya ka na sa bagong pamilya. Minabuti kong wag ng magpakita sa iyo. Hindi na ako nabigla sa nakita dahil matagal na akong patay para sa iyo. Noong mga huling araw na hindi na ako nagpunta na dito. Dahan dahan ko ng tinanggap sa puso na may iba ng nagmamay-ari sa iyo. At kanina lang bago ka maaksindenteng matumba naipangako ko na sa sarili ang huling sulyap ko na sa iyo. Hindi na ako muling pupunta pa dito upang pagmasdan ka. Kailangan ko na sigurong magpakalayo layo para mag-umpisa muli ng buhay."

Umiyak lalo si Jasmine sa narinig. Ang sakit sa dibdib niya ang mga katagang magpakalayo- layo ang asawa dahil ang akala ayay pamilya na siyang iba.

"Kung hindi ko pa pala sinadya ang magpakatumba sa motorsiklo hindi na pala tayo magkakalinawan ng ganito."

"Iyan pa ang gusto kong linawin, Babe. Huwag mo na ulitin babe please," Mas kaya kong ipagparaya kita sa iba kung kinakailangan kaysa makita kong may masamang mangyari sa iyo," nag-alalang sabi ni Jake.

Wala na ibang naisip na paraan si Jasmine upang mahuli sa akto ang asawa.

"Pag pacensiyahan mo ako." Muling sinambit ni Jake ang paghingi ng paumanhin sa asawa.

"Wala kang kasalanan, naintindihan na kita." Magkahalong iyak at tawa na emosyon makikita sa mukha ni Jasmine.

"Babe si Carlo wala bang magiging problema sa kanya." Biglang sumeryoso ng tanong nito sa asawa. Umiiling iling na nakangiti ang isinasagot muna ni Jasmine.

"Wala akong bukod tanging isinagot kay Carlo kundi ang hindi kita kayang palitan sa buhay ko. Dahil lang kay Byorn kaya madalas siyang narito. I swear to God and to you, paliwanag ni Jasmine. Natawa si Jake sa inasal ng asawa.

"Okay na," sabay tawa na rin si Jake. Tinabig pa sa mahigpit na yakap ang asawa.

"I missed you babe," kasabay ang matamis na halik sa labi.

Mainit itong tinugunan ni Jake. "I missed you so much too."

Maraming taon na ang nakalipas. Sabik na sabik na rin siyang mayakap ang asawa. Hindi niya akalain pang makapiling pa pala niya to uli.

Ouch! ingit ni Jasmine sa masakit niyang mga pasa sa braso.

"Huh! kung hindi dahil sa akin wala ka sanang pasa ng ganyan. Sinisisi nito ang sarili sa nangyaring mga pasa ng asawa.

Pssst!! hindi ko pinagsisihan to. Kung kinakailangan gagawin ko pa rin ulit yon."

"Iyan naman ang hindi ko hahayaang maulit pa," Buong ingat pang niyakap at hinalikan uli ang asawa.



Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon