Kabanata 15 Alay na Buhay

73 4 0
                                    

Kabanata 15

"Babe, ang ating napagkasunduan," seryosong wika ni Jasmine.

Pilit niyang pinapatigil sa serbisyo ang asawa. Kung sa kanya lang manggagaling ang desisyon ayaw na sana niyang nangangamba para sa buhay ni Jake tuwing ito ay nasa operasyon. Pero dahil nangangako naman itong mag retiro na, hintayin niya kung kailan siya pagbigyan. Kung kailan ang tamang pagkakataong para tuparin ang pangako.

"Kailangan ko ng lumuwas sa Manila," pamimilit na sabi ni Jasmine.

"Gusto ko kasama ka," dugtong pa nito.

"Babe, hindi pa ako pormal na nakapagpaalam," buntong hininga na sabi ni Jake.

"So maiiwan ka ganun ba yon."

Naiinis si Jasmine dahil parang hirap naman si Jake na tuparin ang kanyang pinangako. Kaya napagkasunduan nila na maunang lumuwas siyang lumuwas at susunod na lang ang asawa.

"Ma'am eto na yong mga papel na dapat nyo pong pirmahan."

Abala si Jasmine sa kanyang unang araw na pagbalik sa opisina. Halos dalawang buwan din siyang wala kaya marami kailangang asikasuhin. Inuuna muna niya ang trabaho mamaya niya na lang tatawagan ang asawa dahil sigurado siyang tulog pa ito. Mag alas nueve pa lang umaga. Maging si Shen ay tulog din nang umalis siya ng bahay. Kasama na niya itong lumuwas. Dahil sa sobrang maraming minamadaling trabaho sumama ang kanyang pakiramdam. Naisip niyang magkape at sasadya na lang siya sa canteen. Nang biglang nandilim ang paligid at unti unti syang nanghihina.

"Huh!"

Napabalikwas si Jasmine sa pagkakahiga. Bakit nakasuot na siya ng ospital white gown. Gayong nasa trabaho siya.

"Hi ma'am!"

Nakangiting bungad ng kanyang sekretarya kapapasok lang sa kuwarto.

"Congratulations po!" ani pa nito.

"Hah! Congratulation saan?" nagtataka niyang sagot. Bakit ba tayo nandito sa ospital?"

Tinitingnan ni Jasmine ang oras mag a alas dose pa lang naman ng tanghali.

"Magkaka baby na po kayo," masayang sabi nito.

"Nawalan ka ng malay tao habang naglalakad papuntang canteen," kwento pa ng sekretary niya.

Naalala niya na ang nangyayari dumudilim na nga pala ang kanyang paningin. At hindi niya na alam ang kasunod.

"Gising ka na pala."

Dumating ang Ob-gyne at ibinalitang 6 weeks na siyang pregnant. Medyo maselan daw kaya kailangan niya ang pag-iingat kay baby. Pag- uwing bahay ito ang kanyang unang gagawin ang tawagan ang asawa. Laking tuwa ang kanyang nararamdaman. Gustong gusto niya ng ibalita sa asawa ang kanyang pagbubuntis. Sigurado siyang susunod na kaagad si Jake pagka nalamang buntis siya.

Ayaw niya ang amoy ng sibuyas at bawang. Maya't maya bumabaliktad ang kanyang sikmura.

"Huh! Ganito ba kahirap."

Nanlalambot na ang pakiramdam ni Jasmine. Nasa bahay na lang siya dahil hindi rin kakayanin ang magpunta pang opsisina. Inaabot niya ang phone sa gilid ng kama. Paulit ulit na niyang ginawang tawagan ang asawa, pero ito ay cannot br reached. Nakita niya may mga missed calls naman ito pero baka noong nasa banyo siya nagsusuka.

"Hello Babe, hello babe!" paulit ulit niyang bati. Sumagot naman na ito pero napuputol ang linya at wala siyang maintindihan sa sinasabi ni Jake. Mahirap ang signal sa kinaroroonan ng asawa. Nagtataka siya kung paano mahirap ang signal gayong hindi naman ganun sa kanilang lugar.

"Babe, nasa destino na ako biglaan lang ito kaya hindi na ako nakapagsabi pa sayo."

Nabasa na lang niya ang text messages sa kanyang inbox. Ang kinaiisan niya ay wala man lang itong sinabi. Hindi pa binanggit ang lugar kung saan ang kanyang destino. Palagay ni Jasmine siguro sinadyang hindi magpaalam kasi alam nang hindi rin siya papayag.

"Marahil ay liblib ang lugar na yon kaya mahirap makausap sa phone," bulong niya sa isip.

Dahil sa kanyang inis pinilit na lang niyang makatulog. Lingid na sa kaalaman ni Jasmine nasa liblib na lugar ng Mindanao ito nadestino. Hindi na alam ni Jake kung gaano pa katibay ang seguridad na sila ay makauwi pa ng buhay. Ito ay ang sinumpaang pangako ng isang sundalo. Ang ialay ang buhay sa pakikipaglaban para sa bansang Pilpinas. Madilim na gabi sa kanilang operasyon. Kababa lang nila sa helicopter at kasunod na aakyatin ang bundok kung saan nakakota si Datu Lakan at ang kanyang mga private army. Isang lahing Borneo ito at matagal na palang nagtatago sa Pilipinas dahil sa krimeng ginawa sa kanilang bansa. Dahil ito ay mayaman kanilang bansa madali itong naging makapangyarian sa liblib na bahagi ng bukidnon. Matagal ng nasakop nito ang bulubundukin dahil sa kanya na talagang teritoryo ito mula noong siyay dumating ng Pilipinas. Kanyang nabili ang napakalawak na lupain sa napakamurang halaga. Nakabuo ng ng pwersang umaaklas sa gobyerno sa pamumuno ni Datu Lakan at naging salot na ito sa ating pamahalaan.

Nadaig niya na ang mga unang pinadalang Cafgu Army upang sana ay pulbusin sila. Naubos lang ang lahat ang mga ito sa hindi alam ang dahilan kung paano sila nagapi.

"Aaah! Aaah! Aaa!

Kanya-kanyang bulagta ang mga naunang hanay ng mga sundalo. Habang sila'y pasugod na, tanging mga pana lang ang isa isang tumama sa kanila. Walang ingay ng putok. Tanging pagtangis ng mga sundalong kanya kanya ng binawian ng buhay. Nasa gitna ng bahagi ng ang huling hanay na sila Capt.Jake ng wala ng nagliliparang pana. Lalong delikadong katahimikan ang naramdaman niya. May biglang bumagsak na bitag sa kanilang harapan. Pasok sa loob ng tila mo lambat na panghuling isda si Capt. Jake at dalawa pang kasamahan. Hindi pa nasiyahan ang mga walang puso lahat ng nasawing sundalo ay kanilang tinipon at at pinasabugan pa ng bomba. Isang napakalakas na pagsabog ang huling narinig ni Jake. Ito na yong nag-umpipisang masakit na kalbaryo ng isang sundalo ang maging bihag. Sa isang maliit na maliit na tila bartolinang sulok sila ikinulong at sinasaktan. Lumipas ang mga taon sa kanila bilang mga bihag. Unti unti ng nawawalan ng pag-asa si Jake na mabuhay pa. Bukod sa hindi na niya alam kungb saang lugar sila naroon. Dahil mahaba ang kanilang nilakbay at nagpapalipat lipat ng lugar bago sila namalagi. Alam niyang maaring hindi na rin siya hinintay ng asawa. Na marahil akalain nitong siya ay patay na. Walang makitang pagkakataon si Jake para makatakas. Isang umaga tuluyan ng ipinauubaya ni Jake ang buhay sa Maykapal . Nang kanyang narinig ang usapan sa labas.

"Pagod na ako sa pagbibigay ng pagkaing baboy sa tatlong sundalo na yan tapusin niyo na buhay nila. Ayoko ko nang magpakain sa mga yan."

Maluwag na itong tinanggap ni Jake sa puso. Mamatay siyang ipinaglaban sa huling hininga ang bansa.


Love and Combat ( Completed ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon